18

238 9 0
                                    

"Can you wake up? Please, Pat! Dalian mo!!" Inis kong binato ng unan si Alex at Thea na ngayong nang gigising sa akin. For pete's sake linggo ngayon! Sa pagkakaalam ko ay wala namang laro sila Kuya Andrei jusko po!

"Ano ba!?" naiirita kong saad at bumalik sa kama pero may humila sa akin. "Hi grumpy, Good morning to you!" agad kong tinulak si Roch na ngayong nasa harapan ko. What is he doing here!?

"Grabe ganyan mo ba ako ka-miss?" natatawa niyang saad at agad akong pumunta ng C.R para mag tooth brush at maghilamos. "Kaya naman pala. Consious na sayo, Mond." natatawang saad ni Alex ng makalabas ako ng kwarto ko at maabutan silang hinahanda ang pizza na dala nila.

"Namiss kita tapos itutulak mo lang ako? How dare you po?" mataray na saad ni Roch tsaka ako inirapan. Natawa kaming tatlo sa kaartehan ng mokong na 'to at lalo siyang sumibangot ng hindi ko man lang pansinin ang pagtataray niya at kumuha ng isang sliced na pizza.

"Wow!" pag paparinig niya pa tsaka tumayo at pumunta sa ref ko. Pinagmasdan ko ang ginagawa ng mokong, kumuha siya ng isang Chuckie kaya agad akong nagulat, "Hoy! Akin yan!" saad ko sa kaniya pero nag belat lang siya. "Santos! Akin yan eh!" Noooo, my favorite drink :< Natatawa niya akong tinignan tsaka may kinuha sa may living room. Pag balik niya ay agad na nanlaki ang mga mata ko sa pamilyar na box na hawak hawak niya.

"Oh. I miss you kasi." He just gave me one box of chuckie!? Wtf?! OMG..

"Rochi!!!!!!!" hyper kong saad at agad siyang niyakap, I can't contain my happiness! Alam niyo bang iniiyakan ko 'to nung bata ako!? Agad kong kinuha ang phone ko to take some pictures of my one and only love.... na chuckie hehehe.

"Sana kung gaano ka kaexcite sa mga yan, ganoon din sa'kin." napatigil ako sa pag lalagay ng mga chuckie sa ref tsaka hinarap si Roch. I smiled at him at sumenyas ng yakap na hindi niya naman tinanggihan. "I missed you, too.." mahina kong banggit. Thea & Alex were taking pictures of us at kinikilig pa, "I got you both! Airdrop ko na lang!" sigaw sa amin ni Alex at nagpaalam na sila ni Thea dahil daw may pupuntahan pa. I hugged them both tsaka namin sila hinatid sa elevator.

Napagalaman kong nagpasama lang talaga si Roch kay Thea at Alex na mang gising sa akin dahil nagpatulong magpabuhat ng mga dala dala niya.
"Eat breakfast na tapos swimming tayo?" tumango ako kay Roch at sinabayan niya kong kumain ng dala niyang breakfast. My forever favorite garlic longganisa, plain rice & itlog na maalat. The best morning ever!!

Nagpaalam ako kay Roch na magpapalit lang ng damit at mag-aayos ng gamit. I went to my room and change my usual training clothes at nilagay sa gym bag ko ang mga pamalit ko, extra plastic at essentials ko. Naabutan ko siyang nililigpit ang pinagkainan namin. He's so focused sa paghihiwalay ng nabubulok sa di nabubulok na basura. Sumisipol sipol pa ng song na kinakanta niya sa akin palagi. He's a bit white now, kakapagupit lang rin niya ng buhok. He's wearing our Tankers shirt isang comfy shorts at naka nike na rubber shoes. I literally smiled when he noticed na tinitignan ko siya the whole time na nagliligpit siya,

"Why?" he is still smiling at me. Pure & Genuine.

"Wala. Tara?" tumango siya sa akin tsaka kinuha ang gym bag kong dala. Nilock namin ang condo at nagpaalam kay Manong guard sa baba. Sasakyan ni Roch ang dala namin ngayon, he has a new car regalo daw ng Dad niya sa kaniya last week.

"Yes naman! Kuyang uber sa La Salle po!" natatawa kong banggit sa kaniya habang inaayos ang seatbelt namin. "Okay po Mam!" nakisabay si Roch sa trip ko at tsaka pinisil ang cheeks ko, "Pang-ilang beses ko nabang sinasabi sayo? I miss you." saad niya pero nakatingin parin sa daanan. I pinched his cheeks kaya agad siyang napapikit pero nakangiti pa rin. Cutie.

We did our routines before we go to the pool. Bukas ang pool area ng DLSU ng Monday to Sunday kaya kami nakapasok, besides we're athletes here at gawain na talaga namin minsan ang mag warm-up at swim every Sunday.

LaroOnde histórias criam vida. Descubra agora