Chapter 16

18 7 0
                                    

Darlene's POV

Bukas na ipepresent yung expirement namin each group tapos heto kaming group 2 walang ginawa. Ewan ko ba dito sa leader na ito, sa lahat ng grupo kami lang ata ang hindi pa nakapagsimula! Bakit ba kasi siya pa ang naging lead. Kung ayaw niyang kumilos, Ako nalang ang kikilos para sa performance ko! Bahala siya jan.

"Saan naman ang punta mo?"  tanong ni Mark.

"Kayo kasi! Alam niyo namang may activity na bukas na ipresent tapos wala pa tayong nagawa, tapos inuuna niyo pa ang pag oonline games?!" naiinis na sabi ko.

"Edi gagawin nalang natin mamaya" sabi ni Eulo.

"Gumawa kayo kung gusto niyo! Aalis na ako. Nakakabadtrip!" sabi ko at lumabas sa bahal ni Mark.

Vacant kami sa last subject kaya maaga kaming umuwi para pumunta dito pero wala namang nagawa kaya bahala sila don!

"Smith! Teka lang" tawag sa akin ni Mark at hindi na ako lumingon pa at nagpatuloy nalang lumabas.

4:45 pa naman ng hapon at naisipan kong pumuntang mall para bumili ng gagamitin sa experiment. Nang natapos ko ng bilhin ay umuwi nalang ako agad, at ginawa ko nalang kung anong dapat gagawin para sa topic namin.

"Hello" sabi ko.

"San ka?"

"Paki niyo bah!"

"Eh kasi. Bakit ba kasi umalis ka"

"Wala na kayong paki, kung gusto niyo ng low grades wag niyo akong idamay. Nakakainis kayo!"

"Puntahan kanalang namin jan"

"Wag na! Subukan mong dalhin yang lalaking yan dito! Di na kita papansinin kahit kailan!"

"Sige na."

...
Mark's POV

"Paano nayan, kulang na tayo ng isa"

"Pakialam ba natin don. Pabayaan mo yon! Sya pa may ganang mag walkout"

"Simulan nalang kaya natin?" sabi ko.

"Sige na nga"

"Paano yan?" tanong ni Williams.

"Anong paano yan?" tanong naman ni Reyes.

"Wala tayong biniling sangkap para sa experiment" sabi ni Williams. Oo nga no? Hayst ano ba naman to!Bat kasi lalaki pakami lahat dito.

"Magpapabili nalang ako" suhestyon ni Eulo.

"Kanino naman?" tanong ko.

"Sa maid ko, Ayoko lumabas." sabi niya at tumango naman kami. Tinext niya naman ang maid nila na bilhin ang sangkap para sa experiment namin.

"Alam ba niya ang mga sangkap?" tanong ko.

"Ewan ko. Hindi naman ako siya"

"Aysh. Eulo naman!"  tumunog naman ang phone niya.

"Hindi niya raw alam ang mga materials." sabi niya.

"Search nalang tayo kung ano." sabi ni Williams. nang masearch na ni Williams ay agad naman itong pinakita ni Eulo at tinext agad ang maid nila.

"Mga iho, mag snacks na muna kayo. Baka nagugutom kayo" sabi ni Manang Dolor.

"Pakilagay nalang ho sa lamesa manang. Salamat" sabi ko at nagpasalamat naman ang tatlo.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Where stories live. Discover now