Chapter 10

52 30 0
                                    

John Paul's POV

Lunch time na pero hindi parin pumapasok si Darlene at Mark. Nag alala lang ako sa kanilang dalawa kung ano na ang nangyari. Hindi ko sila nakita sa Coffee shop dahil pumunta ako roon nong sabado at linggo pero sabi ng nagtatrabaho dun ay hindi nila alam at ang sabi ni Mark ay palitan raw muna si Darlene dahil hindi pa siya makakapagtrabaho. Hindi ko alam ang nangyari pero dapat kong alamin.

Ang alam ko lang na may kagagawan nito ay si Eulo at Roque dahil sila lang ang may ibang kilos simula nong hindi na pumasok si Darlene.


Hinanap ko ang dalawa pero hindi ko mahanap sa paligid kaya naisipan ko nalang na pumunta sa The Untouchable Quarter kung saan ito ang pangalan ng silid namin.




Hindi naman ako nagkamali at nakita ko ang dalawa na may pinaguusapan at narinig ko naman ang pangalan ni Darlene kaya agad akong nagtago.

"Ano na Eulo? Hindi parin pumapasok si Darlene" sabi ni Roque kay Eulo.

"As if I care?" sagot ni Eulo. Hindi ko alam kung bakit ganyan siya kay Darlene. Sa pagkakaalam ko ay wala namang ginawang masama ang babae.

"Ano ba nag-alala na talaga ako" sabi ni Roque.

"Chill bro." sabi ni Eulo na wala talagang pakialam

"Bro paano ako magchichill eh alam naman nating dalawa na tayo ang dahilan at hindi natin alam ang sumunod na nangyari" sabi ni Roque kaya biglang tumaas ang dugo ko sa naririnig ko. Gotcha!

"Edi sana hindi mo nalang ako tinulungan eh nagalala ka pala" sabi naman ni Eulo.

"What the fuck Moore" nagagalit na sabi ni Roque. Bakit ba kasi sumalisali siya. Umalis naman ito at nakita akong nagtago pero deretso lang sa sa hagdan para makalabas dito. Gusto kong magalit kay Roque pero alam ko namang hindi niya matiis si Eulo kaya tinulungan na niya ito.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at agad sinuntok si Eulo at may dugo naman sa gilid ng labi niya hinawakan niya ito at may nakita siyang dugo kaya sinuntok niya ako pabalik.

"Ano bang problema mo!" sigaw ni Eulo sa akin.

"Ha! Ako pa talaga ang may problema ha Eulo? Baka ikaw ang may problema!" galit na sabi ko.

"Ano bang piangsasabi mo!" sigaw niya sa akin.

"Huwag ka nang magsinungaling. Narinig ko lahat ng pinaguusapan niyo ni Roque John! Simula pa nung una alam kong may kinalaman kayo sa hindi pagpasok ni Darlene!"

"Tapos ano naman ang paki alam mo don?" tanong niya sa akin.

"The fuck dude! Babae yon. Alam mo naman diba?" sagot ko.

"Kailan ka pa naging may pake sa mga ginagawa ko sa ibang tao ha John Paul?" sabi nito sa akin

"Lintek naman oh! Bro pwedeng magbago ang tao at ano? College ka na, college na tayo! Magbago kana sa pagiging bully mo! Ano ba naman ang ginawa sayo ni Darlene bakit mo siya nagawan ng ganun?" nagagalit na sabi ko na parang gusto ko na naman siyang suntukin sa pangalawang pagkakataon.

"Oh bakit hindi ka nangialam dun nong oras na may binugbog ako?" sabi niya.

"Kasi nasa tama ka Eulo. Eh ngayon na si Darlene ang pinagtritripan mo na alam mong babae! Iyon ang mali."

"Iyon ang mali kung may gusto ka sa kaniya. Ganun yun"

Hindi ko na napigilan ang mga kamao ko kaya nasuntok ko siya at sinuntok naman niya ako pabalik. Hindi titigil si Eulo pag hindi rin ako titigil alam kong ganiyan siya at kilalang kilala ko ang isang to.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang