Chapter 9

199 16 0
                                    

C H A P T E R  9................

"Ngayon ay project making tayo kaya naman leaders, please, dapat ay matapos na agad 'yan dahil malapit na ang reporting niyo"

Sabi sa kanila ni Ma'am Regie, ang kanilang subject teacher sa science.

May project kasi sila ngayon dito at buong klase iyon pero idinivide sila nito sa iba't ibang mga grupo para mas madali silang matapos.

Sa grupo niya napa-assign ang paggawa ng powerpoint presentation.

Dala niya ngayon ang laptop niya at ang iba naman niyang mga kasama sa grupo ay mukhang walang pakielam sa project nila kaya naman medyo naiinis siya.

"Mika, ano 'yan?"

Tanong ni Brent saka umupo sa tabi niya.

"Laptop, malamang"

Sagot niya dahil naiinis nga siya sa mga groupmates niya. Mukha kasing siya na lang talagang mag-isa ang gagawa ng task ng grupo niya.

Nagulat naman siya nang hindi kalakasan siyang sapukin ni Brent sa ulo kaya naman hinampas niya ito ng notebook niya sa braso.

"Bakit ka ba nanghahampas?"

"Bakit ka nananapok?"

"Ang pilosopo mo kasi. Nakita mo naman nagtatanong na nga ako ng maayos dito"

Natatawang sagot nito saka muling umupo sa tabi niya. Napatayo kasi ito kanina nang hampasin niya ito ng notebook.

"Naiinis kasi ako"

"Sa'kin ba?"

"Oo, sa'yo na din"

Sagot niya at ginulo naman nito ang buhok niya.

"At bakit naman? Ha?"

"Alam mo, hindi ako matatapos dito sa ginagawa ko"

"Nasaan ba kasi 'yong mga kagrupo mo?"

Tanong sa kanya nito habang iniisa-isa nitong tingnan ang mga papel na naglalaman ng research ng kabilang group para ilagay sa powerpoint.

"Kaya nga ako naiinis kasi hindi nila ako tinutulungan"

"Gusto mo ba? Ako na lang tumulong sa'yo?"

Tanong nito at hindi naman niya maiwasan ang magulat dahil tila ang bait nito ngayon.

"Talaga ba?"

"Joke lang! Wala akong alam sa gan'yan tsaka chiks ka ba?"

Nainis siya dito lalo saka itinuon na lang ang atensyon sa ginagawa sa laptop niya dahil baka mag-away pa sila nito mamaya.

Nanahimik na din naman ito saka humilig sa balikat niya habang nakatingin sa ginagawa niya.

"Hoy, Mika..."

"Bakit?"

Tanong niya at hindi pa rin ito nililingon dahil busy nga siya sa ginagawa.

"Tawag lang"

Napailing-iling na lang siya saka itinuloy ang ginagawa. Maya-maya ay tinawag na naman siya ng gago.

"Mika na panget, hoy!"

"Ano na naman ba?"

"Tawag lang ulit"

Mahina na lang siyang natawa dahil sa kakulitang taglay nito ngayong araw.

Kahapon kasi ay bad mood na bad mood ito buong araw kaya naman hindi sila masyadong nakapag-usap.

Natatakot din naman siya na baka 'pag kinausap niya ito ay sa kanya nito ilabas ang galit.

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon