Nauna na umuwi si Vhenice dahil dinatnan siya ng monthly period niya. Ngayon naman ay dumating na ang driver ni, Angelica.


"I will," sagot ko naman.


"Ayaw mo ba talagang ipahatid na kita?" tanong niya. 


"No need, 'di ba nga may family dinner pa kayo? Baka ma-late ka 'no, kaya ko naman,"  I assured her.


She just nodded and smiled at me and then she waved again before they left.


Chineck ko muna ang bag ko dahil baka may nalimutan or may nahulog akong gamit especially my phone, umbrella and handkerchief. Ayoko kasi na mapagalitan pag uwi knowing my mom. Noong nasiguro ko na nandoon, nagsimula na akong maglakad papunta sa terminal para makasakay ng jeep. Medyo nag-alangan pa ako dahil sa hawak kong stuffed toy na dolphin. Baka mamaya ay makasagabal sa mga pasahero.


Para akong na-estatwa nang may humintong sasakyan sa harapan ko. I thought it was Samira again kaya hinanda ko agad ang cellphone ko para mag-dial ng number pero hindi ko iyon natuloy nang ibaba ng driver ang bintana ng kotse.


"Minghao? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya nang bumungad sa akin.


"May gagawin ka ba?" tanong niya naman pabalik sa'kin. 


"Wala naman? B-Bakit?" 


"Hop in," tinuro ang passenger's seat. 


"Saan naman tayo pupunta?" 


"Sakay na," natatawa niyang sabi. 


Hindi ko mapigilang mapa-facepalm. Hindi nanaman niya sinagot ang tanong ko.


"May tiwala ako sa'yo at may utang na loob kaya sasama ako kahit saan mo pa 'ko dalhin," sabi ko na lang at sumakay na. 


I heard him chuckle before driving because of what I've said. Buong byahe lang ako na nagtataka kung saan niya ba ako dadalhin dahil kahit magtanong ako ay ayaw niya naman akong sagutin. 


"Saan mo galing 'yan?" nginuso niya ang hawak kong stuffed toy. 


"Uhh, sa ex ko," awkward na sabi ko. 


Nakita kong napailing siya at napangisi dahil sa sinabi ko. 


"Kaya naman pala nagselos si master," he smirked. 


"Huh?" 


"Wala, wala." 


Hindi ko na lang siya pinansin at tumingin na sa daan. Hindi rin naman niya sasagutin ang tanong ko. 


Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя