Chapter 15

195 17 6
                                    

C H A P T E R  15.................

Ang bilis talaga lumipas ng oras dahil ngayon ay First Periodical Exam na nila.

Wala pa siyang kareview-review kaya naman ngayon siya nagrereview sa loob ng classroom ngayon.

Ngunit hindi siya makapagfocus dahil nasa unahan lang niya nakapwesto si Brent ngayon.

Kasama niya itong magtetake ng exam ngayon dito sa classroom nila habang ang iba naman nilang mga kaklase ay lumipat sa classroom ng mga grade 8 na kapartner nila.

Kanina pa siya nito kinukulit at paminsan-minsan ay mananahimik ngunit bigla namang babalik muli sa pangungulit sa kanya.

Masaya naman siya na kinukulit siya nito ngunit ngayon ay kailangan muna talaga niyang magreview dahil baka bumagsak siya sa exam.

"Mika! 'Wag ka ng magreview matalino ka na!"

Natatawang sabi ni Brent saka kinuha sa kanya ang hawak niyang reviewer.

"Brent, naman! Akin na 'yan!"

Pilit niyang kinukuha dito ang reviewer niya ngunit sadyang pilyo at matigas ang ulo nito.

Nagtatakbo pa ito na parang bata paikot sa loob ng room nila para lang 'di niya makuha ang reviewer niya mula dito.

Siya naman ay hinabol lang ito dahil kailangan talaga niyang makuha mula dito ang reviewer niya.

"Huwag ka na nga sabing magreview! Pakokopyahin naman kita ng sagot eh"

Muling sabi nito at natawa naman siya saka umiling-iling. Sa halip na mainis dito ay heto siya ngayon at tumatawa sa mga kalokohan nito.

Ganoon talaga siguro kapag gusto mo ang isang tao. Hindi mo kakayanin na magalit o mainis man lang sa kanya ng matagal.

"Ayoko nga! Baka mamaya ay mahuli pa tayo. Ayokong magkaroon ng record ng cheating tapos ikaw pa ang kasama ko!"

Sabi naman niya na ikinatawa nito saka mahinang ipinukpok sa ulo niya ang reviewer niya. Inakbayan siya nito saka ginulo ang buhok niya.

"Ayaw mo non? Makakasama mo ang pinakagwapong si Brent"

"Makakasama na nga lang kita tapos sa loob pa ng principal's office, ganoon? 'Wag na lang"

Pareho silang natawa saka bumalik na sa upuan nang dumating na si Ma'am Jhe.

Pumasok naman sa loob ng room nila ang mga grade eight na makakasama nila na magtake ng exam.

Siguro ay aksidente na nga lang talaga na pati si Cynthia ay makakasama nila ngayon sa iisang classroom. At talagang ang makulit na bata ay sa tabi pa niya umupo.

Well, naka one seat apart naman silang lahat kaya medyo malayo ang pagitan nila sa isa't isa pero hindi niya maisip kung bakit kailangan na sa tabi pa niya.

Wala namang masama ngunit ang akward lang non knowing na magkakalapit silang tatlo nina Brent ngayon.

"Hoy, Mika!"

Tawag sa kanya ni Brent na para bang ang layo-layo nito sa kanya.

"Bakit ba?"

"Wala, tawag lang"

Nakangiting sabi nito ngunit ang mga mata nito ay parang sumesenyas sa katabi niyang si Cynthia.

"Humarap ka na nga sa unahan. Wala pa akong review dahil sa'yo"

Sabi niya at akmang babalik siya sa pagrereview nang batuhin siya nito ng eraser sa ulo.

Maliit lang naman ang eraser na ibinato nito sa ulo niya pero nakaramdam pa rin siya ng kaunting sakit. Matalim niya itong tiningnan ngunit ito ay nakangiti lang sa kanya.

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Där berättelser lever. Upptäck nu