Chapter 11

200 20 2
                                    

C H A P T E R  11................

"Okay class, today ay may recreation activity tayo pero mayroon muna tayong quiz. Ang hindi makakapasa sa quiz ay hindi lalabas ng classroom na ito para magrecreation"

Sabi ng teacher nilang si Sir Carlo, ang subject teacher nila sa MAPEH.

Agad naman nagreklamo si Mark na nasa tabi niya kaya natawa na lang siya.

"Yare ako 'pag bumagsak"

"Kaya magreview ka na d'yan"

Agad namang nagreview si Mark at nang ipinatago na sa kanila ang mga notes nila ay halata namang kabadong-kabado si Mark.

"Mika, tulungan mo ako ha?"

"Tuturuan mo pa akong magcheating. Nagreview ka, 'diba? Kaya mo 'yan"

Nakangiting sabi niya dito at napalunok na lang ito.

Madali lang naman ang naging quiz nila dahil nakapagreview siya ng ayos pero ewan lang niya kung naging madali din iyon para kay Mark.

"Tingin ko talaga ay bagsak ako"

Kinakabahang sabi ni Mark habang nakayuko. Tinapik-tapik naman niya ang balikat nito.

"Ayos lang 'yon, 'pag naiwan ka dito ay makipaglaro ka na lang sa multo na nakatira doon sa tool cabinet natin"

Nakangiting sabi nya at agad namang tumunghay si Mark at binatukan siya.

Aba! Walang galang sa babae!

"Sige, parang matatakot ako ah?"

Sabi nito at malakas niya naman itong tinampal sa braso.

"Ang sakit ng sapok mo ha!"

"Mas masakit 'yang hampas mo!"

Reklamo nito at natawa naman siya saka hinimas-himas muna niya ang braso nito bago tinampal muli.

"Gan'yan kita kamahal, Mark. Labyu, Mark!"

Pinagtatampal niya ito sa braso at lumayo naman ito sa kanya saka natawa.

"Mamatay talaga 'yong mahal mo 'pag gan'yan ka magmahal"

Siya naman ang natawa saka ito bumalik sa upuan nito. Ganoon palagi ang routine nila ni Mark.

'Pag hinahampas niya ito ay palaging 'labyu, Mark' ang sinasabi niya at palagi din namang ganoon ang response nito sa kanya.

Masaya nga siya at naging close sila ni Mark dahil happy pill niya talaga ito.

Hindi niya inaasahan na magiging ganito sila kaclose pero ayos na din dahil minsan ay nakakapagshare siya kay Mark ng tungkol sa buhay niya pero limitado pa rin iyon lalo na at kakikilala pa lang niya dito.

"Mabuti naman at walang bumagsak sa quiz kaya ngayon ay sige na, pwede na kayong lumabas at laruin ang mga gusto niyong sports. 'Yong mga hihiram ng bola, raketa, shuttle cock o kung ano pa man ay sumunod sa'kin"

Matapos sabihin iyon ni Sir ay nagkatinginan sila ni Mark saka nag-apir.

"Sabi naman sa'yo, papasa ka eh!"

"Magaling lang talaga ako"

Nagmamayabang pa na sabi nito na akala mo ay hindi kabadong babagsak kanina at natawa na lang siya dahil doon.

"Sayang, walang kalaro 'yong multo dito"

Kunwaring malungkot na sabi niya at agad namang tumakbo si Mark palabas ng room nila saka isinara ang pinto habang nasa loob pa rin siya.

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Where stories live. Discover now