Chapter 19

159 11 2
                                    

C H A P T E R 19...............

"Happy Birthday, Zyrina!"

Bati nila ni Clara dito nang makapasok ito sa loob ng gate ng school nila.

Apat na araw matapos ang birthday ni Brent ay ito naman ang may birthday ngayon. Magpinsan nga talaga ang dalawa dahil pati sa date ng birthday ay kaunti lang ang pagitan ng mga ito.

"Thank you! Mamaya, pumunta kayo sa bahay ha?"

"Sure, nagpaalam na nga ako kay mommy eh. Ikaw ba, Mika? Nagpaalam ka ba naman?"

Tanong sa kanya ni Clara at nakangiting tumango naman siya.

"Oo naman!"

"Sige, tara na sa classroom"

Sabi ni Zyrina at natawa naman sila ni Clara. Late na naman kasi ito kahit na birthday na birthday nito ngayon. Kaya naman inintay na lang nila ni Clara ito dito sa gate ng school.

"Patanda ka lang ng patanda pero late ka pa rin pumasok"

Natatawang sabi ni Clara kay Zyrina na ikinatawa naman nilang tatlo. Pumasok na sila sa loob ng classroom at buti na lang, wala pa silang teacher na naroon. Nagsimula na ang klase nila nang dumating na si Sir Josh.

"Okay class, ngayon ang topic natin ay tungkol sa dula..."

Panimula ni Sir Josh at nagsimula na silang makinig.

"Sino sa inyo ang makakapagbigay sa'kin ng depinasyon ng dula? O kahit base lang sa pagkakaintindi niyo"

Sabi nito at luminga-linga naman siya sa buong classroom para malaman kung sino ang may alam niyon. Kung tutuusin ay alam naman niya ang sagot doon ngunit tinatamad siyang magtaas ng kamay.

"Sir!"

Napalingon silang lahat kay Brent nang magtaas ito ng kamay. Lihim naman siyang napangiti.

"Sige, ano ang pagkakaintindi mo sa dula, Brent?"

"Ang dula po ay parang mag-aacting 'yong mga characters, ganoon"

"Very good, Brent!"

Ngumiti ito kay Sir Josh saka tumingin muna sa kanya at kumindat bago ito naupo.

Napailing-iling na lang siya habang nakangiti dahil nagsisimula na naman siyang lamunin ng kilig ngayong araw.

"Tama ang sinabi ni Brent pero bibigyan ko kayo ng eksaktong meaning at nang mas madali niyong matatandaan para kapag nagkaroon kayo ng quiz ay masasagot niyo. Ang dula ay isang pagtatanghal na itinatanghal sa tanghalan"

Sabi ni Sir Josh at napaisip naman silang lahat sa huli nitong sinabi. Napatango-tango na lang siya nang magets iyon.

"Ang dami namang alam ni Sir"

Natatawang sabi ni Mark na ikinatawa na rin niya.

"At ngayon ay pupunta tayo sa mini gym dahil may activity ako na ipapagawa sa inyo doon. Pupunta kayo sa inyong mga RT dahil iyon ang groupings. Okay, pwede na kayong tumayo at lumabas na"

"Mika, tara!"

Yaya sa kanya ni Clara dahil magkapareho naman silang nasa RT3 nito. Lumabas na silang lahat ng classroom at nagpunta na sa mini gym. Umupo muna sila sa bleachers para makinig kay Sir Josh.

"Ang activity natin ay bawat leader ng grupo ay pupunta sa'kin at bubunot ng isang pirasong papel. Nakalagay sa papel kung anong uri ng dula ang inyong itatanghal. Ang mga posibleng mabunot ay ang pag-iibigan, katatawanan, pakikipagdigmaan at pakikipagkaibigan. Dapat lahat ay makikita at gumagalaw. Okay leaders, lumapit na kayo sa'kin"

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Where stories live. Discover now