Chapter 4

268 16 0
                                    

C H A P T E R  4..........

"Mika, tabi-tabi tayo nina Zyrina mamaya sa simbahan"

Sabi ni Clara dahil may misa sila mamayang hapon para sa first friday mass.

Tumango naman siya saka muling ginawa ang project niya na kailangan na nilang ipasa ngayon. Absent si Mark kaya naman wala tuloy siyang katabi.

"Mika, anong next na gagawin dito?"

Tanong sa kanya ni Melo, isa sa mga bestfriend ni Mark na nakaupo lang sa bandang likodan niya.

"Tingnan mo na lang dito tapos na naman ako d'yan eh"

Sabi niya saka iniabot dito ang isang page ng ginawa niyang math project. Diretso lang siya sa pag-gawa nang biglang tabihan siya ni Brent.

Umupo ito sa ngayon ay bakanteng upuan ni Mark saka tumingin sa kanya.

"Patulong naman ako dito"

Sabi nito saka ipinakita sa kanya ang mga solutions na ginawa nito sa math.

"Anong ginawa mo dito?"

"Mali ba?"

Tanong nito habang nagkakamot ng likod ng ulo at napangiti naman siya dahil ang cute lang nito.

"Iyong iba lang naman"

"Hindi naman kasi talaga ako magaling sa math kaya nga nagpapatulong ako sa'yo eh"

Nag-iba bigla ang tono ng boses nito na ikinakunot naman niya ng noo.

Galit ka ba?

"Ano bang problema mo?"

"Wala!"

Inis na sabi nito saka umalis na sa pagkakaupo sa tabi niya at naiwan naman siyang hindi makapaniwala. Nailing-iling na lang siya saka lihim na napangiti.

Wow, moody again? I miss that side of him...

Pinuntahan niya ito sa kinauupuan nito at mukhang badtrip na badtrip talaga ito sa kanya.

Kinulbit niya ito ngunit tumingin lang ito sa kanya bago ibinalik muli ang tingin sa ginagawa nitong math problem.

"Uy! Brent, galit ka ba?"

"Paano mo nasabi?"

Puno ng sarkasmo na tanong nito at napabuntong hininga naman siya saka tumingin kay Nicka na siyang katabi nito.

"Tutulungan naman kita eh"

"Talaga?"

Malawak ang ngiti na tanong nito na siya naman ikinangiti niya rin.

Napaka-moody talaga nito...

"Oo nga, kasasabi lang eh"

"Mukhang napipilitan ka lang naman"

Tila nagtatampo na usal nito at natatawang tinampal naman niya ang braso nito.

"Hindi kaya!"

Kailan ba ako napilitan pagdating sa'yo?

"Wait lang"

"Bakit?"

Tanong niya dito at kinausap naman nito si Nicka.

"Nicka, alam mo ba?"

Nakangising tanong ni Brent kay Nicka saka tumingin din sa kanya na ikinakunot naman ng noo niya.

"Ano 'yon?"

"Dati kasi noong grade nine ay nag-away kami ni Mika tapos hindi ko siya pinansin pero noong family day..."

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Where stories live. Discover now