Gising narin naman si kuya Rodolfo ang guard na nakaduty sa labas kaya agad niya akong pinapasok.

Gising na din ang mga kasambahay, si Greta ay nagdidilig sa mga halaman sa hardin nang kami ay mag batian ng magandang umaga.

Nang makapasok ako sa loob ay binati din ako ng iba na ginagawa na ang kani-kanilang gawain.

Si manag Dolores ay natagpuan ko sa kusina, at si Juancho ay bagong paligo at nakabihis pang opisina.

"Good morning Selena, mabuti at maaga ka nakabalik." bati niya sa akin ng makarating siya sa kusina.

"Magandang umaga, gusto mo bang itimpla muna kita ng kape habang nagluluto pa si manang ng almusal mo?" magiliw kong tanong.

"That's so nice of you, sige nga at matikman ang timpla mo." nakangiti niyang sabi.

At ipinagtimpla ko nga siya ng kape, nang matapos ako ay bumalik ako sa mesa at ini abot ang mainit na kape sa kanya.

Nagkuwentuhan kami habang nagkakape, nagkakatuwaan nang biglang pumasok si Juaquin sa kusina.

Nanigas ako sa aking kinauupuan, binati siya ni Juancho, pero nang sa akin dumako ang tingin niya ay matalim iyon.

Bitani ko din siya at inofferan na kuhanan siya ng gamot o itimpla ng kape dahil may hang over daw siya. Pero sinungitan lang niya ako. Nagpaalam siya kay Juancho na mag ja-jogging sa labas pero ni sulyap ay hindi niya iginawad sa akin.

At mula nga kanina ay hinihintay ko siya na bumalik, alasais Y media palang nang lumabas siya, mag aalasdies na pero wala pa din siya.

Nagawa ko ng tumulong sa gawain at magluto na din para sa agahan, at ngayon dito sa hardin nila ako naghihintay habang ginugupitan ang mga tuyong dahon nitong mga rosas.

"Hmp! Ang Juaquin na iyon, napakalayo niya sa Nico ko, masyadong masungit! Akala mo naman ay masama lahat ang hangarin ng mga taong di niya kilala!" himutok ko sa mga rosas.

"Napakagaganda ninyong mga rosas, may mga rosas din ako sa aking bakuran sa probinsya, kasing ganda ninyo sila, pero iisa lang ang kulay ng mga alaga ko roon, mabuti at may rosas dito nakakagaan sa mabigat na pakiramdam na ibinibigay ng Juaquin na iyon!" malungkot kong sambit.

"Hindi parin ako makapaniwala na ganito siya bilang Juaquin Montereal, kasi ang Nico ko mabait, palangiti at marespeto. Malayo sa isang malamig pa sa yelo kung makitungo!" muling pagsasabi ko ng hinaing ko sa mga rosas.

"Ehem! Mukhang magkasundo kayo ng mga rosas?" napapitlag ako nang marinig ang sarkastikong tinig ng lalaking masungit.

"Nakauwi kana pala." bigla akong napaharap sa kanya, at parang gustong tumalon lalo ng puso ko dahil sa natanaw na hitsura niya.

Mukha siyang mabangong-mabango dahil bagong paligo, naka white v-neck shirt lang siya at pantalon pero mukha siyang super model sa mga billboard sa edsa!

Laglag ang panga ko sa hitsura niya, lalo siyang gumwapo at kumisig sa nagdaan na taon. Sana lang hindi tumulo laway ko sa katititig sa kanya ngayon.

"Yeah at kanina pa ako dito na hindi mo man lang namamalayan." napailing siya at tinaasan pa ako ng kilay.

Bwisit kahit nagsusungit ang gwapo parin!

"Ah, eh..  Kinakausap konlang naman ang mga halaman." halos malunok ko ang dila ko sa kaba.

"What ever! Let's go inside, pag-usapan natin ang dapat pag-usapan." saad niya sa masungit parin na tono saka na niya ako tinalukuran.

"S-sige susunod ako." halos mataranta ako sa pagtabi ng pandilig at gunting na aking ginamit at halos magkanda dapa pa ako sa pagsunod sa kanya!

Sa study room niya ulit kami nag-usap, mas ok sana kung sa salas nalang kami, kasi dito parang masikip at hindi ako makahinga kahit kaming dalawa lang naman at  mukhang malaki pa sa bahay ko ang study room niya.

"You came back and so sure of being my girlfriend." unang litanya niya.

"Oo, hindi ko papagurin ang sarili ko kung hindi totoo ang sinasabi ko." kaagad kong sabat sa kanya.

"Let me finish." malamig niyang saad.

"S-sorry." napayuko ako.

"Last offer para hindi na natin sayangin ang mga panahon natin, I am giving you a last chance to take this blank cheque. You can write any amount you want." muli na naman niyang inilahad sa akin ang cheke na iyon.

"Hindi parin ang sagot ko sa cheque na iyan." kulang nalang ay irapan ko siya.

Napabuntong hininga muna siya bago tumayo at nagpamulsa sa kanyang suot na jeans.

"You're so sure about this, huh?!" sarkastiko niyang sabi habang nakamasid sa akin.

"Oo at walang makapagbabago ng isip ko." tumayo ako para makipag sukatan ng tingin sa kanya.

Kahit na sa loob ko ay triple na yata ang pagtibok ng puso ko, mahihimatay na ako dahil hindi ko na talaga maapuhap ang aking hininga sa sobrang kaba.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita ulit, hindi ko parin inaalis ang titig ko sa kanya.

"Please, bigyan mo ako ng chance na makasama ka, maiparamdam sa iyo na totoo itong pagmamahal ko sa iyo, posible na di mo na ako maalala pero magbabakasali nalang ako na maramdaman ulit ng puso mo na mahalin ako." pakiusap ko at lumamlam ang mga mata ko na nakatitig sa kanya.

Nakita kong lumikot ang mga mata niya, naapektuhan din sguro siya sa mga katagang binitiwan ko, siguro ay tumatagos naman sa kanya ang nararamdaman ko.

"Ready your things and ready your self, we'll go now. Sa condo tayo titira. But I have to warn you, I am not the Nico you used to know. Si Juaquin Montereal ang makakasama mo, wala akong babaguhin sa ugali ko kaya nasa sa'yo na kung aalis ka sa poder ko walang pipigil sa iyo. You won't expirience heaven with me." muli ay wala na namang emosyon sa mukha niya.

Mapait akong ngumiti saka tumango, I guess I don't have a choice kundi tanggapin ang mga babala at mga magiging rules niya sa pagtira ko sa kanya.

Mahal ko parin siya kahit parang ibang tao na siya, ramdam ko sa puso ko na mahal ko siya at gusto ko na bumalik kami sa dati. Kahit pa iba na siya, siya parin ang ama ng anak ko.

Kailangan parin siya ni Nicollo sa buhay niya, kailangan ko parin siya sa buhay ko.

Just A Little Bit Of Your LoveWhere stories live. Discover now