Chapter 18

17 1 1
                                    

Darlene's POV

Lunes ngayon at lahat ng college student ay nandito sa ground dahil may importanteng iaanounce.

"Since Our SSG President is so very busy for the reasons that shes a graduating student and we all know that graduating student are so very busy for the preparations and etc... We would like to have a campaign this coming friday. We will pick a 1st year college candidate for the president. So I will give this to the SSG President for some announcement."

"Good morning everyone, I know you all know me. And yeah, we are here because I decided to give up my posistion because maybe I cant do my duty as a president anymore and being a graduating student is not easy. Thank you" sabi ng SSG Pres.

Ng matapos na ay nandito na kami sa classroom. Di na ako nakinig sa ibang announcement kanina hindi ako relate eh.

Nirecommend ng advicer namin si Shealah na mag represent baka may chance na manalo siya bilang president. Kasi nga daw lola niya din ang Dean ng TIC at ngayon ko lang iyon nalaman. Hindi naman ako chismosa tulad ng iba jan.

Lumipas ang tanghalian at nandito ako ngayon sa canteen kasama si Mark at si Angel. At laking pasasalamat ko kay Mark dahil nga sa wakas may naging kaibigan ako.

"Sino ba ang representative niyo for pres?" tanong ni Mark kay Angel.

"Wala eh. Walang gustong kumalaban kay Shealah. Hahahahaha" sabay tawa ni Angel at natawa na rin ako.

"Ay ganon bah. Bakit hindi nalang ikaw?"tanong ni Mark.

"Diko pinangarap ang maging president ng SSG. Gusto ko lang magluto yon lang" sagot ni Angel.

"Sabi ko nga" sabay subo ni Mark.

"Kamusta ka naman Darlene? Ang tahimik mo ata" tanong ni Angel.

"Okay lang naman. Wala kasi akong masabi." sagot ko at nanahimik na lang.

...

"Mauna na ako. Mark" paalam ko kay Mark

"Ihatid na kita Smith" sabi nya.

"Ha? Wag na. Palagi mo na kasi akong hinahatid eh." sagot ko.

"Okay ka lang bah?" tanong nya.

"Ahh. Oo. Medyo masama lang ang pakiramdam ko." Ewan ko pero kanina ko pa kasibito nararamdaman.

"Parang hindi ka okay. Ihatid na lang kita"

"Wag na. Kaya ko naman na"

"Sigurado kaba dyan?" tumango nalang ako at naglakad na papalayo.








...

Mark's POV

Tanaw ko pa ang likod nya habang papalayo sya saken. Anong nangyari don?

~beep beep~

Biglang nagvibrate ang phone ko at nakatanggap naman ako ng message galing kay Eulo.

Papunta na ako sa lugar kung saan doon kami nageensayo. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng intension sa pagsali ng grupo nila basta ang alam ko napapanatag ako dito.

"Simulan na natin" sabi ni Eulo.

..

Matapos ang ilang oras ng pageensayo ay napagpasyahan na naming umuwi.

"Mauna na ako bro" paalam ko sa apat. Kumaway naman na sila. Dumeretso na ako sa Yardstick para mabisita ko naman sila kahit minsan.

Ng marating ko ito ay agad naman akong pumasok at nakita ko naman si Mom na may kausap. Umupo na muna ako habang naghihintay kung kailan matapos ang phone call.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Where stories live. Discover now