Chapter 10

900 76 1
                                    

Chapter 10

HINDI NA AKO NAKATULOG SIMULA PA KAGABI.

Kaya naman sabog ako kinaumagahan. Nakahiga lang ako dito sa kama kong matigas at hanggang ngayon mulat na mulat parin ang mata ko.

Hindi mawala sa isip ko ang pangyayari kagabi.

Tama ba yung ginawa ko? Tama bang papasukin ko siya sa buhay ko?

Kagabi wala kaming ginawa kundi ang mag-usap. Hindi pa naman kami officially in a relationship. Ang sabi ko ligawan niya muna ako--- Aba! Siniswerte siya kung kami agad. Dapat paghirapan niya din ang pag-ibig ko.

Tumayo na ako at bahagya pang napatumba--- Ikaw ba naman hindi matulog ng buong gabi. Ang sakit sa ulo.

Niligpit ko lang ang higaan ko at dumiretso na sa banyo. Nagsepilyo lang ako at nag half bath para mawala ang sakit ng ulo.

Pagkatapos ay naghanda na ako ng almusal para sa sarili.

Fried rice at scrubled egg lang. Buti nanga lang may stock na ako ngayon. Siempre pinang grocery ko yung kinotong ko kay Ian

Ooppsss... Speaking of Ian! Ngayon pala yung birthday ng pamangkin niya!

Mamaya pa naman siguro iyon.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagaalmusal ng biglang may kumatok sa pinto--- nako naman ka aga-aga!

Ibinaba ko muna ang hawak kong kubyertos bago tumungo sa pinto.

Nagulat ako ng kung sino ang kumatok "Ian?!"

Nakangisi itong humarap saakin "Good morning"

"Ang aga mo naman" reklamo ko

Napangiwi ito "Kahit kailan talaga. Lagi ka nalang reklamo"

Napairap ako "haler! Alas otso palang ng umaga uy!"

"Yeah. Gusto ko lang sana magpasama"

Napa kunot noo naman ako "saan?"

Napakamot ito sa ulo "sa mall sana. Gusto kong bilhan ng regalo si Kate"

"Yung pamangkin ko 7th birthday niya ngayon"

"Bakit kita sasamahan?"

Napamaang naman ito "bakit ba ang dami mong tanong?!"

Napasimangot naman ako "masama bang magtanong?"

Huminga ito ng malalim at kinalma ang sarili "Please... samahan mo na ako" pagmamaka-awa nito. Nagpuppy eyes pa. Mukha na talaga siyang aso.

"Sasamahan kita sa isang kondisyon" sabi ko ng may maisip na idea

Nagliwanag naman ang mukha nito "sige kahit na ano"

"Sasamahan kita basta ililibre mo ako ng ibat-ibang pagkain?" sabi ko ng abot tenga ang ngiti

Napailing naman ito "Once the philosopher Heaven said 'libre' alam na this"

Tsk! "Kung ayaw mo edi wag" isasarado ko na sana ang pinto ng pigilan niya ako

"Okay fine"

Napangiting tagumpay naman ako. Niluwagan ko ang pinto at pinapasok siya.

"Hintayin mo ako maliligo lang ako" sabi ko bago tinungo ang lamesa at niligpit ang pagkain--- magpapalibre nalang ako sakanya ng almusal.

Pagkatapos ay tinungo ko ang kwarto para kumuha ng tuwalya at damit sa cr na ako magbibihis--- nakakahiya naman kung dadaan pa ako sa sala ng naka tapis.

My Secret Romance [R+18] (on-going) Kde žijí příběhy. Začni objevovat