Chapter 3

276 15 0
                                    

C H A P T E R 3.............

"Sino nagpapabigay sa'kin nito?"

Tanong niya kay Ace habang inaantok pa dahil habang natutulog siya ay biglang kinulbit siya nito.

May ibinigay ito sa kanya na paper bag na tama lang ang laki.

"Basta lalake na matangkad"

Simpleng sagot nito at tinanggap naman niya ang paper bag na iniabot nito sa kanya.

"Birthday mo, Mika?"

Tanong sa kanya ni Mark na kararating lang kasama si Vanes at tumango naman siya.

Birthday niya ngayon pero parang normal na araw lang din naman para sa kanya.

Antok na antok siya nang pumasok siya sa classroom at parang hindi pa ata maganda ang pakiramdam niya dahil sobrang sakit ng ulo niya.

Kaya naman mas pinili na lang niyang sumubsob sa table ng arm chair niya at matulog na lang hanggang sa kulbitin nga siya ni Ace.

"Sino nga 'yong nagbigay?"

Tanong pa niya kay Ace dahil wala naman siyang ibang kakilala na lalake na pwedeng magbigay niyon sa kanya.

"Buksan mo na lang daw para malaman mo"

Nakangiting sagot ni Ace saka pumunta na sa upuan nito. Nanatili naman siyang nakatitig lang sa paper bag.

Hindi niya alam kung sino ang may bigay non sa kanya. Gusto niyang buksan iyon ngunit mamaya na lang siguro.

"Happy Birthday, Mika!"

Malakas na sigaw ni Clara at Zyrina nang makapasok ang dalawa sa loob ng classroom.

Nagtinginan tuloy sa kanya ang lahat ng mga kaklase niya at nagkanya-kanyang bati sa kanya.

Nagpasalamat naman siya sa mga ito habang nakangiti ngunit hindi talaga maganda ang pakiramdam niyang ngayon.

"Ang ingay niyo naman eh"

Natatawang sabi niya kina Clara at Zyrina na ikinatawa din ng dalawa.

"Para malaman nila na birthday mo ngayon at para kantahan ka mamaya"

Nakangising sabi ni Clara sabay kindat sa kanya.

"Ayoko nga na kakantahan ako eh"

"Well, wala ka ng magagawa kasi alam na nilang lahat"

Mahina na lang siyang natawa saka umiling-iling.

"May gift nga pala ako para sa'yo"

Sabi naman ni Zyrina saka ibinigay sa kanya ang isang maliit na explosion box. Sobrang cute ng size at violet pa ang kulay non.

"Wow! Thank you, Zyrina!"

"Syempre, hindi din ako magpapatalo"

Natatawa namang sabi ni Clara saka ibinigay sa kanya ang isang maliit na paper bag.

"Thank you, Clara!"

"Sorry, 'yan lang kasi 'yong nakita kong violet eh"

Nakangiwing sabi nito sa kanya at nginitian naman niya ito.

"Okay nga lang kahit walang gifts eh ang mahalaga ay naalala niyo na birthday ko ngayon"

"Teka lang, Mika. Okay ka lang ba?"

Tanong sa kanya ni Zyrina nang mapansin siguro ang pagiging matamlay niya.

"Okay lang ako, medyo masakit lang talaga ang ulo ko"

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Where stories live. Discover now