Chapter 13

160 15 0
                                    

C H A P T E R  13.................

"Kinakabahan na ako, Mika"

Sabi ni Brent habang nakahawak sa kamay niya. Sobrang lamig ng mga palad nito kaya hindi niya maiwasan ang matawa dito.

Kabadong-kabado kasi ito dahil magpeperform na sila mamaya ng spoken poetry nila at alam niyang dapat ay kabahan na rin siya ngunit hindi iyon ang nagpapatambol ng puso niya ngayon.

Kung 'di ang magkahawak nilang mga kamay ni Brent. Kanina pa siya kinikilig dahil kanina pa nakahawak ang kamay nito sa kanya.

Namamawis na nga ang mga palad niya at gayundin ang mga palad nito ngunit tila wala silang pakielam pareho.

Sabihin na nating sinasamantala na niya ang pagkakataon dahil minsan lang iyon mangyari.

"Brent, 'wag ka ngang kabahan! Tingnan mo ako, chill lang"

Nakangiti niyang sabi at ito naman ang natawa saka pinisil ang kamay niya na hawak nito.

"Kinakabahan ka din naman eh! Ang lamig-lamig nga ng kamay mo"

Natatawang sabi nito na ikinatawa na rin niya ngunit alam niyang dala lamang ng sobra-sobrang pagtambol sa puso niya ang panlalamig ng mga kamay niya.

Hindi kasi talaga magsink in sa utak niya na magkahawak ngayon ang mga kamay nila.

"Kaunti lang naman tsaka matatapos din ito, tiwala lang"

Sabi pa niya at tila nanlumo naman siya nang bitawan nito ang kamay niya saka umakbay na lang sa kanya.

"Sige, sige, basta ichicheer kita mamaya"

Sabi nito at tutol na napatingin naman siya dito. Mauuna kasi siyang magperform kaysa dito at mawawala siya sa focus kung ichicheer siya nito mamaya.

"Huwag! Lalo akong kakabahan eh!"

"Ayos lang 'yon para mababa lang ang makuha mong grades"

Natatawang sabi nito at akmang sasapukin na niya ito ngunit sa pisngi nito tumama ang palad niya. Napahawak ito doon at nanlaki naman ang mga mata niya.

"Sorry, Brent!"

Natatawang sabi niya at ito naman ay napailing-iling na lang.

"Sinasaktan-saktan mo na lang ako ngayon eh"

Tila nagtatampo na sabi nito at hinimas naman niya ang pisngi nito na aksidenteng nasampal niya.

"Sorry talaga, labyu—"

Napatigil siya sa pagsasalita nang magsink in sa utak niya ang huling salitang binitawan.

Buti na lang at hindi iyon napansin si Brent dahil kunot noo lang itong nakatingin sa kanya ngayon.

Nasanay siya palagi na kapag natatampal o nahahampas niya si Mark ay palagi niya itong sinasabihan ng "labyu".

Ngunit kay Brent ay hindi niya pwedeng sabihin iyon dahil kahit na magpalusot siya na bilang kaibigan lang ang 'labyu' na iyon ay alam niyang mag-iisip na agad ito ng kung ano.

Kaya niyang sabihin iyon kay Mark nang kahit ilang beses pa ngunit ibang usapan na iyon pagdating kay Brent.

"Bakit? Anong mayroon?"

"W-wala naman"

"Huwag kang titingin or magpapakita sa'kin mamaya 'pag ako na 'yong tutula ha?"

Tanong nito at mahina naman siyang natawa saka kumunot ang noo.

"Bakit?"

"Baka kasi madistract ako eh"

"Wow, so distraction lang pala ako sa'yo?"

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon