Chapter 5

221 15 0
                                    

C H A P T E R  5........

Tamad na tamad siya ngayong pumasok sa school dahil sobrang lamig kahit na buwan pa lang naman ng June at dapat ay mainit pa ang panahon.

Ang dami pa nilang mga quizzes ngayon sa iba't ibang mga subjects at nakakalugaw talaga iyon ng utak.

"Hi, ate!"

Nagulat siya nang harangin siya ni Cynthia, ang babaeng grade 7 student na palagi siyang kinukulit tungkol kay Brent.

Ito din ang pinsan ni Aeze na nag-aakalang girlfriend siya ni Brent dahil iyon nga ang sinabi nito dito noong umattend ito ng family day celebration nila kasama si Aeze.

Hindi naman niya akalain na seseryosohin nito ang mga sinabi ni Aeze dito noon.

Pinipilit niyang bawiin lahat ng sinabi ni Aeze dito noon ngunit sadyang may kakulitan ito at ayaw ng maniwala sa kanya.

Nakatatak na siguro talaga sa utak nito na siya ang girlfriend ni Brent kahit hindi naman talaga.

Hindi na niya alam ang gagawin dito lalo na ngayon na sumobra pa ang kulit nito.

Palagi itong nagtatanong kung kamusta na ba si Brent o kaya naman minsan ay magtatanong ito ng ilang bagay mga na tungkol sa personal na buhay ni Brent.

"Bakit na naman?"

"Ano po kasi 'yong buong pangalan ni kuya Brent?"

Pangungulit pa nito at napaface palm naman siya. Noong isang linggo pa nito iyon itinatanong dahil hindi nito alam kung anong buong pangalan ni Brent.

"Bawal nga kasi"

"Bakit po bawal?"

Makulit pa rin na tanong nito at bumuntong hininga naman siya.

Ayaw niyang sabihin dito ang buong pangalan ni Brent dahil baka mamaya ay magalit sa kanya si Brent.

Pikonin pa naman ito at iwas na iwas ito ngayon sa mga grade 7 at grade 8 na makukulit.

Baka mamaya ay sa kanya pa ito magalit at ayaw naman niyang mangyari iyon.

Kaya nga hindi rin niya sinasabi kay Brent na kinukulit siya ni Cynthia dahil alam niyang magagalit ito kay Cynthia na wala man lang kamalay-malay.

Hindi maiihandle ni Cynthia ang galit ni Brent kaya mas mabuti ng hindi malaman ni Brent ang tungkol dito.

Tutal grade 7 student pa lang ito at hindi pa nito masyadong kilala ang ugali ni Brent.

Baka sa oras na malaman nito kung ano ang ugali talaga ni Brent sa kabilang side ng katauhan nito ay baka umayaw na ito dito.

"Huwag ka ng makulit, baka magalit si Brent. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit 'yon"

Pagbibigay niya ng babala kay Cynthia ngunit sadyang may kakulitan talaga itong taglay.

"Nagseselos lang po kayo eh! Hindi ko naman po aagawin sa inyo si Kuya"

Mahina na lang siyang natawa saka umiling-iling.

"Bahala ka d'yan"

Akmang aalis na siya nang muli siyang harangin nito.

"Ate, magkwento naman po kayo kung paano naging kayo ni Kuya"

"Hindi nga naging ka—"

Naputol ang iba pa niyang sasabihin nang may tumamang bola sa likod ng ulo niya. Napa-igik siya at tumingin sa bola saka sa pinanggalingan nito.

Bola iyon ng volleyball at pagtingin niya sa pinanggalingan niyon ay nakita niya si Brent na tumatakbo papalapit sa kanya.

"Mika! Okay ka lang?!"

IHYMM BOOK 2: I Love You Moody Monster (Completed)Where stories live. Discover now