Chapter 17

723 46 2
                                    

Chapter 17

"TALAGA!?" HINDI AKO MAKAPANIWALANG nakita niya na ang tunay niyang ama

Napakamot ito sa ulo "Ang totoo niyan, Hindi ako sigurado kung siya nga ang tunay kong ama. Ang sabi lang ni sister Sisa, hindi lang daw ako basta iniwan sa bahay ampunan. May lalaki daw na may nagdala sa akin doon" sabi nito "Sabi ko na nga ba. Heaven, nararamdaman kong buhay pa ang ama ko"

May kislap ng kasiyahan ang mga mata nito habang sinasabi ang mga salitang iyon

Ngumiti ako sakanya "Masaya ako para sayo"

Nangunot ang noo nito "Masaya ka ba talaga?"

"Ano ka ba! Oo naman. Masaya ako na makikilala mo na din ang tunay mong ama"

Ngumiti ito at nagpasalamat "Salamat, By the way, ano palang ginagawa mo dito?" tanong nito

Yumuko ako "Si tatay ko kasi, inatake sa puso" malungkot kong pahayag

Nagulat ako ng yumuko ito at iniharap ang mukha niya sa mukha ko "Wag ka ng malungkot, Ang pangit mo pa naman pag nakasimangot. Kamuka mo na yung patong alaga  nila sister Sisa sa likod ng bahay ampunan"

Mas lalo naman akong napasimangot "Letse ka!"

Tumawa ito at ginulo nanaman ang buhok ko--- kung putulin ko kaya braso niya!

"Ano ba! lagi mo nalang ginugulo buhok ko!" irita kong sabi at muling inayos ito

"Gusto mo bang samahan kita sa tatay mo?" tanong nito

"Paano yung paghahanap mo sa tatay mo?" balik tanong ko "Hindi ba sabi mo nakita mo na siya?"

"Pwede namang sa susunod na araw nalang. At saka madami pa akong katanungan kay sister Sisa"

Ngumiti ako at dahan-dahang tumango "Sige, ikaw bahala"

Tumango ito at nag-umpisa ng maglakad. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapangiti. Masaya ako dahil mahahanap niya na ang tunay niyang ama

Napaisip tuloy ako kung sino ba talaga ang tunay niyang ama

Huminga ako ng malalim ng bumalik nanaman ang ala-ala ko noong sinabi ni kuya na hindi talaga ako tunay na Ponselan

Nang makitang malapit na kami sa room ni tatay. Nauna na ako kay Ian. Akma ko na itong bubuksan ng mag ring ng telepono ni Ian

Kumunot ang noo nito at kinapa ang cellphone sa bulsa "Wait, sasagutin ko lang"

Tumango lang ako

Sinagot nito ang telepono at bahagyang tumalikod "Yes? Ako nga po"

Nandoon lang ako nakatayo sa pinto hawak-hawak ang door knob. Habang nakatingin kay iyan na kunot na kunot ang noo

"What!?"

Napakunot ang noo ko ng biglang namutla ang mukha nito "S-sige sige. P-papunta na ako" sabi nito bago pinatay ang telepono

Humarap ito sa akin. Nagtataka akong napatingin sakanya "A-anong nangyari?" tanong ko

"H-heaven, pasensya na pero. I need to go. Naaksidente sila mommy at daddy. N-nasa Romero Hospital sila ngayon malapit sa QC" nag-aalalang sabi nito

"Sasamahan na kita"

"No!" nagulat ako ng bigla niya akong sigawan "kailangan ka ng tatay mo. K-kaya ko ng mag-isa"

"S-sige. Mag-iingat ka"

Tumango lang ito bago tumalikod

Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Kahit naman hindi sila ang tunay na magulang ni Ian. Sila pa din ang tumayong ina at ama sakanya

Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Bubuksan ko na sana ng may marinig akong nagtatalo mula sa loob

At dahil umiral nanaman ang pagkachismosa ko. Hindi ko muna ito binuksan at mas lalong inilapit ang tenga mula sa pinto

"---hindi mo dapat sinabi yun Damon!" teka? Si tatay? Gising na siya!

"Pero tay kailangan niya ng malaman!"

Napakunot ang noo ko. Sinong pinag-uusapa nila?

"Wala na siyang dapat pang nalaman Damon" malamig nitong tugon

"Hanggang kailan tayo manloloko ng tao tay!? Hindi ko na kayang maglihim tay. Hindi na ako maka tulog ng maasyos tuwing gabi! Dahil tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Naaalala ko ang mga pagkakamaling ginawa mo!" sigaw nito kay tatay--- ano bang nangyayari"Tay. Hindi dapat si Amanda ang nasa mga magulang ni Heaven. Paano mo nagawang---"

"Wala kang alam! Wala kang alam Damon!" pag putol ni tatay sa sasabihin ni kuya Damon "Sa tingin mo ba gagawin ko yun ng walang malalim na dahilan!?"

"Kahit na tay. At dahil sa mga kasinungalingang ginawa mo. Mas lalong gumulo ang sitwasyon" matabang na pahayag ni kuya Damon

Naramdaman ko nalang na may mga yapak ng paa na papunta sa pinto. Lalayo na sana ako, kaso huli na ang lahat.

Bumukas ang pinto at bumungad saakin ang malamig na tingin ni kuya Damon. Nang makita niya akong nakatayo sa harap niya. Nanlaki ang pares ng mata nito at Unti-unting naging kulay suka ang mukha

"H-heaven? K-kanina ka pa ba nandiyan?"

Dahan-dahan akong tumango "O-oo"

Mas lalong namutla ang mukha nito "N-narinig mo ba?"

"K-konti"

Huminga ito ng malalim at tumingin ng masama sa akin bago ako tuluyang lagpasan

Para nanaman akong maiiyak. Yumuko nalang ako at tinungo ang lamesang malapit kay tatay. Inilapag ko dito ang pagkain at inayos

Nakita ko naman si tatay na naka sandal sa head board ng hospital bed habang naka upo

Lumapit ako sakanta at inaya "T-tay kain na po" sabi ko at inilapag ang tray sa gilid niya

Malamig lang itong nakatitig sa akin

"Hindi ka ba mag tatanong"

Huminga ako ng malalim "Pag nag tanong po ba ako sasagutin niyo?"

Umiwas ito ng tingin bago dahan-dahang umiling "Hindi"

Palihim akong napa-irap. Minsan talaga iniisip ko na dapat hindi dito dinala si tatay. Dapat sa mental Hospital

Tsk! "Kumain kana po"

Kinuha nito ang binili kong pagkain at nagumpisang sumubo. Pinapa nood ko lang siya habang kumakain.

"Alam mo ba tay, kahit na ganyan ka. Kahit na lagi mo akong sinisigawan. Kahit na lagi mo akong tinataboy. Mahal na mahal pa din kita. Ikaw lang ang itinuring kong tunay na ama" huminga ako ng malalim at pinigil na pigil ang mapa luha "Sayo ko naramdaman ang pagkukulang ng tunay kong ama. Hindi ka naman ganyan dati. Nag-iba ka lang simula nung mamatay si nanay"

Hindi ako nito pinansin. Parang wala nga itong naririnig eh. Baliw na nga ata talaga si tatay O talagang ayaw niya lang ang pinag-uusapan namin

Huminga ulit ako ng malalim bago tumayo "Uuwi po muna ako sa appartment ko Tay.  Tatlong araw na po akong hindi pumapasok sa trabaho kaya kailangan ko ng pumasok bukas" pag papa-alam ko "Wag po kayong mag-alala. Pupuntahan po kayo mamaya dito ni kuya Damon. Siya muna ang magbabantay habang wala ako"

Tumango lang ito. At muling pinagpatuloy ang pag-kain

Tinignan ko muna siyang maigi bago tumalikod at naglakad papuntang pinto. Binuksan ko ito at lumabas. Tinignan ko muna ito bago muling isinara ang pinto

Huminga ulit ako ng malalim at nag-umpisa ng mag lakad

Wala ba talaga silang balak sabihin sakin ang totoo?

s e x y g r a s y a

My Secret Romance [R+18] (on-going) Where stories live. Discover now