Chapter 2

1.2K 132 8
                                    

Chapter 2

NAGISING AKO NG MAY NGITI SA mga labi. This is it! pancit. Bumangon ako at dumiretso agad sa CR. Nagsepilyo at naligo lang ako. Im so exited. Nang matapos ay naka tapis lang ang tuwalya na lumabas ako. Wala naman akong ibang kasama maliban sa sarili ko

At dahil sikat na kumpanya ang pagtatrabahuan ko ngayon. Kailangan kong magsuot ng formal attire. Hinanap ko sa bag ang black skirt at white polo na hanggang pulso ang haba. Unisex ito kaya pwedeng pang babae o lalaki. Ibinutones ko ito lahat maliban sa unang butones sa itaas at itinac-in sa skirt

Buti nalang at hindi masyadong nalukot ang mga ito kaya hindi mukang basahan.

Nang matapos ay tinuyo ko ang buhok gamit ang tuwalya. Wala naman kasi akong blower. Pag katapos ay naglagay lang ng kaunting make up sa mukha. Liptint lang saka cheektint. Hindi na ako nagkilay pa dahil natural na makakapal na ang aking kilay.

Nang matapos ay isinuot ko ang flat blackshoes ko na nabili ko lang sa ukay-ukay. Buti nga at matibay pa kahit mura lang. Isinukbit ko din sa kanang balikat ko ang black sling bag ko

6:40 palang pero paalis na ako. Ayokong malate dahil 1st day ko ito. At masyadong traffic ngayon sa daan. Lalo na sa Edsa.  Nilakad ko lang ang paradahan ng jeep dahil sayang ang pera kung mag tatrycicle pa ako. Nang maka sakay ako ay saka ko sinabi kung saan ako baba

MUKHANG MABABALI ANG LEEG ko sa pagtingala. Laglag ang pangang nakalingon ako sa gusali. Grabe. Ilang beses na akong nakadaan dito pero hanggang ngayon mangha pa din ako sa taas nito.

Ang Walker Company ang may pinaka mataas na gusali dito. Kaya naman sobra ang sayang naramdaman ko ng malaman kong natanggap ako bilang secretary ng CEO ng kompanyang ito--- imagine!? School bukol ako nung Highschool. Medyo tumino lang nung nag collage.

"Good morning po manong" bati ko sa guard "manong saan ko po makikita ang headquarters dito?" tanong ko

"Ah. Aplikante po ba kayo ma'am?"

Alanganin akong tumango "Pero m-manong natanggap napo kasi ako"

"Ah. Ma'am kas---"

"Mang Edguardo. Ako napo bahala sakanya" tinig ng isang babae mula sa likod ko. Kaya naman humarap ako sakanya

"Your Heaven Ponselan. Right?"

"O-opo" sagot ko sa babaeng mukhang 50's ang edad

"Im Mariana Cruz" pakilala nito sabay lahad ng kamay nito sa akin. Agad ko naman itong tinanggap at ngumiti "Nice meeting you"

Abot tenga akong ngumiti sakanya "Ikinagagalak ko din pong makilala kayo"

Tumango lang ito "Ako ang dating sekretarya ng CEO pero dahil magreresign na ako ikaw na ang papalit sa puwesto ko"

"Halika. Ituturo ko sa'yo kung saan ka nararapat" at nag-umpisa itong maglakad. Sumunod naman ako agad sakanya. Nang pumasok siya sa elevetor ay pumasok din ako

Pinindot nito ng ika-tatlongput-pitong palabag. Umabot din ng ilang minuto ang pagtayo namin doon---

Nag tumunog ang elevator senyales na nandoon na kami sa naturang palapag. Agad na lumabas si--- napangiwi ako ng hindi ko alam kong ano ang itatawag sakanya. Should i call her Miss?  Or Missis?. Madame nalang para sosyal--- madame Cruz.

