Chapter 13

37 26 0
                                    

Darlene's POV

Sabado ngayon at nandito ako sa YARDSTICK COFFEE para magtrabaho at naisipan ko namang mag overtime dahil nga hindi ako nakapasok nong nakaraang sabado at linggo dahil sa nangyari sa akin. Mahiya naman ako diba.

"Okay ka lang bah?" tanong ni Mark sa akin.

"Oo naman. Ako pa hahaha" sabi ko naman.

"Mabuti naman. Namiss mo bang magtrabaho?" tanong niya.

"Oo eh. Kaya nga naisipan kong magoovertime ako ngayon."

"Bakit naman?"

"Eh kasi nga diba hindi ako nakapagtrabaho nong nakaraang linggo kaya babawi ako ngayon ^_^" nakangiti kong sabi.

"Serve me, Ill eat ;-)" utos niya sa akin.

"Anong order mo Sir Mark?" tanong ko naman na kunwari costumer ko siya.

"Bacon Carbonara and Iced Caramel Cappuccino" sabi niya sa akin.

"305 pesos for your order Sir." sabi ko sa kanya at nagbayad naman siya. Walang libre dito no! Maliban lang sa amin.

"Saan mo guston umupo Sir MARK" pagdidiin ko sa pangalan niya.

"Ikaw talaga SMITH. Table 1 nalang" pagdiidin niya sa apelyedo ko. Kaya pumunta naman siya sa table 1 ng may sumulpot na naman sa harapan ko.

"I want to order" sabi niya. Gusto ko siyang sungitan pero bawal dahil costumer ko siya. Aysh! Bat ba siya nandito. Nakakairita ang mukha niya, ang pangit pangit pa naman!

'Hala makapagsalita, gandang ganda ka?' may parte sa isipinan kong nagsabi niyan. Nga naman no?

"Anong order mo?" sabi ko.

"Say it in English"

"Grrr. Ano ba. Bilisan mo hindi lang ikaw ang costumer ko!" naiinis kong sabi sa kanya.

"Im the costumer so you need to follow me." englishero hindi naman gwapo!

"What's your order? Hmph!" naiinis kong sabi.

"Say it again in a nice way" at napangisi naman ito. Pinaglalaruan lang ako ng mokong na to ah!

"Pag ako talaga ginagalit mo! Haa!"

"Faster. Im hungry" sabi niya.

"Kasalanan ko bah?" tanong ko!

"Of course. Faster say it again in a NICE WAY" sbai niya na parang nageenjoy na inisin ako.

"Whats your order Sir ^_^" ngumiti naman ako para diko na makausap itong baliw na to.

"One Large Mocha Espresso" sabi naman niya.

"Yan lang?" tanong ko.

"U-huh" anak ng tokwa! Akala ko ba gutom siya!

"What table do you want?" tanong ko sa kanya ng bigla siyang tinawag ni Mark.

"Bro! Dito ka saken" kaya pumunta naman si Eulo kay Mark. Bwesit tong lalakeng ito!

'Costumers will fall in line' yan ang nakalagay sa working place kaya hindi na namin kailangang lumapit  sa mga costumer para kunin ang mga order nila.

"Sino ba kasi yun"  tanong sa akin ni Tricia. Siya ang bagong kasama ko dito. Magkaedad lang naman kami niyan. Pag pumapasok naman kami syempre may papalit sa amin pero diko na alam kung sino.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Where stories live. Discover now