Chapter 8

931 79 11
                                    

Chapter 8

BAKIT NIYA AKO INIIRAP-IRAPAN? Kung hugutin ko kaya eyeballs niya. Umiinit talaga ang dugo ko sa bigboobs na iyon

I sigh a deep one--- i dont care about her anyway.

Itinuon ko na lamang ulit ang sarili sa pagtatrabaho.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ng may tumawag sa akin "Miss Ponselan to my office now"

Napa-igtad pa ako sa gulat ---hobby niya siguro mang-gulat

Pinindot ko ito bago nag salita "cum--" tumikhim ako "coming sir"

Inayos ko muna ang papel sa lamesa bago tinungo ang office nito. Ano nanaman kaya ang sasabihin niya--- bahala siya

Kinatok ko muna ang pinto ng tatlong beses "do you want to build a snowman~~~" pagkanta ko bago pumasok

Bumungad agad sa akin ang kunot na kunot na noo ni mr. Walker. Parang sa isip nito ay tinatadtad na ako. Naka upo ito sa swivel chair at sa harap nito ang laptop. Sa gilid naman ang tambak na xerox copy

Napalunok naman ako sa init ng tingin nito.

"What the hell are you doing?" kunot noo parin nitong tanong

"Singing?"

"What!?" mas lalo itong nairita "Singing?"

Tumango ako at alanganing ngumiti "opo yung kanta ni Ana sa Frozen 'Do you want to build a snowman~~"

Napangiwi ako ng mas lalong naging galit ang itsura nito. Mukha na siyang demonyo--- na gwapo.

"What? Frozen? What are you talking about miss Ponselan!?" ---lagot galit na talaga siya.

Hindi niya alam yung Frozen? "Hindi niyo po alam yun sir? Hindi niyo pa po ba napapanood yun?" tanong ko. Nagliwanag naman ang mukha ko ng may naalala "Ah sir! Meron po akong full movie nun sa phone. Gusto niyo magpapasa?"

Ngayon ko lang napansin na nakatunganga na pala sa akin si mr. Walker. Napasintido rin ito at pumikit ng mariin na parang kinakalma ang sarili. Parang pinipigilan niya ang sarili niyang magalit

Bat siya magagalit? Siya nanga itong papasahan ko!

Umiling ito bago kinuha ang folder sa gilid at inabot sa akin "Here. Read it. I need it tomorrow morning"

Tumango ako at tinanggap ito "Okay po"

Aalis na sana ako ng bigla siyang magsalita "Ah miss Ponselan"

Kunot noo akong humarap sakanya. Nakita kong tila alanganin nitong sabihin ang saloobin

Tumikhim muna ito "About Kiana?" nag-iwas ito ng tingin "Im not the first who kissed her" paliwanag nito "Ahm... Its just--- Ahh... Friendly kiss?" ---alanganin nitong sagot

Friendly kiss pero wild. Palusot mo bulok!

Huminga ako ng malalim. Bakit ba siya nagpapaliwanag?

Tumango-tango ako "Okay lang po sir"

Gulat itong napatingin sa akin "Okay lang? Are you sure?"

"O-opo. Wala naman po iyon sa akin. Hindi niyo naman po ako kasintahan. Sekretarya niyo lang po ako kaya wala po akong karapatang humusga" paliwanag ko

"So, you dont like me?"

Nanlalaki ang matang napatingin ako sakanya--- ang prangka naman nito "P-po?"

My Secret Romance [R+18] (on-going) Where stories live. Discover now