Walang ibang tao dito maliban sa aming dalawa. Wala ding mga trabahante

"As you can see. This floor is only for secretary and the CEO. Ayaw ni Mr. Walker sa ma-tao kaya ipinahiwalay niya ang office niya"

Naglakad ito sa kaliwang bahagi kung saan mayroong desktop. Sa ibabaw nito ay isang set ng computer at sa harap nito ay swivel chair. "Dito ang puwesto mo. Kailangan nandito ka palagi incase na tawagin ka ni Mr. Walker"

Tumango-tango naman ako

Itinuro nito ang intercom. "Iyan naman ang gagamitin mo. Kung sakaling may taong personal na kakausap sakanya. Iyan ang gagamitin mong pang contact"

"Opo"

"At iyon" turo nito sa tinted glass door mula sa kanan "duon ang office ni Mr. Walker" malawak ito--- ano kayang itsura nito sa loob? "And you dont have rights to enter there without his permission"

"O-opo" sagot ko

Ngumiti ito nagpaalam "Well, since naituro  ko naman na sa iyo lahat. I think, I should go"

Aalis na sana ito pero may tanong kasi ako eh--- "A-ah madame Cruz may itatanong lang po sana ako" alanganin kong tanong

"Sure, what is it?"

"Nandito na po ba si Mr. Walker?"

Tumango ito "Yes, actually. Hes already inside. Mag abang-abang ka lang. Maya-maya tatawagin kana niya"

Ngumiti ako at tumango "S-sige po salamat"

Ngumiti lang din ito bago tumalikod.

Ako naman ay inilibot ang paningin sa silid. Grabe napakaganda dito--- ibang klase. Salamin ang ding-ding nito kaya naman kitang-kita ang trapiko mula sa labas.

Walang ibang gamit kundi air-conditioner sa bawat sulok. Kaya naman pala napakalamig.

Dahan-dahan akong umupo sa upuan ko. In-onn ko din ang computer. May napansin din akong tambak na xerox copy sa gilid ko. Siguro ito yung mga kailangan kong aralin--- pero bat ang dami naman ata? Kakaumpisa ko palang pero ganito na agad kakapal.

"Miss Ponselan come to my office now" napaiktad ako sa gulat ng may mag salita mula sa intercom--- si Mr. Walker!

Agad kong inayos ang sarili ko at dumiretso sa pinto nito. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.

Agad na nangunot sa ilong ko ang matapang nitong pabango--- matanda na pero ang tapang padin ng pabango. Amoy babaero

"S-sir?" tawag ko dahil nakatalikod ito saakin. Nakaharap ito sa salamin na ding-ding na tanaw ang mga sasakyan mula sa ibaba. May hawak din itong cellphone. Mukhang may kausap

Infairness, mukha pang binata ang katawan ni Mr. Walker. Matitipuno padin. Mahaba din ang mga bias nito.

Sa pagkaka-alam ko kasi matanda na daw ang CEO ng Walker company. Pamilyado nadin--- ayon ito sa mga chismis na naririnig ko

"Okay. I'll call you later" narinig ko paalam nito bago humarap saakin

"So, your Heaven Ponselan. My new secretary?" tanong nito at tinignan ako from head to toe, bago ngumisi.

Nanigas naman ako sa kinakatayuan ko. Nanlalaki ang mata at lalag ang pangang nakatingin sa kanya

Anak ng tinapa!

Peste! Saan ang matanda diyan!? Saan ang pamilyado!? Ohmygod. Bakit isang napaka guwapong nilalang ang nasa harap ko? black messy hair. Long curl eyelashes. Thick eyebrows. Pointed nose. Napalunok ako ng tumungo ang paningin ko sa hugis puso at natural na mapupulang labi nito. Nahiya naman ang tigyawat ko sa noo ng makitang makinis ang pagmumukha nito.

Natauhan lang ako ng gumalaw ito papalapit saakin

Napalunok naman ako at dahan-dahang tumango. Bakas padin sa mukha ko ang pagka bigla "O-opo ako nga po. Do you need anything Sir?" tanong ko

Matagal itong nakatitig sa akin bago sumagot.

"Yes, I need you---"

Sagot nito na nagpabilis sa tibok ng puso ko. W-what!? Ano daw?

"S-sir?"

s e x y g r a s y a

My Secret Romance [R+18] (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon