Chapter 6

203 16 2
                                    

C H A P T E R  6.........

Acquaintance party nila ngayon at talagang susulitin na niya dahil grade 10 na siya at ito na ang magiging last na acquaintance party niya dito sa main campus ng St. James Academy.

Ang cute din ng mga nametags nila dahil kung dati ay pangalan lang nila ang nakalagay, ngayon ay may nakalagay na 'ate' o 'kuya' bago ang mga pangalan nila.

Iyon ay dahil nga grade 10 na sila kaya naman daw sila na ang magsisilbing mga ate at kuya sa mga lower years students na kasama nila.

'Ate Mika'

Basa niya sa nametag niya saka iyon isinuot sa leeg niya. Excited siya sa mga mangyayari ngayon.

Matapos naman ang insidenteng nangyari sa kanila nina Brent at Cynthia ay naging ayos na ang lahat.

Wala namang nagbago sa kanila ni Brent na talaga ipinagpapasalamat niya.

Si Cynthia naman ay hindi na makalapit sa kanila ngayon ni Brent. Hindi na naman siya galit pa dito dahil napatawad na niya ito.

Paminsan-minsan naman ay nagkaka-usap pa rin sila nito ngunit hindi na talaga nito magawang magpakita kay Brent dahil sa labis-labis na kahihiyan.

Si Brent naman ay isinend sa kanya ang screenshot ng mga naging pag-uusap ng dalawa sa messenger.

Hindi lang siya talagang makapaniwala na nasabi iyon lahat ni Cynthia. Maaaring napatawad na niya ito ngunit hindi niya alam kung ganoon din ba si Brent dito.

Naalala pa rin niya ang reaksyon ni Dian nang sabihin niya dito ang mga nangyari. Talagang galit na galit ito at halos sugurin na nito si Cynthia ngunit pinigilan lang niya ito.

Flashback...........

"Ano?! Sino ba 'yang Cynthia na 'yan, ha?! Naku! Nanggigigil ako sa kanya!"

Inis na sabi ni Dian habang magkavideo call sila. Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin siya makatulog dahil sa dami ng mga nangyari kanina.

Tinawagan na lang niya si Dian nang makita niyang online pa rin ito para makausap niya.

"Dian, ang ingay mo! Tulog na sina mommy eh"

"Sorry naman, hindi ko lang talaga mapigilan 'yong sarili ko. Kasi naman eh! Ano bang problema ng babae na 'yon, ha?!"

Inis pa rin na sabi nito at bumuntong hininga na lang siya.

"Hayaan mo na, grade seven pa lang naman 'yon eh"

"Ikaw Mika, paiiralin mo na naman 'yang pagkapusong mamon mo! 'Wag ganoon! Dehado ka na nga dahil d'yan eh!"

"Okay na naman kasi talaga pero nagalit lang ng kaunti sa'kin si Brent"

Malungkot na sabi niya nang maalala ang galit ni Brent sa kanya kanina.

Nasigawan pa siya nito na talaga namang ikinasakit ng damdamin niya. Akala niya talaga ay babalik na naman sila sa dati.

"Kaya nga hindi okay dahil nagalit sa'yo si Brent. Buti na lang at naintindihan ka niya nang mas maaga pero paano kung hindi?"

"Medyo nainis nga ako kanina kasi mas pinaniwalaan niya si Cynthia kaysa sa'kin"

Masakit talaga iyon sa kanya dahil parang ipinamukha na talaga nito sa kanya na wala na itong tiwala sa kanya.

Alam niyang mahirap nang ibalik ang nawalang tiwala ni Brent sa kanya noon ngunit handa niyang gawain ang lahat para maibalik iyon.

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum