46

164 3 0
                                    

"Pupunta ka ba mamaya sa birthday nila Cleo?" tanong ni Ricci sa akin pero umiling lang ako, tinatamad akong umalis ng bahay.

"Nandon si Pat pati Roch." simple niyang saad at akmang aalis na pero pinigil ko siya,

"Anong oras ba?"

Sinalubong kami ng mga caretaker nila Cleo pagkapasok namin ng bahay. Halos kasabay lang namin sila Patricia na dumating, nagpapalit palit ang tingin ko kay Roch at Andrei dahil halatang halata mong iniiwasan ni Andrei si Roch.

"Kumain kana?" rinig kong tanong ni Patricia kay Andrei. Umiling lang si Drei tsaka hinila ang pinsan niya sa dining table para kumuha ng pagkain.

Pinagmasdan ko si Roch na busy sa kaniyang phone at hindi na ata namalayan na wala na si Patricia sa kaniyang tabi. Maya maya lang ay nag ring ang phone niya at nagulat pa siya bago tumayo at tuluyang sagutin ang tawag.

Kasalukuyang nag kakantahan ang mga kaklase nila Patricia. Nakikiasar lang kami nila Aljun at nakikisigaw kapag ka ang isa samin ang kakanta.

"Am I late?" tila tumigil ang mundo naming lahat ng makita si Stella na papalapit sa aming pwesto. Agad akong napatingin kay Roch na akala mo ay nakakita ng multo nang tuluyan ng makalapit si Stella sa aming pwesto.

Binigay niya ang regalo sa kambal at binati ito at nakisali sa amin na parang walang nangyari. Buong inuman ay nakatingin lang ako kay Patricia na ginagawang tubig ang Jack Daniel's,

"Clea, san comfort room?" nahihilo niyang sabi. Sinubukan niya pang hanapin si Roch pero wala ito. Wala rin si Stella kaya agad na nagkuyom ang kamao ko,

"Jun, nasan si Roch?" tanong ko kay Aljun habang pinagmamasdan si Patricia na umaakyat para mag c.r.

"Ha? Ewan ko ba't sakin mo hinahanap?" ininom ko ng diretso ang isang shot glass at akmang susundan si Pat nang harangan ako ni Alex,

"Ako na." tumango ako at naupo sa hagdanan habang hinihintay na bumaba ang dalawa. Pagkababa nila ay nakayuko si Patricia, hindi ko rin alam kung bakit sila nagpalit ng damit ni Alex at nakatalukbong pa ang ulo.

"Uuwi ko na 'to lasing na." dire-diretso niyang sabi kaya nagtaka ako. Pag akyat ko ay nakasunod na sa akin si Kuya Andrei. Bumungad si Roch at Stella na nag naghahalikan, agad kong kinalabog ang pintuan kaya nagulat si Roch ng makita kami,

"Tarantado!" galit na saad ni Kuya Andrei. Sinuntok ko si Roch at lalong nagalit ng suntukin niya ako pabalik.
Agad na sumigaw si Stella kaya napa akyat ang iba rito. Naawat ako ni Ricci ng akmang susuntukin ko ulit ang mokong,

"How dare you!?" naiinis na sabi ni Stella at sinampal si Andrei.

"Tarantado kang manloloko ka! Wag kang magpapakita sa pinsan ko!" sigaw ni Andrei at akmang susugurin ulit si Roch pero naawat siya ni Aljun at Baltea.

"How dare me ha Stella?! Masaya bang maging kabit?! Mga gago! Sa lahat ng lolokohin ninyo, pinsan ko pa!" nagpumilit na kumawala si Andrei sa mga bisig nila Aljun at galit na bumaba. Sumunod na kami kay Andrei tsaka nag punta sa condo ni Pat.

Naabutan namin siyang mugto ang mga mata at hindi alam ang gagawin para ikalma saglit ang sarili niya nang makita niya si Andrei ay agad niya itong niyakap at umiyak ulit sa kaniyang pinsan.

"Tahan na.. tahan na.." pagpapatahan ni Aljun habang hinahagod ang likod nito. Kinalma ko ang aking sarili at nagpakawala ng buntong hininga bago tignan ulit si Patricia.

Ayoko siyang nakikitang nalulungkot o umiiyak dahil hindi ko kakayanin at baka kung anong magawa ko sa taong may dahilan kung bakit siya nasasaktan.
Siya ang pinaka iniingatan ko, kaya simula nang maging sila ni Roch ay binabantayan ko parin siya ng palihim. Nagparaya ako, oo. Pero hindi ibig sabihin 'non ay nawala na ako ng pakialam sa kaniya.

LaroWhere stories live. Discover now