Chapter 3

1.1K 122 7
                                    

Chapter 3

"S-SIR?" TANONG KO. ano daw? baka nagkamali lang ako ng dinig

Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin "I mean. I need some water. Yeah water" tumango tango pa ito na parang hindi sigurado sa sagot

Sabi na nga ba! Makapag linis nga ng tenga minsan. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang puso kong naghuhumingalo

Relax heart. Baka ma stroke ka.

"Okay po sir" sabi ko at kumuha ng malinis na baso at nilagyan ito ng malamig na tubig mula sa water despencer

Nakita ko namang nakaupo na ito sa upuan kaya naman sa gilid ko niya ito inilapag "Ito po. Sir"

Ininom niya ito kaya nasilayan ko kung gaano kaperpekto ang panga nito--- Siguro nung umulan ng kaguwapuhan bumaha sakanila kaya sakanya lahat napunta.

Magkasiklop ang palad na nakatayo lang ako sa gilid "M-may kailangan ka pa po ba sir?"

Hinawakan niya ang xerox na nasa harap nito "Sit"

Nalaglag ang panga ko "P-po?"

"Sit"

Bat niya ako pinapa upo? "Po?"

Huminga ito ng malalim at matatalim ang matang tumingin saakin. Pero bago niya pa ako sigawan ay inunahan ko na siya

"Sabi ko nga po sir, uupo na" sabi ko at ngumiti ng matamis sakanya. Bahagya naman itong natulala at natigilan.

"Read this" sabi nito at iniabot saakin ang xerox copy na may kakapalan.

"L-lahat po ito?" tanong ko

"Yes" --- ang kapal naman ng babasahin ko. Tumayo ako ng tuwid at humarap sakanya. Tumikhim muna ako bago inumpisahang magbasa

"Prencentation with Mr. Miller" basa ko sa pamagat. Kunot noo namang napaangat ng tingin sakin si mr. Walker

"Many of their property ---" naiwan sa ere ang sasabihin ko ng bigla ito sumigaw

"What the fuck are you doing woman?!"

Alanganin akong tumingin sakanya "N-nagbabasa sir?" so? Kailangan ba may accent?

Bakit niya ba ako sinigawan?

Hindi ito makapaniwalang naka tingin sa akin "How did you become my secretary?" bulong nito pero narinig ko padin

Nagkibit balikat ako "Hindi ko po alam sir. Hindi po ba kayo ang tumanggap sa akin?"

"Fuck!" napasintido ito "Out" turo nito sa pinto--- napakunot noo naman ako bat niya tinuturo yung pinto? Out ba pangalan nun?

"Sir pinto po yan. Hindi out"

"I said get the fucking out!" sigaw nito na nagpaigtad sa akin

"S-sabi ko nga po" at tuluyan ng lumabas.

Ano bang problema niya? Bakit niya ako sinigawan? Ginawa ko naman sinabi niya--- tsk! Tinotoyo siguro

Nang maka labas ako ay saka ko binasa ang ibinigay niyang xerox copy. Tinignan ko din kung meron siyang schedule ngayong araw

A meron nga 2:20 pm kay Mr. Collins. At pagkatapos nun ay kay Mr. Cox naman 4:15 pm. Ayun lang ang schedule niya ngayong araw.

Habang inaayos ang schedule ni mr. Walker. Nagulat ako ng biglang may magsalita "delivery from Kelly's restaurant ma'am" nakangiting sabi nito at inilagay sa lamesa ko ang ibat-ibang putahe ng pagkain

"Kanino po ito?" tanong ko. Hindi naman kasi ako umorder

May tinignan muna itong listahan bago mag salita

My Secret Romance [R+18] (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon