Chapter 18

701 42 2
                                    

Chapter 18

KINABUKASAN. MAAGA AKONG NAGISING dahil ngayon nalang ulit ako makakapasok sa trabaho

"Good morning mang Edguardo " bati ko doon sa guard na pinagtanungan ko dati

Ngumiti ito at binati din ako "Magandang umaga din po ma'am"

Tumango ako at masayang tinungo ang elevator. Nakita kong puno ito kaya naman siksikan sa loob--- nakakaloka naman siksikan nanga sa bus. Pati ba naman dito?

Laking pasasalamat ko ng ako nalang ang matira sa elevator. Sa wakas nakahinga din ng maluwag

Nang makarating ako. Agad kong itinuon ang sarili sa pag tatrabaho. Natambak ang trabaho ko dahil tatlong araw akong nawala

Kaya naman ng matapos halos malanta ang katawan ko sa pagod

Pumikit ako habang hiinihilot ang balikat ko at inunat ang likod. Inikot ko din ang ulo ko dahil naramdaman ko ang pagka-ngalay ang leeg ko

Napadilat ako ng maramdamang may nakatitig sa akin. Nagulat ako ng makita ko sa harao ko si mr. Walker at mainit ang matang nakatitig sa akin

Agad akong umupo ng tuwid "S-sir"

Napa kunot ang noo ko ng bumaba ang tingin nito sa dibdib ko. Nakita kong tumaas baba ang adams aple nito at nag-iwas ng tingin

Tumikhim muna ito bago nagsalita "P-pwede bang ayusin mo yang suot mo" parang may naka bara sa lalamuna nito "N-nakikita na kasi yung straps ng b-bra mo"

Nanlalaki ang matang napatingin ako sa dipdip ko

Anak ng tinola!

Ngayon ko lang napansin na hindi na pala nakabotones ang dalawa sa itaas. Kaya naman kitang kita ang kulay pink na straps ng bra ko!--- aguyy nakakahiya!

Siguro sa kakahilot ko ito kaya natanggal. Agad ko itong binutones at nahihiyang nag angat ng tingin kay mr. Walaker

Nakita kong namumula ang mukha nito habang sa ibang direksyon nakatingin

"P-pasensya po sir" nakayuko kong paumanhin

"A-ah... Nga pala sir. Natapos ko na po pala yung presentation para sa meeting mamaya. Sinave ko nadin po sa power point. Saka yung kay mr. Miller na---"

"Cancel all my meetings today"

"P-po?" nagtataka kong tanong "P-pero sir bawal niyong i-cancel ang meeting kay mr. Miller mahirap po makasingit sa schedule niya. Ngayong araw lang pwede"

Huminga ito ng malalim "Fine. Kay mr. Miller lang and cancel the rest"

"O-okay po"

"Anong oras ba ang meeting kay mr. Miller?" tanong nito

Tinignan ko naman ang inayos kong schedule "9:45 morning po"

Tinignan ko ang oras sa wrist watch ko 9:30 na pala!

"S-sir 15 minutes nalang po before the meeting"

Tumango lang ito. Bago umalis

Agad ko namang inayos ang mga presentation kay mr. Miller. Nang maayos. Dali-dali akong sumunod sa likod nito. Buti nalang at naabutan ko pa siya--- bwisit talagang manliligaw to! Pero kailangan kong maging professional ngayon. Bawal ang ligaw-ligaw sa trabaho

Nang makapasok kami sa elevator. Napasimangot ako dahil para namang may social distancing sa amin dahil nasa magkabilang dulo kami. Napalunok ako dahil masyadong tahimik. Awkward

"How's your father?" pagbabasag niya sa katahimikan

"A-ah... Okay naman po. Sa susunod na linggo na ang operasyon"

Tumango ito "Good"

Nang bumukas ang pinto. Agad kaming dumiretso sa conference room. Marami kaming naka salubong na trabahanteng panay ang tingin kay mr. Walker. Tila sila kinikilig--- mga hangal! Akin lang siya!

Hindi ko napansin na huminto na pala si mr. Walker. Kaya naman nabangga ako sa matigas nitong likod--- anak ng bulok na itlog! Buti nalang hindi ko nabitawan ang hawak kong attache case

Masama ko itong tinignan. Nakita kong ngumisi lang ito bago hinawakan ang kanan kong kamay

Napasinghap ako sa gulat. Pati na din ang mga trabahante--- avemaria!

"S-sir..."

Narinig kong mas lalong lumakas ang bulungan ng mga nagtatrbaho--- Mga chismosang palaka!

Hindi niya ako pinansin. Muli itong naglakad kaya naman napasama na din ako dahil hawak niya ang kamay ko. Sa buong paglalakad parang mauubusan ako ng hininga. Ang lakas din ng tibok ng puso ko para bang lalabas na

Saka niya lang binitawan ang kamay ko ng makapasok kami sa conference room

Matatalim ang matang tinignan ko siya "Bakit mo hinawakan ang kamay ko!?"

Masaya itong ngumiti "Para malaman nila na may asawa na ako"

"Asawa!? Anong asawa? Hindi pa nga kita sinasagot. Asawa agad!?" sigaw ko sakanya

Pero imbes na makonsenya mas lalong lumawak ang ngisi nito "Dun din naman tayo didiretso. Pinaaga ko lang"

"Letse ka!"

"I miss you too"

Inirapan ko lang siya. Buti nalang at kaming dalawa palang ang nandito

Inilapag ko muna sa pahabang lahesa ang attache case bago umupo sa gilid

Sakto namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang--- siguro mga nasa 50s ng lalaki naka formal attire. Sa likod naman nito ay isang babaeng nakasuot ng tulad ko. Siguro siya ang sekretarya niya din

Akala ko sila lang pero meron pang isang babae na pumasok

Maganda ito matangkad. Blond ang buhok at may pagkakulot sa dulo. Sopistikada--- halatang anak mayaman

Tumayo ako "Good morning Sir" bati ko at bahagyang yumuko

Tumango ito at ngumiti "Good morning"

Natulala ako ng ngumiti ito sa akin. Hindi ko alam pero parang may humaplos sa puso ko. Parang nadagdagan ang kulang sa akin--- ano ba yan!

Ano ba itong nararamdaman ko! Imposible namang ma-love at first sight ako sakanya. Jusko po! Kahit kailan hindi ko hinangad na magkaroon ng sugar daddy!

Ang Miller ang may ari ng pinaka malaking hospital dito sa QC Doon din naka confine ngayon si tatay. Duon kasi ang may magagaling na doktor. At sigurado akong magagamot ng maayos doon si tatay

Hindi ko napansin na naka upo na pala si mr. Miller sa kanang bahagi ng pahabang lamesa. Katabi nito ang babaeng sopistikada

"By the way. This is Amanda, my daughter" pagpapakilala nito sa katabing babae

Tumayo ang babae at naglahad ng kamay kay mr. Walker "Amanda Miller"

Seryoso itong tumango "Lock Covid Walker, The CEO of this company"

Saglit lang silang nag kamayan

Napakunot ang noo ko ng may malala--- Amanda? Pamilyar sa akin ang pangalan niya. Saan ko na nga ba narinig yun?

Nakalimutan ko na.

Tinignan ko ulit yung Amanda ganon din si mr. Miller . Hindi ko alam kung malabo ba talaga ang mata ko o assumera lang talaga ako

Kamukha kasi ni Amanda si kuya Damon--- tsk! Nababaliw ka na Heaven!

Kailangan ko na ata mag pasalamin

s e x y g r a s y a

My Secret Romance [R+18] (on-going) Where stories live. Discover now