CHAPTER 4.2

99 56 0
                                    

DARLENE'S POV

Naisipan ko nalang mag mall para na rin mabili ko yung kakailanganin ko sa pasukan. Kakaunti lang rin naman yung bibilhin kong school supplies kasi hindi ko pa naman alam yung mga requirements.

Nagbihis muna ako bago pumuntang mall. Nilakad ko nalang yung palabas ng subdivision para narin may excercise naman ako.

Nandito na ako sa mall at dumeretso sa national book store. Bumili ako ng isang notebook, isang yellow pad, apat na ballpen.

Naglakad ako papuntang Ideal Vision Center ng biglang may malakas na bumangga sa akin kaya natumba ako at nahulog yung salamin ko at dinig ko yung pagkabasag nito. Nanlabo yung paningin ko at kinapa kapa ko ito ng may kamay na humawak sa kamay ko at inabot nya yung salamin kong nabasag. Susuutin ko sana ito ng pinigilan nya ako.

"Wag baka magkasugat ka. Sorry. Sorry. Sorry talaga. Diko sinasadya, nagmamadali kasi ako kaya tumakbo ako at nabangga kita. Babayaran nalang kita sa salamin mo" he insist.

"Ah okay lang yun. Wag na ako nalang ang bibili since papunta rin naman ako doon para palitan ito."

"Ako na. Itabi mo nalang yan. Tara"

Malabo pa rin yung paningin ko pero alam kong hinila nya ako papunta sa Ideal Vision Center. Ng makarating kami ay agad nyang pinacheck yung mata ko at pagkatapos binigyan kami ng bagong salamin. Binayaran nya ito sa counter at nanghingi ulit ng tawad.

"Sorry talaga ah!"

"Ano kaba. Ayos lang yun. Salamat dito" pagpapasalamat ko. Eh kasi naman diba papalitan ko sana pero mabait yung tadhana sa akin kaya less gastos. *flip hair*

"Bagay sayo yung salamin ^_^" kita ko yung mukha nyang ngumingiti.

"Ah eh. hahaha. salamat hihi" kyot naba ako nun? >_<

"Sige. Pupuntahan ko muna yung mga kaibigan ko. Sorry nga pala ulit."

"Sige. Walang ano man. Ano kaba. ^_^"

Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta na ako sa food court kasi tanghalian naman kaya umorder ako. Pagkatapos kong kumain ay ginamit ko nalang yung pera ko pangsine.

Nakaramdam ako ng excitement kahit na nagiisa akong manonood nito.

Pumasok ako sa CineVille at binayaran yung ticket. Umupo ako sa bandang likod. Sa harap ko ay may magjojowang naghaharotan. Aysh! Bad View.

Nagfocus nalang ako sa big screen at saktong kissing scene.

"Yieeee ^_^" kinikilig kong tili.

Nagyakapan naman itong nasa unhan. Yucks! Diba nila alam yung salitang RESPETO? RESPETO SA MGA WALANG JOWA! SHOUTOUT SA MGA WALANG JOWA!

Ng matapos ang movie ay agad akong lumabas. Nakakarindi naman kasi yung view sa unahan.

Alas tres na ng hapon kaya nagpasya nalang akong umuwi.

BIYERNES na ng umaga at nandito ako ngayon sa Yardstick coffee.

"pst!"

Abala ako sa pagawa ng espresso dahil may orders kaya hindi ko pinansin yung sumisitsit. May pangalan naman ako kaya di na ako nag abalang tumingin pa.

"Pssst"

Ano bayan!

"Huy Darleneee!" sigaw ni Mark sa harapan ko.

"Ahy pusang panget! Ano bah?"

"Anong sabi mo?!" naiinis na tanong ni Mark

"Sabi ko bakit?"

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Where stories live. Discover now