CHAPTER 2

111 64 0
                                    

Nandito ako ngayon sa TIC para tingnan ang result. It's Wednesday. Marami rami kaming nag aabang sa result. Yung iba may kausap, yung iba makikita sa kanilang mata ang nerbyos, ang iba naman nag sosocial media, yung iba naka upo, may nakatayo hanggang sa may babae akong nakitang may daladalang papel. Baka ito na ang result sa test.

"Congratulations to my Co-students who passed the scholarship!" sabi nung babaeng naglagay ng result sa bulletin board. Student pala sya dito? Ah baka may malaki syang ginampanan dito sa TIC. O baka sya yung anak ng may ari? Eh pero hindi ata? Buhay donya ata yung anak ng may ari nito eh. Hindi naman ata basta basta mautusan iyon.

Nabuhayan ako sa kakaisip ko ng napagtanto ko na nandito pala ako para sa result, hindi yung nangingialam sa buhay ng ibang tao.

Tiningnan ko ang pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Eh baka naman kasi nasa last ako. HaHaHa.

Fifty lang ang nagtest para sa scholarship at 20 lang naman ang nakapasa kaya di na ako nahirapang hanapin ang pangalan ko. Hayst! Sa wakas. New school New life ata. New friends na din kung meron? I'll just accept what will happen. *Sigh* Pero alam ko naman na gaganda pa ang skills ko dito sa paaralang ito. =)

Noong nag take kasi ako ng exam, makikita mo talaga na pang high standard yung mga tanong. Sa totoo lang mahirap siya pero kayang kaya lang naman kung tutuusin.

Lumabas ako ng gate ng may nag text.

~Admin of TIC~

Good day! I am happy to say CONGRATULATIONS for being part of scholar student of TIC. You can freely go around to check our school. Thank you!

Ugh! I-checheck ko pa kaya? Ay sa susunod nalang. Mabuti pa't papasok ako sa trabaho para magkapera naman ako.



...
LUMIPAS ang ilang minuto ng dumating ako sa cafe. Pumunta ako sa office para mag sign in.

"Napapadalas na ata 'yang pagkalate mo sa trabaho Darlene, nang suriin ko yung mga time in. Anong inaabala mo?" nabigla ako sa sinabi ni Mrs. Garza. Mrs. Michele Garza ang may ari ng pinapasukan kong Cafe na Yardstick Coffee. Isang mabait na babae, may respeto sa mga trabahante. Sya yung tipong amo na mapag-unawa. Siya ang ina ni Mark Garza.

Kala ko kasi si Mark parin ang nandito.

"Ah, Sorry po Mam. Nung linggo po kasi huli na ako nagising, tapos nung Lunes po nag exam ako sa TIC for scholarship, tapos ngayon po yung result kaya galing ho ako sa TIC"pagpapaliwanag ko.

"Ahy ganun ba. So hows the result?" tanong ni Mam.

"Uhm! Pasado po. hihihi" nahihiya kong sabi.

"Woah! Isa sa napakamayamang skwelahan ang TIC, at sigurado akong maganda ang kanilang paraan sa pagtuturo, Congratulation!" pagpapalakas loob na sabi ni Mam. Kaya napangiti nalang ako sabay nagpasalamat. Pumunta na ako sa working area.

"What's your order Sir?" tanong ko sa lalaki at nabigla ako nung inangat nya yong ulo nya. Siya na naman!

"One Large Mocha Espresso, and One Beef Curry"

Inulit ko nalang yung order nya para sakaling may mali akong nailista. Pero wala naman kaya pumunta ako sa ibang table para kumuha ng order.Nang matapos ay pumunta ako sa working area.

"Lene, order sa table 8. Paki serve" sabi nung nasa kabila kaya tumango ako sabay lagay ng Espresso sa tray.

"Sir, here's your order. 180 for One Large Mocha Espresso and 330 for one Beef Curry. 510 pesos for your order, Sir." binigyan naman nya ako ng 1000, kaya sinuklian ko naman sya sabay lakad papuntang workplace.

My Nerdy Girlfriend (ON-HOLD)Where stories live. Discover now