Chapter 13

798 56 0
                                    

Chapter 13

SAKTONG 6:00 O'CLOCK AKO SINUNDO NI IAN.

Kanina hindi na ako sumama pa kay mr. Walker--- naiinis ako sakanya! Kaya naman pagkatapos ng pangyayaring yung agad na akong lumabas at iniwan siya. Ang akala ko nga hahabulin niya ako--- pero akala ko lang ulit yun

Kasi hindi niya na ako hinabol pa!

Nandito na kami ngayon sa graden ng mansyon ng mga Tores. Ang napang-asawa ni mrs. Leana Walker na itinuturing na ina't ama ni Ian.

Ngayon na ang selebrasyon ng kaarawan ng pamangkin nila. Iba talaga ang mayayaman ang ganda kasi ng pagkaka-organize nito. Mukha talagang pinaghandaan ng mabuti. Napupuno ng hello kitty balloons ang bawat kanto. Marami na ding taong nagsisidatingan. Mukhang mga angat din sa buhay--- nako! Mukhang ma o-OP ko dito

Sa tanang buhay ko hindi pa ako nakakadanas ng ganito kagarbong selebrasyon. Nung nag 18th birthday nga ako simpleng handaan lang. Wala pa akong 18 roses, 18 candles wala ding 18 cupcakes. Isang salo-salo lang. Pero isa iyon sa pinaka masayang nangyari sa buhay ko. Kasi naramdaman kong kompleto ako. Na wala akong paki kahit wala akong handa basta buo ang pamilya ayus na sa akin.

"Lalim ng iniisip mo ah. Mukhang nakakalunod"

Sabi nito habang hawak-hawak ang isang plato na may lamang oreo na biscuit

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinasamahan ka. Hindi ba sinabi ko naman sayo. Kargo kita kaya hindi ka ma-a-out of place. Kasama mo ako" sabi nito sabay subo ng oreo--- wala ba siyang balak mag-aya?

Napairap naman ako

"Ano bang iniisip mo? Ipapaalala ko lang sayo. Birthday ito hindi lamay. Mukha ka kasing namatayan"

Napasimangot naman ako "Wala! namamangha lang ako. Kasi sa buong pamumuhay ko dito sa ibabaw ng lupa. Hindi pa ako nakakaranas ng ganito"

Sumubo ulit muna ito bago nagsalita "Alam mo. Ako din naman hindi nakaranas ng ganitong silebrasyon. Limang taon ako nung inampon ako ng mga Torres. Kahit naman mayaman ang umampon sa akin. Ayokong abusuhin iyon. Kaya hindi ako humiling ng ganitong okasyon. At sa loob ng limang taon na iyon. Kahit isang segundo lang hindi ko nasilayan ang totoo kong mga magulang. Sabi ni sister Sarah nakita lang daw ako sa harap ng bahay ampunan. Kaya simula noon sila na ang tinuring kong pamilya"

Malungkot itong ngumiti at sumubo ulit ng oreo--- iniinggit niya ba ako?

May mas nakakalungkot pa pala sa buhay ko. Atleast ako nakilala ko pa ang tunay kong ina. Pero siya ama at ina niya ang hindi nasilayan

"Mas masaya pa pala ang buhay ko kesa sayo. Pwede nang pang MMK ang buhay mo" biro ko

He chuckled

Ginulo din nito ang buhok --- ayan nanaman siya sa pag gulo ng buhok

Tinignan ko siya ng masama "Sabi ng wag mong ginugulo ang buhok ko!"

Inayos ko naman ang buhok ko--- mamaya mukha nanaman itong pugad ng ibon.

Nakita kong kumuha ulit ito ng oreo. Ano ba yan! Tinignan ko siya ng masama "Hoy! Wala ka ba talagang balak mamigay!?"

Tumingin ito saakin habang hawak ang oreo "paano ba yan. Isa nalang ito" sabi nito sabay angat

My Secret Romance [R+18] (on-going) Where stories live. Discover now