42

162 5 0
                                    

"Good job boys! I'll see you all tomorrow okay? Our flight is 4pm so don't be late, enjoy Archers!"

Sinara ko ang dala kong journal notebook para sa daily report namin. Dismissed na ang Archers ngayon sa kanilang training, they still have later evening and tomorrow afternoon to roam around Taiwan.

"Good job, Miss Patricia." nakangiting bati ni Kuya Marco sa sakin.

"Thanks for all your help and understanding, Sir Marco.." tumawa siya sa sinabi ko tsaka kinurot ang pisngi ko,

"Just call me Kuya Marco for now okay? We're done doing our job now."

Nagpicture taking muna kami bago tuluyang bumalik sa hotel room para magpahinga saglit. Ang balita ko kasi kila Kuya Andrei ay lilibot sila mamaya at bibili ng mga mabibili rito.

"Tara?" aya ni Kuya Andrei sa akin. Papunta na kami ngayon to have dinner. Saglit lang kami doon dahil gusto na nilang masulit ang araw nila.

"Kuya, vans store tayo may titignan ako." pang aaya ko kay Kuya Drei, "Magsusukat ako Pat eh. Wait, Brent! Brent! Samahan mo nga 'to!" sigaw niya kay Brent na tumitingin ng hoodie.

Napalingon si Brent sa akin tsaka ngumiti, "Tara." hinawakan niya ang kamay ko papunta sa Vans store na nasa tapat lang.
Inilabas ko ang phone ko at pinakita ang design na gusto ko, mabuti nalang at meron pang stock at size ko.

"Bagay sakin?" agad na nag init ang pisngi ko ng maalala ko ang pinagusapan namin noong nakaraan.

"Pat? Maganda ba 'tong hoodie?" tanong ulit ni Brent sa akin. "Ha? Ah, oo.." nakapout niya itong binitawan tsaka humarap sa akin.

"Grabe.. sinamahan kita dito.. Dali, ihanap mo ko ng hoodie na bagay sakin." pangungumbinsi niya. Nagtingin ako sa hoodie section ng vans habang kinukuha ang stock ng sapatos ko.

"Eto," ipinakita ko ang isang plain black hoodie na may nakalagay na logo ng vans sa gilid.

"Okay." nakangiti niyang banggit at umupo sa upuan doon. Dumating ang stock ko at sinukat iyon, "Bagay naman." kumento ni Brent nang tinitignan ko sa salamin kung bagay ba sa paa ko.
Binayaran na namin ni Brent ang mga napili namin pero pagbalik namin ng Nike store ay wala na sila Kuya Andrei.

"Nasan na yung mga 'yon?" nagtataka kong tanong.

Kinuha ni Brent ang phone niya at sinubukang tawagan si Kuya Andrei.

Ssob nasan kayo? Tapos na kami ni Pat dito.

Ha? Osige sige, loko ka talaga Joshua Andrei. Thank you ssob, see you mamaya!

Nagtataka kong nilingon si Brent, tumingin siya sakin tsaka ngumiti.

"Pinapahiram ka daw ni Andrei sakin.." ngiting saad niya kaya lalo akong nagtaka.

"Ewan ko 'don. Tara na!"

Nilibot namin ang market dito sa Taiwan, paminsan minsan ay humihinto kami ni Brent para kumain ng mga street foods dito.

"Oh kain dali." saad ni Brent habang hinahawakan ang buhok ko pa talikod dahil nasasama sa kinakain ko.

Napangiti ako at kumain na lang ulit.

Napadaan kami ni Brent sa isang store na puro cellphone case ang binenenta. Naghanap si Brent ng kanya at ganon rin ako. Pinili ko ang isang silicone case at isang clear case. Ganoon din si Brent, parehas pa kami ng kulay don sa silicone naming case.

Pagkatapos bayaran ay naupo kami sa mga upuan 'doon. Inilabas niya yung case at pinalitan ang phone case nya,

"Ganda ba?" ipinakita niya ang likod ng phone case niya. Nandon ang polaroid naming picture.

