Chapter 1

756 22 2
                                    

C H A P T E R 1................

First day of school na naman ngayon at grade 10 na siya! Kasama niya ngayon si Lori dahil nga gusto nitong dito na sa St. James magstart ng high school nito.

"Lori, dito ka muna ha? Hahanapin ko lang si Dian"

Sabi niya sa kapatid niya at tumango naman ito saka siya umalis at hinanap si Dian.

Marami-rami na ding mga estudyante ngayon dito kahit maaga pa at halos karamihan sa mga nakikita niyang estudyente ay puro transferees ng grade 7.

"Mika!"

Tawag sa kanya ni Dawn at napangiti naman siya nang makita ito kasama si Dian na nakaupo sa upuan sa canteen.

"Kanina pa ba kayo?"

Tanong niya sa dalawa nang makalapit siya at tumango naman ang mga ito.

"Kanina ka pa namin iniintay"

"Sorry, ang bagal kasing kumilos ni Lori"

Natatawang sabi niya na ikinatawa rin naman ng dalawa.

"Dito na nga pala papasok 'yong kapatid mo 'no?"

"Oo, nagsawa na ata sa St. Fronce. Teka, nasaan na sina Janna at Serina?"

Tanong naman niya at kumibit balikat na lang ang dalawa.

"May balak atang magpalate ang dalawang bruha"

"Hindi mo ba nabasa sa gc natin kagabi?"

Tanong sa kanya ni Dian at umiling naman siya. Hindi siya gaanong nag-online kagabi dahil maaga silang pinatulog ng mommy nila para magready nga ngayon.

"Hindi eh kasi maaga kaming pinatulog ni mommy kasi nga first day of school kinabukasan"

"Wow, elementary lang?"

Natatawang tanong ni Dawn at natawa na rin siya.

"Oo nga pala, Mika. Malapit na ang birthday mo"

Sabi ni Dian at nakangiting tumango naman siya.

"Oo, malapit na kaya 'yong regalo ko ha?"

"Oo, basta pa magpapakain ka"

Natawa na lang siyang muli saka luminga-linga sa paligid na ngayon ay padami pa lalo ng padami ang mga estudyante.

"Kinakabahan ako"

"Grade ten na tayo, ngayon ka pa ba kakabahan?"

Tanong ni Dian at kumibit balikat lang siya. Siguro, kaya siya kinakabahan ay dahil hindi pa niya nakikita si Brent at kabado din siya na baka maging kaklase na naman niya ito.

Parang ayaw mo ah?

"Hindi ko din alam eh"

"Sandali nga lang, aantayin ko lang sa gate 'yong dalawa"

Sabi ni Dawn at ang tinutukoy nito ay sina Janna at Serina na hanggang ngayon ay hindi pa dumadating.

Tumango na lang sila ni Dian dito dahil kung sasama pa sila ay mas lalong magsisikip sa gate sa sobrang daming mga estudyante.

Bahagya na nga sila nakapasok ni Lori kanina dahil sa daming nakahara sa bungad.

"So kamusta na kayo?"

Tanong ni Dian at alam na niyang sila ni Brent ang tinutukoy nito.

"Ewan ko"

"Akala ko ba ay nagsorry na sa'yo?"

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Where stories live. Discover now