24.1

207 9 0
                                    

Pagkatapos akong yakapin ni Brent ay humiwalay rin siya sa akin tsaka ako nginitian, "Don't worry. Nag mo-move on na naman ako, its a process 'diba? Cheer up na." mahinahong banggit niya at inayos pa ang iilang hibla ng buhok ko at inilagay iyon sa tainga ko. Nagpaalam si Brent na lalabas siya para daw makapag isip ako ng maayos, kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Hindi siya nagbago. Kahit na nasaktan ko na siya, hindi parin siya nagbabago.
Naupo ako sa kama habang yakap yakap ang unan ko, nakatulala lang ako at iniisip kung saan papunta ang usapan ni Mama at ni Roch sa labas, gustuhin ko mang makipag kulitan duon ay hindi ko magawa. Bakit nga ba siya sumadya dito sa Maynila? Dahil lang sa ganon? Ganoon nalang ba siya kapursigidong pigilan ang anak niya sa gusto nitong gawin?

"Pat.." agad akong napalingon sa hambana ng pintuan at sumilip duon si Roch. Ngumiti siya sakin at sumenyas kung pwede ba siyang pumasok na agad kong tinanguan. Sinarado niya ang pintuan bago naupo sa harapan ko tsaka ako tinignan. "You cried ba?" nag aalalang tanong niya sa akin at dahan dahan akong tumango. Bumuntong hininga si Roch bago tumabi na sa akin tsaka hinalikan ang noo ko, "Please.. be fine na. Hey, wag mo na nga guluhin si Pat. Sige, i-kikiss ko yan araw araw." He is talking to my forehead? or to my mind? Ewan ko sa weird na 'to. Pero ang cute niya kasi seryosong seryoso pa siya.

"Hinahanap kita sa labas. Brent told me na nandito ka daw at matamlay." saad niya sa akin tsaka ipinagsikop ang mga kamay namin. Humilig ako sa kaniyang balikat kaya nag adjust pa siya ng konti para makapatong din ang ulo niya sa akin. "Ayaw mo lumabas?" tumango ako sa kaniya at nanatili kaming tahimik na dalawa. As always, I'm more calm right now at hindi na ako masyadong nalulungkot dahil nasa tabi ko na siya. Ang ganitong scenario namin palagi ay nakakapag wala ng stress ko ng di ko namamalayan. Yung tipong magkahawak kamay lang kayo, nakahilig ka sa balikat niya samantalang siya ay nakahilig rin sayo at tahimik lang.

Ngunit kahit na ano pa man ang dumating
Nandito na ako, at dadamay sayo

Mula ngayon di kana mag iisa
Wag matakot mawala

Sasamahan ka hanggang langit at hindi bibitaw sa piling mo..

Mga bagay na ating haharapin
Dal'wa tayo sabay natin lulutasin

Kaya kahit anong unos pang darating
Wag nang mangamba aalayan kita.

Habang mahinang kumakanta si Roch ay hinihila ako ng antok dahil sa bigat ng mga mata ko. Napansin niyang inaantok na ako kaya natawa siya sa akin, "We should go outside muna babe.. Mamaya ka na matulog." saad niya sa akin tsaka humalik sa kamay kong nakahawak sa kaniya.
Saglit pa akong kumalma bago kami lumabas ni Roch ng kwarto. Ang mapang asar na tingin ni Aljun sa akin ang bumungad dahil sabay talaga kami ni Roch na lumabas. Etong Melecio na 'to kahit kelan eh!
Namataan kong nag uusap si Ate Yna ngayon at ang Mama ko, si Daddy naman ay kausap rin ang Archers. Dad is a basketball player din nuong kabataan niya pero mas pinili ang pag nenegosyo kesa sa pag ba-basket ball.
Nang mapansin ni Ate Yna na nakatingin ako sa kanila ay agad siyang ngumiti sa akin tsaka lumingon si Mama para tignan ako. Walang ekspresyon ang mga mata ko ng tignan ko siya at ganun na lamang ang gulat niya ng makitang muli ang ganoong itsura ko. Pinapunta ako ni Ate Yna duon para makapag usap kami ni Mama. Nang maupo ako sa harapan niya ay uminom muna ako ng tubig bago siya harapin,

"What did I told you about being a swimmer, AGAIN? Patricia Eunice?" mahina pero maawtoridad na saad niya at kusang nag sitayuan ang mga balahibo ko at saglit na tinignan sila Dad na nagtatawanan.

"Mom, I can't just let go of my dreams! I told you that already! Hindi naman yun nakakadistract ng pag aaral ko.." depensa ko sa aking sarili at nakita ko ang pagkunot ng noo, "You shouldn't disobey us, Patricia! Kapakanan mo lang ang iniisip namin! Ano ka ba ha? Ganyan ba ang tinuturo sayo nung boy friend mong swimmer din?! Kaya mo ba yun sinagot para magkaroon ka ng dahilan para hindi umalis jan sa Tanker na yan ha?!" kusang umakyat lahat ng inis at galit ko at ang mga nagbabadyang mga luha sa mata ko ay tumulo na. Inipon ko lahat ng lakas ko tsaka siya tinignan,

"Nanay ba talaga kita para pag-isipan mo ako ng ganyan? Really Mom? Ni hindi niyo nga alam ang araw araw kong pinagdadaanan ang galing niyo pa pong akong pag sabihan ng ganyan? Roch is been there for me! He is the meaning of home, Mom! Not you or Daddy. Wala na akong pakialam kung hindi nga kayo pumupunta sa mga mahahalagang parte ng buhay ko eh, pero ang pigilan ang anak mo sa isang bagay lang na nagpapasaya sa kaniya? Isa lang yun pero ang laki laki na sayo.. Why? Bakit po?" humingang malalim ako tsaka pinunasan ang mga luha sa mga mata ko at hindi na hinintay ang sagot niya sa akin. Umalis ako duon at pumunta sa kwarto ko para magpalit ng isang sweat shirt at kinuha ang susi ng sasakyan ko,

"Hoy hoy! Saan ka pupunta?" nagtatakang saad ni Ylac sa akin pero hindi ko siya pinansin at nag dire diretso ako palabas ng condo, "Pat! Tangina, Jun! Bilis!" naririnig kong saad ni Kuya Andrei pero mabilis na dumating ang elevator at inihatid ako sa parking lot. Tinakbo ko ang parking lot papunta sa pwesto ng sasakyan ko at mabilis na sumakay at pinaandar iyon.

Gusto ko munang mag isa, ayoko muna ng makakausap dahil pakiramdam ko ay sasabog na lang ako bigla. Iniwan ko sila duon dahil hindi ko na kaya, pupunta sila duon para lang pigilan ako sa pangarap ko sa harapan ng mga kaibigan ko? Ano ba talagang gusto nilang mangyari sakin? Pati ang relasyon namin ni Roch ay nagawa pang idamay ng magaling kong nanay. Ang galing talaga, really Life? Ganito ba talaga? May galit ka rin ba sakin?


----end of chapter 24.1

LaroWhere stories live. Discover now