32

160 1 2
                                    

"Sweet ha."

Bumitaw ako sa pagkakayakap ni Brent sa akin, tumingin lang si Brent sa kaniya tsaka tinaas ang middle finger niya bago pumasok sa C.R.

"Punta ka mamaya?" pang iiba ko ng usapan, tinawanan ako ni Aljun tsaka sumagot. "Oo naman, lalasingin namin si Kib eh." Kung sino pa talaga ang mga kaibigan mong tunay sila talaga ang unang gagawa ng kalokahan sayo.
Tinawanan ko si Aljun pero ang loko ay nakangiting pang asar pa rin sa akin, "Ano nanaman, Melecio?" inis kong banggit sa kaniya tsaka siya inirapan kaya naman binato niya ko ng jersey niyang suot kanina. "Kadiri ka talaga!" nakakainis kong banggit sabay bato pabalik 'non kaya pumunta siya sa harapan ko tsaka ako tinitigan ulit, "Punyemas ka 'yang tingin mo nanaman!" ramdam na ramdam niyang naiirita na ako sa kaniya kaya ngumiti pa siya lalo tsaka ako tinawanan.

"Bagay kayo talaga ni Ate Andeng! Magsama kayo!" tinutulak tulak ko pa siya para lang umalis sa harapan ko. Habang patuloy pa rin akong binubwisit ni Aljun ay nagsi pasukan na ang ibang team mates nila, dapat nga lalabas nako pero pinigilan ako ni Aljun dahil dun naman rin sila nagbibihis sa loob ng shower room. Naupo nalang ako tsaka dumantay sa balikat ni Aljun na nasa tabi ko na at nag lalaro ng ML. Nag scroll scroll nalang ako sa twitter ng mga kung ano pa mang mababasa o makikita. Nakikiretweet ng mga recent tweets about Green Archers, tinext ko na rin sila Ate Yna na kasama ko sila Kuya Drei.

"Kuya, sabay na 'ko sainyo papunta kila Kib." tumango si Kuya Drei sa akin tsaka binigay ang bag niyang dala pagkatapos kuhanin ang mga kailangan niya para maligo, "Paki ayos, Pat." tumango nalang ako. Habang nag aayos ako ay tumayo si Aljun saglit, pinagka abalahan ko nalang 'tong bag ni Kuya Drei. Kalat kalat kasi pati yung earphones, power bank at charger wires niya. May umupo sa tabi ko pero di ko na napansin dahil nag aayos ako at nang di sinasadya na mahulog ko ang medyas ni Kuya Drei ay yung katabi ko ang pumulot.

"Organized ha. OC ka?" natatawang banggit niya sakin sabay abot ng medyas, "Oo, bakit? Papaayos ka rin?" sagot ko nang di lumilingon. Nang matapos ko na ayusin ang bag ni Kuya Andrei ay binigay sa akin ng katabi ko ang bag niya. Nagulat ako ng mabasa ang nasa bag tag nito, BIP.
Nilingon ko si Brent na naka hoodie na black at pants na light washed. Bagsak pa ang buhok niya at di pa nasusuklay, pinapatuyo siguro. Nakapikit siya habang nakikinig ng kanta, nang minulat niya ang mata niya ay nagtataka siyang tumingin sakin.

"Ah wala." inayos ko na lang rin ang bag ni Brent kahit na hindi naman masyadong magulo. After matapos maligo nila Kuya Drei ay pumunta na kaming parking lot, sinalubong parin siya ng mga fans nila. May mga nagpapicture rin sa akin, inasar asar pa nga ako ni Vince ng makita kami kasi nahihiya na ako talaga. Sa sasakyan ni Aljun ako ngayon sumabay kasama si Brent, Kuya Abu at Kuya Ramil. Nang uupo na ako sa tabi ng driver's seat ay agad akong inawat ni Kuya Abu, duon daw siya dahil siya daw ang DJ. Si Kuya Ramil naman sa pinakalikod ng sasakyan pumwesto dahil magbibihis pa siya. Kami tuloy ni Brent ang nasa gitna.
Tinignan ko ang phone ko kung may text ba si Roch, wala pa rin siyang update. Nagtext nalang ako na papunta na kami sa bahay nila Kuya Kib.

