Chapter 9

49 31 0
                                    

Darlene's POV

"Pass your paper" sabi ni Sir Jazon. Biyernes ngayon kaya araw ng quiz sa lahat ng subject pwera lang sa mga vacant subject. Natapos ni Sir ang discussion kahapon kaya nag quiz kami ngayon.

Vacant ang susunod na subject kaya naisipan kong pumunta sa tinatambayan ko dahil wala naman akong gagawin doon sa room at alam kong pagpapahiya lang sa akin ang nalalaman ng iba kong kaklasi. Malapit ng magdadalawang linggong pasukan pero wala parin akong close friend.

Si Mark kasi busy sa mga bagay na hindi ko alam. Palagi siyang umaalis kasi at sa katunayan ay nakikita ko siyang kausap sina Eulo and friends.

Naglalakad ako papunta sa likod nung umalis na si Sir Jazon.

Umakyat ako dito sa punong mangga at napagpasyahan kong dito na muna manatili ng biglang may kung anong mga insektong dumapo sa buhok ko kaya agad akong bumaba at sumisigaw dahil nga may phobia ako sa mga insekto.

"Uuuuwaaaaaa!" sigaw ko habang tumatakbo at umiiyak ako sa takot. Naramdaman kong nahihilo ako at ramdam kong matutumba ako kahit anong oras.

"Smiitthhh! Anong nangyari sayo" dinig kong sigaw ni Mark na papalapit sa akin pero bago paman niya ako nalapitan ay natumba na ako and all went black.

...

Roque John's POV

5:30 ngayon ng umaga at sinadya naming pumunta dito sa punong mangga ng maaga kasama si Eulo dahil nga sa plano niya.

May nilagay kaming box sa ibabaw at malapit ito sa pinagtutulugan ni Darlene at nilagyan namin ng maliit na lubid para hilain iyon at malaglag ang mga insektong kinuha namin ni Eulo. Itinali namin ni Eulo ang lubid malapit sa pinagtataguan namin noong nakaraang araw para dito narin kami magtago kapagka nakita namin si Darlene na pupunta rito.

Halos isang oras namin iyong ginawa dahil nga nagkuha pa kami ng mga insekto at 6:30 na kaya may mga studyanteng nandito na. Nalaman namin ito dahil nakikita namin sila sa hindi kalayuan. Ang aga naman nitong mga studyanteng ito. Malapit ng mag 7:30 kapag kami ang papasok at sadyang ngayon lang talaga kami naging maaga dahil sa kagagawan nitong mokong na to.

"Okay na yan Eulo" sabi ko sa kanya kaya pinagpag naman niya ang uniform niya.

"Thank you bro" pasasalamat niya sa akin.

"Mamaya kana magpasalamat kapagkamagtagumpay ka" sabi ko.

"Natin bro dahil tayong dalawa ang gumawa."

"Aba'y loko ka Moore. Wag mo akong isali diyan. Tinulungan lang kita." pagpapaliwanag ko

"Heh"

Naglalakad naman kami papunta sa room at ginamit namin ang elevator papuntang 3rd floor. Ng makapasok kami ay nandito na pala si Darlene kaya kaming tatlo pa ang nandito sa room.

"Hahaha" biglang tawa ni Eulo at napatingin naman si Darlene sa kanya. Alam ko kung anong iniisip nitong mokong na ito.

Lumpis ang isang oras at nandito na si Sir Zafra dahil nga may quiz kami ngayon dahil biyernes. The hell day.

Madali lang natapos ang oras ni Sir Jason kaya pinasa na namin yung papel. Nakita ko namang tumayo si Darlene kaya sinenyasan na ako ni Eulo.

Tatayo na sana kami ng biglang sumingit si Cuert.

"Hoy, saan kayo pupunta?" tanong niya.

"Dyan lang kayo kung ayaw nyong makatikim sa akin" sabi ni Eulo kaya nanahimik naman yung mga kaibigan ko.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Where stories live. Discover now