Chapter 12

844 66 3
                                    

Chapter 12

HINDI AKO MAKAGALAW SA KINAUUPUAN. Kanina pa tahimik ang loob ng sasakyan. Hindi ko alam pero parang nilagyan ng shoe glue ang bibig ko.

Hanggang sa makarating kami kung saan ba talaga ako dadalhin ng hayop na ito

Huminto ang sasakyan sa isang thai restaurant

Napakunot naman ang noo ko "anong gagawin natin dito?" --- sa wakas nakapag salita nadin ako

"Ano bang ginagawa sa retaurant?"--- Aba! Aba! pilosopong nilalang!

Napairap ako "Ayoko sa restaurant masyadong mahal ang gastusin diyan. Saka di nakakabusog"

"Saan mo gusto"

Nanliwanag ang mukha ko "Marunong ka ba magluto?"

Tumango ito "Yeah"

"Yun naman pala! Mag grocery nalang tayo para tipid. Ikaw nalang magluto"

Napaisip naman ito at napa tango "Well, that's a good idea"

Napa palakpak pa ako sa tuwa

I heard him chuckled "childish"

Narinig ko yung bulong niya pero diko na sinita--- totoo naman

Umandar ang sasakyan at huminto sa tapat ng super market. Ipinark niya muna ang sasakyan bago bumaba.

Hindi muna ako bumaba kasi akala ko pagbubuksan niya ako ng pinto--- pero akala ko lang pala!

Peste talaga! Ano bang klaseng panliligaw ang ginagawa niya?

Padabog akong lumabas. Kaya napalingon siya saakin "Tara na" aya nito--- bwisit nato!

Napairap ako at nauna ng pumasok

"Hey! Are you mad?" habol nito

Diko siya pinansin. Akala ko kukulitin niya ako tulad ng iba na kapag nagagalit ang nililigawan ay susuyuin

Pero siya hindi! Nakita kong nakasunod lang siya sa akin na parang hindi alam ang gagawin.

Dumiretso nalang ako sa Grocey store at kumuha ng push cart

"Anong lulutuin natin?" tanong ko at lumingon sakanya

Hindi siya sumagot tahimik lang siya na nakasunod saakin --- pipi ba siya!?

Naghihimugto ako sa galit--- ano bang klaseng manliligaw siya!?

Dumiretso ako sa meat section. Namili ako ng manok. Adobo nalang siguro ang ipapaluto ko sakanya. Mas nasasarapan ako sa Filipino dishes. Kaysa sa iba

Dapat nating itaas ang bandara ng Pilipino.

Pag katapos ay kumuha na din ako ng mga pang rekado. Patatas, suka, toyo, magic sarap at iba pa...

Habang isa-isa ko itong kinukuha. Napansin kong may mga nagkukumpulang babae sa gilid habang nakatingin kay mr. Walker

"Ang guwapo niya sizzy"

"Single ba siya?"

"I think 'yes' he's single. Mukha namang katulong yung kasama niya"

Naririnig kong mga chikahan nila. Mga lapastangan! Paano nila na atim na tawagin akong katulong!?

Tinignan ko ang sarili ko--- mukha ba akong katulong sa suot na black pants at white blouse?

My Secret Romance [R+18] (on-going) Where stories live. Discover now