Chapter 37

193 13 17
                                    

Junior High School Promenade Night...

"Hey, girl!"

Bungad sa kanya nina Zyrina at Clara nang makapasok siya sa Mystique Hall.

Dito kasi ang venue ng kanilang JS Prom ngayon. Inihatid lang siya ng mommy at daddy niya dahil susunduin na lang daw siya mamaya pagkatapos ng event.

Sobrang ganda ng buong venue dahil pagkababa pa lang niya mula sa kotse nila ay agad na bumungad sa kanya ang napakalaking arko na yari sa plastic na mga dahon at puting mga bulaklak.

May mahabang red carpet din kung saan patungo iyon sa mismong venue hall.

5:00 pm pa lang ngayon kaya naman medyo maliwanag pa ngunit mamaya ay alam niyang mas gaganda pa ang buong venue dahil sa mga pailaw na nakasabit sa kung saan-saan.

Garden kasi ang labas ng hall kung saan kabilaan ang mga photo booths.

Kaakit-akit din ang napakalaking fountain na may kumilinang-kinang pa sa tubig nito. Namangha na lang siya sa buong lugar.

"Nakita mo na ba si insan?"

Nakangiting tanong sa kanya ni Zyrina at umiling naman siya.

"Nandito na ba siya?"

"Oo, kanina pa. Gusto mo bang puntahan natin?"

Gusto na niyang makita si Brent ngunit makikita naman niya sigurado iyon mamaya.

Nahihiya kasi siyang magpakita dito lalo na at ibang-iba pa naman ang bihis niya ngayon kumpara sa nakasanayan nito sa kanya.

"Mamaya na lang siguro..."

"Nako tara na!"

Hinigit siya nina Zyrina at Clara, natatawa na lang siya dahil para silang hindi mga nakasuot ng heels kung manghigit ang dalawa.

Nagpahigit na lang siya at mas lalo siyang namangha sa mga nadadaanan nila.

Kabilaan ang mga tables na inuukupa na ng ilang mga estudyante. May mahaba ring buffet table sa isang corner kung saan inihahanda pa lamang ang mga pagkain.

Pumasok sila sa mismong venue hall at napakagarbo ng ayos non. Hiwalay ang upuan ng mga babae sa mga lalake.

"Saan tayo pupunta?"

Tanong niya sa dalawa nang mapansing aakyat sila ng hagdanan. Mukhang kanina pang nalibot ng dalawa ang buong lugar.

"Malamang, pupuntahin natin ang prince charming mo!"

Nang makaakyat sila ay bumungad sa kanya ang second floor na napakaganda din ng ayos. May pailan-ilang lang na mga tao doon dahil may naka-set din na tables doon.

"Insan!"

Pagtawag ni Zyrina kay Brent at nakita niya itong nakasandal sa railings habang katawanan si Drick.

Agad namang bumaling ang dalawang lalake sa kanila. Nang makalapit sila dito ay hindi niya alam kung paano aakto.

Sobrang gwapo ni Brent ngayon sa navy blue na tuxedo nito at sky blue na polo ang pang-ilalim.

May bow tie din itong suot at naka-ayos ang buhok nitong nakawax. Mas lalo pang nagpagwapo dito ang suot nitong eye glasses ngayon.

Hindi niya alam kung malabo na ba ang mata nito o gusto lang talaga nitong magsuot ng salamin.

"Bakit naka contact lense ka?"

Agad na tanong sa kanya ni Brent dahil nagsuot siya ngayon ng contact lenses na grey. Wala namang grado iyon.

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant