Chapter 7

68 42 0
                                    

A/N

Warning!

Walang alam si Author sa mga subjects and stuffs about sa college kaya basahin niyo nalang ito ng walang chechebureche! ^_^

---

Darlene's POV

Lumipas ang isang linggo at pangbubully lang ang nakuha ko sa TIC pero may araw rin naman na payapa yung buhay ko. Miyerkules ngayon kaya nagdidiscuss si Sir Jason Zafra ng Major namin about Business.

"This topic is all About Business Management Basics. In this chapter we will learn about the functions of management, Managerial decision making, organization change, management theory, and of course workplace motivation"

Natapos ang 1 hour and 20 minutes ay dinatapos ni Sir ang topic kaya bukas nalang daw ipagpatuloy.

"Goodbye Sir Jason" sabi naming lahat kaya umalis naman si Sir at sumunod naman ako kasi kanina pa ako naiihi.

Naglalakad ako patungong kubeta ng walang ibang tao kaya panatag akong pumasok sa Kubeta. Ng matapos ako ay lalabas na sana ako nang nandito na naman si Angel Reign na ex sa asungot na yun kasama ang mga alipores nyang nakaharang sa daan. Gulo na naman ang aabutin ko dito!

"Hey you bitch!" matapang na sigaw nya sa akin. Hindi naman ako nagsalita.

"Kung ayaw mong mamatay! Tantanan mo ang boyfriend ko!" WTF! Sinong boyfriend ba ang tinutukoy niya?

"Sinong boyfriend ba ang tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya. Imbis na sagutin nya ako ay sinampal pa nya ako ng napakalakas kaya napahawak ako sa pisngi ko.

"Aba'y sumasagot ka pa ha! Hindi mo alam? o nagpapanggap ka lang na hindi mo alam?"

"Wala naman kasi akong alam sa mga pinagsasabi mo" palaban na sagot ko. Alam kong hindi ko sya kaya kasi lima sila.

"*Pak* Yan ang nararapat sayo. Akala ko ba hindi ko kayo nakita ni Eulo? Ha! Ikaw pa talaga ang unang lumapit sa kanya?Napakalandi mo! Akala mo naman kagandahan! Huyyyy! Ang pangitttt mo kung alam mo lang! *Pak*" Sa pangalawang sampal nya ay nakaramdam ako ng pamamanhid ng buong mukha ko dahil sa lakas ng sampal niya.

"Hold her!"utos nya sa mga buntot niya. Kaya hinawakan naman ako ng apat na babae. Hindi ko alam kung anong gagawin nila.

"T-teka, a-anong gagawin niyo s-saakin?" nauutal kong tanong dahil sa kaba.

"Dahil malandi ka ito ang nararapat sa iyo!" sabay punit nya sa uniporme ko kaya gutaygutay na ito. Mabuti nalang at nagsuot ako ng sando.

"Tamaa naa!" sigaw ko sa kanila.

"Akala mo hihinto kami? Ha? Nagkakamali kang panget ka!"  sinambunutan nya naman ako hanggang sa pinagtutulungan na nila ako. Diko naramdaman na tumulo na pala ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko sila kaya. Wala akong magagawa.

"Hey! Stop it" biglang dumating si Mark kaya laking pasalamat ko't nandito sya.

"And who are you to stop me? Hindi mo ba alam? Na itong babaeng ito ay napakalandi? Ha?" sigaw nya kay Mark at sinambunutan na niya naman ako kaya napahagulhol na ako sa sakit.

"T-tama na p-please." sabi ko. At naramdaman kong may humugot sa kamay ko palayo sa kanila.

Dinala ako ni Mark sa locker ko at kumuha sya ng extra uniform doon at pinasuot niya ito sa akin. Alam kong namumula parin hanggang ngayon itong mukha ko dahil sa sampal na natanggap ko.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Where stories live. Discover now