34

150 3 0
                                    

It was a Saturday morning, two weeks have passed since ang pag dalaw ni Roch dito. Nag kaayan na lumabas ngayon kasama sila Thea para icelebrate ang birthday ng kambal na si Clea at Cleo. 3pm kami pinapapunta ng dalawa, balita ko nga imbitado ang Archers dahil kaclose iyon ni Cleo na nakikitraining na sa kanila ngayon. Maghahanap pa ako ng regalo sa kanila kaya tinawagan ko si Kuya Drei kung free ba ngayon o hindi,

Kuya san ka?

Dorm, bakit?

Punta ka mamaya? Sa birthday nila Cleo.

Oo, ikaw? Sunduin kita?

Text kita kuya, baka sunduin ako ni Roch. May regalo kaba?

Syempre, syempre wala.

Samahan mo 'ko bumili regalo?

Nandito si Tine eh, tutulog eh.

Ay sige kuya, see you mamaya!

Sinubukan kong tawagan si Roch, himala dahil tatlong ring palang ay sumagot na siya.

Hey, what's up?

Hi, are you free today?

Why?

Bili sana ako regalo nila Cleo.

Okay, I'll just shower lang tapos I'll pick you up, love you!

Love you too, baby!

Napangiti ako. Minsan nalang kami ulit lalabasa ni Roch kaya excited ako. Nag instant cup noodles nalang ako bago dumiretso ng c.r. para maligo. Pinili kong damit ang plain kong sweat shirt na nude ang kulay galing sa isang local brand, nag black pants rin ako na ripped sa tuhod at sa ankle. Nag black basic slip on vans nalang ako para di ako hassle at wala namang dress code sa party nila Cleo. Nilagay ko sa tote bag ko ang wallet, power bank, phone at instax ko para makapag picture kami mamaya. Nag dala na rin ako ng extrang pamalit kung sakali. I wore light make up at niladlad nalang ang buhok kong humahaba na. Gusto ko nga 'tong pa boy cut at pakulayan ng ibang kulay naman kaya lang wala pa akong time at di ko pa feel magpagupit.

Habang naghihintay kay Roch ay nanood muna ako ng isang episode ng Money Heist, sakto siya dahil kakatapos lang ng palabas ng mag doorbell siya. Naka polong itim si Roch na nakatuck in sa light wash niyang pants at naka nike na sapatos. Humalik siya sa pisngi ko tsaka pumasok sa condo saglit,

"Lamig na lamig ka ba?" natatawa niyang banggit sa akin, "Bakit ba? Eh ang ganda neto eh." nakapout kong sabi sa kaniya. Karamihan kasi talaga ng suot ko kapag umaalis kami ay hoodie o di kaya naman ay sweatshirt. "Oo na oo na papacute pa eh, lika dito dali.." naglandian pa kami ng kaunti bago tuluyang umalis. Pumunta kami sa malapit na mall para bumili ng regalo sa dalawa. Bucket hat ang regalo ko sa kanila, magkaiba ng kulay pero parehas ng design. Pinaka balot ko nalang rin dito sa Dept. Store dahil libre naman.

3pm ay pabiyahe na kami kila Cleo. Malaki ang bahay nila, mayaman kasi 'tong mga 'to. Business man ang daddy nila ganon din si Tita, pero di pa namin na memeet ang daddy nila Cleo dahil ng pumunta kami rito 'non ay nasa business trip daw. Maraming maid sa bahay nila kahit apat lang naman silang lahat. Si Clea nga gusto pa mag dorm malapit sa La Salle dahil sa laki ng bahay nila, parang sobrang lungkot naman kung mag isa ka lang dito. Si Cleo kasi sa dorm na ng Archers umuuwi dahil trainee na siya. Sinalubong kami ng kambal pag pasok namin ni Roch, nandon na rin sila Kuya Drei. Binigay ko ang regalo sa dalawa tsaka kami inanyayahan na kumain,

"Kumain kana Kuya Drei?" nakatitig lang sa amin si Kuya Andrei.. hindi pala samin.. Kay Roch lang. Si Roch naman ay nakikipag usap sa iba naming kaklase last semester. "Kuya Drei?" pag tawag ko ulit sa kaniya. Saglit siyang kumurap tsaka tumingin sa akin, "Di pa, sabay na tayo." bago ko pa man din tawagin si Roch ay nahatak na 'ko ni Aljun. Maraming pagkain sa table, meron ring nga pick-a pick-a at syempre hindi mabubuo ang birthday kung walang alak.