"Okay ka lang? Nilalamig ka ba?" tanong ni Brent sa akin. "Medyo, pero okay lang ako." sagot ko sa kaniya at maya maya lang ay may kinuha siya sa bag niya. "Suot mo." isang plain na orange sweat shirt. Tumango ako at nag thank you tsaka pinatong nalang iyon. Di naman kasi masyadong mainit ang damit ko. Tahimik ang biyahe namin at tanging tugtog lang ang maingay, medyo inantok ako kaya di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

"Brent, gisingin mo na yan." hindi ko mamulat ang mga mata ko, may mga naguusap pero tinatamad pa ako talagang dumilat. "Oh sige na, sunod kami 'pre." naramdaman ko na ang marahan na  pagtapik ni Brent sa braso ko, dinilat ko ang isa kong mata tsaka siya tinignan. "Aww, sleepy girl. Tara na, almost dinner na oh. Kakain na tayo." nakangiting banggit niya tsaka inayos ang buhok kong tumatama na sa mata ko. Nag suklay lang ako at nag pulbos tsaka na kami bumaba ni Brent. Nag check ako ng phone ko, delivered lang ang iMessage ko kay Roch.

Pagkarating namin sa loob ay agad kaming inaya ni Kuya Kib na kumain, tumabi na ako kay Aljun samantalang si Brent ay nakikipag usap na kay Ricci. Kumain lang kami, nagtawanan at nag asaran lang ang Archers, pinapashot na nila ngayon si Kib na pulang pula na.

"Walang hiya ka talaga, Aljun Jay!" sigaw ni Kib pero ininom parin ang isang basong Jack Daniel's na bigay ni Aljun. Nag inom rin ako ng konti, pero ayoko malasing dahil panigurado sila Kuya Drei ay aalagaan ko. After ng ilang shots ay lumabas muna ko sa may pool area tsaka nagmuni muni, hinihintay parin ang reply ng boyfriend kong miss na miss ko na.

to Roch🤍:
Hey baby, gising pa rin akoo. Uminom kami pero onti lang, Miss na kita. I love you.

Nahihilo ko iyong sinend at pagkatapos ay nagpalumbaba nalang ako habang pinagmamasdan ang tubig sa pool.
"Hoy, Patricia!" sigaw ni Aljun habang papalapit kasama si Ricci at Brent. Nakalive ata sa periscope 'tong si Ricci, "Say hi ka naman diyan famous na rookie ng Tankers!" pang aasar niya at hinablot ang phone ni Ricci tsaka tinapat sa mukha ko. "Aljun!!!" naiinis kong banggit ng mas lalo niyang nilapit ang phone sa akin. "Bro, akin na! Ako mag tatapat kay Pat!" inagaw naman ngayon ni Ricci ang phone tsaka tumabi sa akin. "Guys eto yung shiniship niyo sakin eh mas lalaki pa nga 'to kumilos kesa sakin," natatawang banggit ni Ricci tsaka ako inakbayan at pinaka kaway sa live niya. Oo, siniship rin kami ng iba niyang fans. Madalas kasi nila kaming makita na kasama ko si Ricci dahil kaklase ko siya next school year sa isang subject kaya nag aayos kami ng schedule.

"Paolo napaka bully!' naiinis kong banggit sa kaniya kaya tumawa siya at binasa ang mga nasa comments, "Oh eto yung Brent niyo oh! Lasing na!" si Brent naman ngayon ang puntirya nila ni Aljun. "Oh may question, are you inlove kuya brent?" pagbabasa ni Aljun sa mga comments na hindi ko ba alam kung totoo ba o gawa gawa lang niya.

"Yes or yes lang daw ang answer," asar ni Ricci na saglit pang napalingon sakin tsaka tumawa sila ni Aljun habang si Brent ay di mo alam kung anong reaksyon ng mukha.

"Yes, I'am inlove."

LaroWhere stories live. Discover now