Chapter 28

114 10 0
                                    

C H A P T E R  28................

"Mika, ikaw na ang bahala sa pagkukulay n'yan ha? Bye!"

"Hoy! 'Di ako maalam gumamit ng oil pastel!"

"Kaya mo 'yan!"

Sabi ni Brent saka ito umalis na ng classroom nila at napabuntong hininga naman siya.

Tiningnan niya ang 1/2 illustration board kung saan naka-drawing na doon ang isang tamaraw at kukulayan na lang iyon.

Napatingin din naman siya sa oil pastel na iniwan ni Brent saka muling bumuntong hininga.

Paano na ito?!

Hindi niya alam ang gagawin dahil hindi siya sanay gumamit ng oil pastel at baka masama ang kalabasan niyon na ikagalit pa ni Brent sa kanya.

"Mika, hindi ka pa ba uuwi?"

Tanong ni Zyrina sa kanya at umiling naman siya.

"Tatapusin ko pa ito eh kaya lang ay hindi naman ako sanay gumamit ng oil pastel"

"Gusto mo bang tulungan kita?"

Tanong nito at tila nabuhayan naman siya ng loob. Agad siyang tumango at tinulungan siya nito sa pagkukulay.

Tuwing lalapat ang oil pastel na hawak niya sa illustration board ay talagang kinakabahan siya.

"Iyan, tapos na! Thank you, Zyrina!"

Sabi niya dito saka ito niyakap at muling tumingin sa kinulayan nila.

Ayos na iyon at sana lang ay magustuhan iyon ni Brent bukas dahil pinaghirapan nila iyon ni Zyrina.

Gabi na nang umuwi sila ni Zyrina at kinabukasan ay agad niyang ipinakita kay Brent ang drawing.

"Iyan na 'yon?"

Tanong nito na tila hindi maipinta ang mukha.

Agad naman siyang nakaramdam ng sakit sa puso dahil pinaghirapan pa naman niya iyon kasama si Zyrina ngunit mukhang 'di pa rin nito iyon nagustuhan.

"Sorry, sinabi naman sa'yo na 'di ako marunong gumamit ng oil pastel..."

Pagkasabi niyon ay iniwan na niya ang drawing dito at umalis na siya sa harapan nito.

Naiinis siya ngayon at gusto rin niyang maiyak dahil mukhang hindi nito makita na talagang ginawa niya ang best niya para mapaganda ang drawing na iyon.

Maya-maya ay lumapit si Brent sa kinauupuan niya at inis na hinarap naman niya ito.

"Pirmahan mo"

Malamig na sabi nito saka ibinigay sa kanya ang illustration board at nang tingnan niya ang likod na part ay may pirma iyon ng mga iba pa nilang ka-members kaya pinirmahan na lang din niya iyon saka ibinalik dito.

Muli na itong umalis at ipinagsawalang bahala na lang niya iyon.

Maghapon silang hindi nagpansinan nito at wala siyang balak na gumawa ng first move dito dahil naiinis talaga siya.

Nagulat na lang siya nang pauwi na sana siya ngunit lumapit ito sa kanya.

"Bakit hindi ka namamansin?"

"I-ikaw kaya ang hindi namamansin..."

"Kasi hindi mo naman ako pinapansin"

Sagot nito at narinig na lang nilang may tumawa sa gilid nila at nakita nila sina Zyrina at Clara.

"Kayong dalawa talaga, ang gulo niyo pareho!"

"Hindi ka ba magsosorry?"

Tanong ni Brent sa kanya at napaamang naman siya.

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon