7

306 9 0
                                    

Bumungad sakin ang amoy ng alak, vodka, tequilla at kung ano ano pang inumin na nandidito sa bar. Nasisilaw na din ako at nahihilo sa dami ng ilaw at iba't iba ang kulay nito. Agad akong inakbayan ni Roch tsaka kami pumunta sa upuan namin, "Okay ka lang?" bulong niya sakin dahil sobrang lakas ng tugtog dito. Tumango ako kay Roch tsaka inabot sa akin ang isang shot glass,

"Ayan inumin mo. Hindi malakas ang tama niyan," saad niya at kinuha ko yon tsaka ininom ng diretso. Nagkantyawan sila Kuya Drei dahil nga first time ko 'to, hello? Walang ganito sa Batangas! "Ang sarap isa pa, Roch!!" excited kong saad at binigyan niya pa ko ng isa.

Hindi ko alam kung nakailan ba akong ganon, lima? pito? ewan. Naiwan na kami ni Roch sa table dahil sila Kuya Drei ay nagwalwal na, nakikipagsayaw sa mga lalaki duon na kaklase nila ata.
"You look tipsy, hoy." saad ko kay Roch at tsaka uminom ulit ng kanina ko pang iniinom.

"Okay pa 'ko. Hoy tigilan mo na yan!" awat niya sakin at amoy na amoy ko na ang alak kay Roch. Tumingin ako sa orasan, 8:30 pm palang shet. Inaantok na ako at ayoko na dito.

"Roch, hindi paba tayo uuwi?" agad na napalingon sa akin si Roch na mukhang lasing na, ewan ko dito. Ang lakas sa alak, "Maya maya. Enjoy ka muna! Padating na sila Clea." agad akong tumango at nag hintay. Nilantakan ko yung nachos na nasa table namin dahil hindi naman ginalaw 'to nila Kuya Drei kanina,

"Patricia? Pat!!" sigaw ni Alex at kumakaway habang papunta sa akin. Nakipagbeso si Clea at Thea sa akin. "Where's your kambal?" tanong ko kay Thea nang makitang wala ang kambal niya.

"Sleeping. Hibernate, ewan ko don! Tara party!" hinila ako nila Thea sa gawi nila Kuya Drei at nagsimula ng sumayaw sayaw. Ang kaninang bored kong pakiramdam ay napalitan ng excitement,

"LET'S GO PARTY!!" sigaw ng DJ tsaka pinatugtog ang isang upbeat music. Sinabayan ko sa pag sayaw at talon talon sila Kuya Drei. Nakaabay sakin ngayon si Aljun at Kuya Drei, napapagitnaan nila ko at nakikisabay sa tugtog.

"MAYBE WE'RE PERFECT STRANGERS!!" agad na nag budots sila Ricci at Brent kaya tawang tawa kami. Maya maya ay tinanggal na nila Kuya Drei ang pagkakaakbay nila sakin tsaka nakisabay kila Brent. Kakaganon nila tumugtog ang budots kaya mas lalo pa silang sumayaw. Ang saya!! Yung tipong makikisabay at talon ka sa mga kanta kahit na sasabog na ang eardrums mo. Samahan mo pa ng mga tropang ganito, solid!

"WOAHHHH!! LET'S GO WAVE!!!" pumila kami na pinangunahan ni Kuya Drei, kasunod si Ricci tapos si Aljun, si Roch, si Thea, Alex, Clea, Ako at si Brent. "Diyan kana, maiipit ka pag sa hulihan." agad akong naalarma ng hawakan ako ng Brent sa mga balikat at inilapit ang sarili niya ng kaunti. Nag tatatalon kami at nag party, sumayaw at sumigaw. Nang medyo humupa na ang kanta ay agad akong inakbayan ni Brent dahil may ibang lalaki ng nakatingin sakin.

"Pawis kana," puna niya at kinuha ang panyo tsaka ako pinunasan sa buong mukha at leeg ko. Takte, paano kumalma Paraiso? "Want to rest?" tumango ako at sabay kaming bumalik ni Brent sa pwesto namin. Iced tea nalang ang inorder niya samin at isang nachos dahil medyo nagutom kami sa ginawa kanina. Magkatabi kaming nakaupo ngayon at nagulat ako ng ipinahinga niya ang ulo niya sa balikat ko,

"Kaya pa? Dami mo nang nainom kanina." saad niya sakin tsaka uminom ng kakarating lang na inumin namin. "Oo naman! Ang saya!" ngiti kong saad sa kaniya at agad niyang inilabas ang phone niya tsaka kami nag picture, "Ang silaw!!" natatawang saad ko dahil nag flash pa siya samin. Mukha tuloy kuha galing sa polaroid. Nagpahinga na rin sila Kuya Drei dahil paniguradong lagot yon kay Tin bukas.
Lumipas ang ilang oras ay nag aya nakong umuwi, si Roch ang kasabay ko ngayon dahil sila Ricci ay mag s-stay pa dun, "Hoy Santos! Ingatan mo yang pinsan ko ha!" saad ni Kuya Drei tsaka hinalikan ako sa tuktok ng ulo. Lumingon ako kila Ricci at kumaway sakin ganon din si Brent tsaka ngumiti.

Hindi pa naman sobrang lasing ni Roch pero ako na ang nag drive papunta sa malapit na 7/11 dito. Nag c-crave padin ako sa Ice cream. Good luck sa tiyan ko mamaya pag-uwi,

"Hey.. you okay?" lingon ko kay Roch ng inihinto ko ang sasakyan, "Yes po. Tara?" lumabas na kami ng sasakyan tsaka pumasok ng store. Umupo nalang ako at hinayaan si Roch na bumili ng Ice cream namin. Tumango siya at binuksan yon tsaka ibigay ang kutsara sa akin, My fave!!

"Ikaw? Okay kapa ba?" tumango ako kaya napatawa siya, "Grabe alcohol tolerance mo ha!" natatawang saad niya. Nilantakan ko ang ice cream ko habang siya ay nagtatanggal ng amats sa pamamagitan ng pag-inom ng kape. Tahimik lang kami, tatlo nga lang kaming tao dito. Yung kahera, ako at si Roch. Mag aalas dose na rin pala, buti nalang at Friday bukas at laboratory lang ang klase namin.
Nakakabingi ang katahimikan dahil ako kumakain lang dito, si Roch naman umiinom tapos tumitingin tingin sa akin.

"Pat, paano ba kapag nahulog ka na?" bigla niyang tanong kaya kumunot ang noo ko, "What do you mean?" nagkakata kong saad. Humingang malalim si Roch sa akin tsaka kinuha ang tissue tsaka pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Paano kapag nahulog ka na sa isang tao?" hindi ko alam pero kinabahan ako ng sobra sa tanong niya. Nanatili ang titig ni Roch sa akin samantalang ako ay hindi ko man lang siya matapunan ng tingin. Nakakapanghina ang seryosong tingin mo, Santos. Why!?

"Edi.. nahulog. Ganon talaga, hindi mo naman yan din gusto. Minsan, kusa. Minsan, bigla nalang. Minsan nga hindi mo pa inaasahan na mahuhulog kana eh." dire diretsong saad ko tsaka napainom ng kape niya. Tangina, good luck talaga sa tyan ko mamaya.

"Eh paano kapag ginusto mong mahulog? Paano kapag ginusto mong ipagpatuloy yung nararamdaman mo? Paano kapag ginusto mo siya dahil, gusto mo siya...

Paano kung gusto na kita?"


----end of chapter 7

LaroWhere stories live. Discover now