I'm eating with Kuya Drei ng pumunta sa gawi namin si Roch. Nanahimik nalang si Kuya Drei sa tabi ko at kinausap nalang si Aljun, "Eat kana, di na kita natawag si Kuya Drei eh gutom na gutom.." tumango nalang siya, hindi na lumingon pa kay Kuya Andrei at nagtataka kung bakit hindi siya pinansin nito kanina pa.
After naming kumain ay nag aya na silang mag kantahan, meron kasing video ke dito sa loob mismo ng bahay nila Cleo dahil si Clea ay mahilig ring kumanta,

"Oh Pat!! Pat dali!!!" pag sigaw ni Cleo sa akin pero tumatangi tangi ako, nakakahiya kaya!

"Onga Pat minsan lang!" pang gagatong ni Alex sabayan mo pa ng Archers na sumisigaw sigaw na rin. Wala na akong nagawa kundi pumili ng kanta na pwede kong kantahin. Pumapalakpak palakpak sila Thea at mga kaklase ko 'non, minsan na kasi nila kong narinig na kumanta. Hindi rin naman kasi ako nagagalingan sa sarili kong boses, pag trip ko lang kumanta tsaka ako kakanta.

"Ang taas niyan hoy!" nagulat ako ng makapili na pala si Clea ng kakantahin ko. Wala na talaga akong nagawa at binigay na nila ang mic sa akin.

(Please play, Sa ngalan ng Pag-ibig by December Avenue cover by PATCH isipin niyo nalang ganyan ang boses ni Pat haha thanks mwa)

After ko kumanta ay nag hiyawan na silang lahat at rumerequest pa ng isa pa pero tumanggi na 'ko talaga, sakto naman ay kakantahan na namin sila Clea ng happy birthday at mag hihipan na sila ng kandila.

Lumabas ang mama ng kambal na may dala dalang cake, pati na rin ang daddy nila. Kamukhang kamukha ni Cleo ang daddy nila, hawig na hawig talaga.

"Oh let's sing!!!! Happy birthday to youuuuu!"

"Happy birthday to youuuuuu!"

"Happy birthday, Clea and Cleooooo! Happy birthday to youuuuuu!"

Saglit na pumikit ang kambal at sabay na hinipan ang kandila nila. Nag palakpakan na kami nag picture taking muna,

"Okay eto na, Walwalan na!!!!!" at dun na nga po sila nagsimulang uminom. Lumapit si Roch sakin at hinawakan ang bewang ko bago ako sabayan uminom ng tequila na ibigay sa amin ni Cleo,

"Am i late?????" napabitaw si Roch sa akin ng makita kung sino ang nasa may pintuan.

"Tangina, anong ginagawa niyan dito?" naririnig kong banggit ni Alex. Sinamaan niya ng tingin sila Thea, si Thea naman ay hindi makatingin ng diretso kung nasaan si Stella.

"Happy birthday to the both of you, here's my gift! Thanks for being a good friend of mine! Kayo ang favorite kong kambal!" saglit siyang lumingon sa amin ni Roch tsaka bineso ang kambal at inabot ang regalo nito. Tinignan ko si Roch na nakatingin lang kay Stella, hindi maipinta ang mukha niya. After 'non ay inaya nalang kami ulit ni Clea na uminom. Naparami na rin ang inom ko dahil naglaro pa kami ng UNO at lagi akong natatalo, tequila pa naman yon at Jack fucking Daniels.
Umiikot na ang paningin ko at nagpaalam na uupo muna sa sofa, hinanap ng mata ko si Roch pero hindi ko rin sigurado kung nandun paba sya sa bilog at nakikipaglaro. Nakaramdam ako ng parang may lalabas na suka sa bibig ko kaya kumaripas ako ng takbo sa C.R. naisuka ko ang lahat ng iyon at pagkalabas ko ay parang gusto ko ulit sumuka,

Katapat ng C.R. ang isang kwarto kung san may dalawang naghahalikan. Nakapatong ang babae sa ibabaw ng lalaki at nakikipag hamunan ng halikan. Nakabukas ng kalahit ang pintuan kaya pag labas mo ng comfort room ay kitang kita mo kung sino ang nasa loob.

Stella.

Roch.

Tangina.

—————
end of chapter 34

LaroWhere stories live. Discover now