Chapter 6

975 98 8
                                    

Chapter 6

PAANO SIYA NAKA PASOK SA apartment ko? At bakit siya nandito?

Jusko po! Ito na nga ba sinasabi ko! Mawawalan naba ako ng trabaho? Tatanggalin niya na ba ako?--- iisipin ko palang maiiyak na ako.

Paano nalang ako? Paano na ang buhay ko? Saan ako kukuha ng pera? Mang kidnap kaya ako tapos hingian ko ng milyong pera?--- pero ayoko makulong.

Wag kang OA Heaven!

Oh baka naman?--- nabitin siya sa ginawa namin?

Hayst! Erase! Erase!

Nakita ko siyang naka upo sa maliit na sofa dito sa sala. Magkacross ang mga binti at braso nito habang malamig ang tingin sa akin

Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi.

Naisipan kong lumapit sakanya at tumayo sa gilid niya "S-sir?"

"Sir paano niyo po nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko--- stalker pala to eh.

"Resume" simpleng sagot nito

Napatango-tango naman ako. Ano bang ginagawa niya dito? "Kumain na po ba kayo sir ipaghahanda kit----" naiwan sa ere ang sasabihin ko ng may maalala--- Wala pala akong stock.  anong ipapakain ko? "Ah ang ibig ko pong sabihin kumain kana lang po sa bahay niyo" sabay ngiti ng matamis

"No need" sabi nito at tumayo. Isinuksok nito sa magkabilang bulsa ng jeans ang ang palad bago humarap sa akin

Huminga muna ito ng malalim bago magsalita "I just want to do this"

Napa kunot noo ako. Ang alin?

Hindi ko na nagawa pang magtanong. Dahil ramdam ko na sa labi ko ang labi nito.

Para naman akong naging bato sa kinakatayuan. Buti nalang at agad din siyang lumayo.

Its just a smack kiss.

'Smack lang? Weak!'

Napapikit ako ng mariin sa naisip.

Nang magkaroon ng distansya ang katawan namin. Ay agad din itong umalis. Narinig ko nalang ang pagbukas at sara ng pinto.

Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan. Anong ibig sabihin non? Pumunta lang siya dito para mahalikan ako? Tapos aalis.

Ano yun? kiss and run?

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang puso. Bakit pag malapit siya bumibilis tibok ng puso ko. May heart desease naba ako? Jusko! Mamamatay na ba ako?

Tinanggal ko ang suot na sapatos. Inumpisahan ko na din tangalin ang office attire ko. At nagpalit ng pantulog

Ang sakit ng katawan ko!

Hihiga na sana ako ng mapansing may paper bag na nakapatong sa plastic na lamesa.

Nilapitan ko ito at tinignan--- ito yung hindi pa nabubuksang pagkain na tira namin kanina ni sir.

Sino nagdala nito?

Napatanga ako ng may marealize---Kaya ba nandito si mr. Walker dahil lang sa hinatidan niya ako ng pagkain na hinihingi ko?

Wow naman. Konti nalang talaga iisipin kona na crush ako ni sir.

Umiling ako at napasintido.

Ito nalang aalmusalin ko bukas. Busog na kasi ako

Bumalik ako sa higaan at nag online ng facebook. Habang nag i-scroll down and up sa facebook nakita kong may nag-add sa akin

Nang tignan ko.

My Secret Romance [R+18] (on-going) Where stories live. Discover now