Chapter 17

20 2 0
                                    

Darlene's POV

Hindi ko akalaing mangyayari ito. Sana hindi nalang ako nagpumilit kay Mark. Di ko kasi akalaing matatalisod ako sa ganung sitwasyon. Nahatak ko pa talaga ang unggoy na ito! Mabilis naman siyang nakatayo kaya tumayo narin ako. Argh!

"Ms Smith and Mr Moore, What are you doing?" sita sa amin ni Sir.

"Sorry po" sabi ko.

"Hindi kasi kayo nakikinig" sabi niya. Yumuko naman ako."Group 7 proceed"  sabi ni sir.  O my? Ganun naba kahaba yung pinaguusapan nakin ni Mark? Hindi ko man lang namalayan na group 7 na.

"Sorry" sabi ko kay Eulo. Kasalanan ko rin naman.

"Magbihis ka nalang kaya muna Len" sabi ni JP. Hindi ko man lang siya namalayan na nandito siya.

"Mamaya na pagkatapos nito" sabi ko.

"Sige. Ikaw bahala." sabi niya.

"Anong feeling?" tanong ni Mark na natatawa.

"Huh? Anong, anong feeling? Saan?" tanong ko.

"Yung kanina. Hahaha"  sabi niya.

"Yung kanina mukha mo. Manahimik ka nga." naiinis na sabi ko kasi hindi ko naman nagustuhan ang nangyari!

"Kinilig ka naman" panunukso niya.

"Kahit kailan, hindi ako kikiligin sa kanya no!" diin na sabi ko. Syempre mahina lang ang pagkasabi ko baka mapagalitan pa kami sa pangalawang pagkakataon.

"A Litchenberg figure or "electrical tree" is a record of the path taken by electrons during an electrostatic discharge. It's basically frozen lightning. There are several ways you can make an electrical tree." explanation ni Lopez.

"Verygood. From Ms Herrera, the last group. Please proceed"

Hanggag sa matapos kami ay naging successful naman lahat ng experiment namin. Magquiz na naman kami sa Friday as always.

"Len, magpalit ka na ng damit. Baka magkakasakit ka pa niyan." sabi ni JP.

"Opo. Magpapalit na nga po diba?" sabi ko.

"Tara samahan na kita para safe ka." sabi niya.

"Ako na John. ;)" singit ni Mark.

"Okay"


"May gusto ka ba kay Eulo, Smith? ;)" tanong nya na may nakakalokong ngiti.

"Asa siya, kahit kailan hinding hindi ako magkakaroon ng feelings sa kanya!" iinis na sagot ko. Basta hindi ko nagustuhan yang Eulo na yan. Kepapanget ng ugali, may pa cold cold pang attitude, di naman bagay! Nakakainis isipin yung lalakeng iyon.

"Nagtatanong nga lang eh. Bat ka nagagalit?" sabi ni Mark.

"Eh sa naiinis ako sa tuwing makakarinig ako ng ganyang pangalan!" sabi ko.

"Sorry naman. Hinay hinay lang. Puso natin baka mapano" nanunukso niyang sabi.

"Heh! Kailan nga ba tayo naging close abir?" natanong ko bigla. Matagal ko na kasi dapat itong itanong pero nakakalimutan ko lang. Hindi naman kami ganito dati eh. Basta, hindi lang talaga ako sanay.

"Wow? Kay tagal na kitang nakausap, tapos tatanungin mo lang ako ng ganyan? Amo mo ako kaya rumespeto ka" sabi niya.

"Aba! Aba! Amo? Nasa paaralan tayo MARK kaya pareho tayong studyante dito!" nanunukso kong sabi.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Where stories live. Discover now