Chapter 19

725 47 8
                                    

Chapter 19

TAPOS NA ANG MEETING, pero hanggang ngayon ayun pa din yung nasa isip ko. Nababaliw na nga ata talaga ako

Bakit ko naisipan na magkamukha si kuya Damon at yung Amandang yun?!

Pero mas malala yung sumunod kong napansin! Dahil napansin ko din na magkahawig si Ian at si mr. Miller!

Ohmygulay!

Bigla ko tuloy na-alala si ian. Kumusta na kaya siya? Si mr. And mrs. Torres kaya? Okay naba sila?

Sana ayus lang ang lagay nila.

"Na-cancel mo naba lahat ng schedule ko ngayon?" tanong ni mr. Walker na nagpabalik sa diwa ko

"Ahhh... Y-yes sir"

Nandito kami ngayon sa office niya. Naka upo ako sa sofa habang siya ay naka upo sa trono niya. Naka harap nanaman siya sa laptop

Huminga ako ng malalim at maayos na umupo sa sofa. Umakyat ata lahat ng dugo sa pisngi ko ng may maalala sa sofa na 'to. Tsk! Bakit ba kasi ang harot ko nung araw na yun!?

Ano bang klaseng kalandian ang sumapi sa akin nun?!

Napatingin ako sakanya ng bigla itong tumayo at tumingin sa akin.

"Lets go?" aya nito habang naglalakad papunta sa akin.

"S-sir?"

"Mag di-date tayo"

"H-ha?" Hakdog

"Napansin kong masyado kang stress nitong mga nakaraang araw kaya naman kailangan mo din ng pahinga sa trabaho"

Aangal pa sana ako pero hinila na nito ang kamay ko kaya naman napatayo ako at nagpa guyod nalang sakanya palabas ng office. Napunta ata lahat ng dugo sa pisngi ko ng makitang mahigpit ang hawak nito sa kamay ko. Ramdam ko din ang init ng palad niya

Nang nasa private elevator na kami. Bahagya nitong binitawan ang kamay ko. Akala ko hindi niya na ito hahawakan. Pero nagulat ako ng dahan-dahan nitong pinagsiklop ang palad namin

Tumingin ako sakanya. Nakita kong naka ngiti lang ito sa akin. Para bang enjoy na enjoy nito ang paghawak sa kamay ko

Enebe! Kenekeleg ne eke!

Parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Parang nakikipag karera sa bilis

Nang bumukas ang pinto. Agad na bumungad sa amin ang parking lot. Nauna itong lumabas at dahil hawak niya ang kamay ko. Napasunod nalang ako sakanya

Nang makarating kami sa puting luxury nitong sasakyan. Binitawan nito ang kamay ko at binuksan ang pinto ng passenger seat

Ngumiti ako at nagpasalamat "Thanks" pagpapasalamat ko bago pumasok

Tumango at ngumiti lang ito bago umikot papunta sa driver seat. In-start nito ang engine ng sasakyan at naramdaman ko nalang na umaandar na ito

"Saan tayo pupunta?"

Napasimangot ako ng hindi niya ako sinagot. Seryoso lang itong nakatingin sa daan

Ayan nanaman siya. Bakit ba ang hilig niyang hindi sagutin ang mga tanong ko!?

Nakakainis!

Tumingin nalang ako sa labas ng sasakyan. Nakita ko ang trapiko at makakapal na usok mula sa labas

My Secret Romance [R+18] (on-going) Onde histórias criam vida. Descubra agora