"Oo ganda ng kasama mo diyan eh." pabirong saad ko.

"Naman.." di ko alam kung kikiligin ba ako sa kaniya o mahihiya. Kahit kelan talaga.. Brent.

Nag ayang mag milktea si Brent, saglit siyang bumili at ako ay naghintay na lang rito. Pinahawak niya pa sakin ang phone niya. Nagulat ako ng umilaw ito,

From Mommy P: Kamusta Kuya Brent? We miss you..🤍

Napangiti ako ng mapait ng mabasa ko iyon. Kung anong kina close at kinasaya ng pamilya nila Brent ay yun ang kinalungkot ng sa amin. Ni hindi nga nila alam na nandidito ako sa Taiwan, siguro si Kuya Andrei sinabi iyon pero ako.. hindi na. Wala rin naman akong matatanggap eh, busy sila pareho at alam ko yon simula pa lang dati. Hindi ako nag demand o nag open ng nararamdaman ko noon tungkol sa trabaho nila, kaya siguro pakiramdam nila ay okay lang sa akin.

"Hey.." alalang saad ni Brent at umupo tsaka pinunasan ang mga luha kong tumulo na pala.

"What happened?" hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya.

"Lika," nilagay ni Brent sa gilid niya ang mga binili niya tsaka ipinahiga ang ulo ko sa dibdib niya. Nakatago ako sa bisig ni Brent habang umiiyak nanaman.

Lalo akong naiyak sa ginawa niya kaya hinaplos haplos at tinapik tapik niya ang braso ko.

"Anong nangyari.. mahal ko.." mahina at nag aala nyang tanong sa akin. Iniabot ko ang phone niya sa kaniya at nang tignan niya iyon ay alam na niya agad kung ano 'yon.

"Ssshhhh, everything will be fine okay? I'm here na oh..." saad niya tsaka patuloy na hinalikan ang tuktok ng ulo ko. Nanatili pa kaming ganon ng ilang minuto bago ako tuluyang kumalma. Iniabot ni Brent ang tissue na nahingi niya sa Milktea shop,

"Inom ka muna.." tinignan lang ako Brent habang umiinom ng milk tea. Naririnig ko ang pag buntong hininga niya sa tabi ko.

"Ang drama ko.." saad ko sa kaniya.

"Hindi ah, okay lang. Gusto ko pag madrama ka, nasa tabi mo ko." sagot niya naman. Sumandal ako sa upuan kaya lumapit siya sakin at sumandal rin at inakbayan ako.

"Okay ka na?" tanong niya kaya tumango ako.

"Hayaan mo, kakausapin ko yan si Mama mo at Daddy mo." seryoso niyang sabi kaya natawa ako.

"Nako, di mo yon makakausap.." agad naman siyang napataas ng kilay,

"Ako pa ba? Sus! Kayang kaya ko yon." pagmamayabang niya naman.

"Thank You." saad ko sa kaniya tsaka tumingin sa kaniya,

"Sus, Brent ata 'to eh!" agad ko siyang sinapak ng i-flex niya nanaman ang muscles niya.

"Napaka yabang mo!" kunwaring mataray na saad ko at inirapan ako,

"Ganyan! Ganyan ka dati pag nagkikita tayo. Napakasungit! Kala ko nga mas masungit si Ricci eh." agad naman siyang napataas ng kilay.

"What? Ako masungit? Hindi ah, crush na crush mo kasi si Roch 'non." tuloy tuloy niyang sabi pero agad na napatigil ng mabanggit nya ang pangalan ni Roch.

"Roch roch roch roch!!!!" sinamaan ko siya ng tingin kaya natawa siya, "Mabibilaukan 'yon tignan mo!" asar niyang sabi.

"Childish!" natatawa kong banggit sa kaniya.

"Hindi ah, baby mo lang."

————— end of chapter 42

LaroWhere stories live. Discover now