Chapter 20

207 13 2
                                    

C H A P T E R  20..................

First day ng intrams nila ngayon at maglalaro siya sa volleyball. Excited siya na kinakabahan dahil ngayon lang ulit siya makakalaro para sa isang tunay na match talaga.

Nasa orange team naman siya ngayong taon dahil binago na ang teams nila at buti na lang dahil kasama niya si Vanes sa team kaya may kasama siya sa volleyball.

Kanina pa din siya palinga-linga sa paligid dahil simula nang pumasok siya dito sa loob ng campus kaninang umaga ay hindi pa niya nakikita si Brent.

Hindi kasi sila nagdiretso sa classroom nila dahil sa mini gym agad sila pinapunta para sa opening. Ang alam niya ay Red team pa rin ito ngunit hindi niya ito mahanap kanina sa red team.

"Mika, hinahanap mo si insan, 'diba?"

Tanong sa kanya ni Zyrina at tumango naman siya.

"Oo, nakita mo ba?"

"Ayon oh!"

Sabi nito habang nakaturo sa volleyball court ng boys. Nakita naman nga niya doon si Brent at automatikong napangiti na lang siya.

"Maglalaro na ata sila. Tara, manonood"

Pag-aaya niya kay Zyrina at akmang aalis na sila nang pigilan siya ni Vanes.

"Mika, saan ka pa pupunta?"

"Manonood ako sa volleyball boys"

Sagot niya dito dahil hindi naman niya pwedeng sabihin na si Brent lang naman talaga ang papanoodin niya.

"Hindi na pwede"

"Bakit naman?"

"First game tayo sa volleyball girls"

Sabi nito at bumagsak naman ang balikat niya. Malungkot na tumingin siya kay Zyrina saka tumingin din siya kay Brent na ngayon ay magsisimula na ang laro.

"Magpapasub na lang kaya ako?"

"Huwag, Mika. Kita mo namang dalawa na nga lang kayo ni Vanes na grade ten sa team niyo eh tapos aalis ka pa?"

"Kaya na ni Vanes 'yon tutal varsity naman siya eh"

Sabi nya at tinampal naman ni Zyrina ang braso niya.

"Mika!"

"Joke lang naman eh! Syempre, volleyball muna bago siya"

"Mika, tara na dito!"

Tawag sa kanya ni Vanes dahil siya na lang ang kulang sa first six na maglalaro sa first set. Tumingin muna siya kay Zyrina at nagthumbs up ito sa kanya.

Nagsimula na ang laro at buti na lang maaga pa dahil hindi pa nakakasilaw ang sinag ng araw.

"Mika, iset natin! Ako ang papalo"

Sabi ni Vanes at tumango naman siya. Nagpatuloy lang sila sa paglalaro hanggang sa sila ay manalo laban sa Green team.

Matapos ang laro nila ay agad niyang hinigit si Zyrina papunta sa isa pang volleyball court kung saan doon naglalaro ang mga boys.

Hindi na niya pinakinggan pa kung anong oras ng next game nila at kung sino ang makakalaban nila.

Basta agad lang siyang nagtungo sa volleyball court ng boys para panoorin ang laro ni Brent. Ngunit pagdating nila doon ay...

"Tapos na agad?"

Malungkot na tanong niya kay Zyrina nang makitang nag-aalisan na ang mga tao doon. Tumango naman ito sa kanya.

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Where stories live. Discover now