Chapter 15

764 61 7
                                    

Chapter 15

NASA TRABAHO NA AKO pero hanggang ngayon hindi pa din mawala ang pagkakatawa ko--- Bakit niya naisip na maging boyfriend ko si Ian?

Napailing naman ako. Nung tinanong niya yun sa akin wala akong ibang ginawa kundi ang tumawa. Sobra naman itong nairita sa pag tawa ko. Hindi ko din sinagot ang tanong niya.

Siguro masyado na siyang napikon non kaya naman iniwan niya ako

Masaya ang party. Pero maaga din akong umuwi dahil may trabaho pa ako kinabukasan

Pero bago ako umuwi. Nabalitaan ko na nag e-LBM daw yung uminom ng juice

Akala ko sisigawan at papagalitan ako ni Ian nung nalaman niyang hinaluan ko ng asin at magic sarap ang dapat na inumin nito

Pero nagulat ako ng humagalpak din ito sa tawa. Nagpasalamat pa ito kay Jack. Panay naman ang mura ni Jack. Nagkaroon na ata siya ng phobia sa juice. Kasi simula nun hindi na siya uminom pa

Huminga ako ng malalim bago inayos ang mga papeles na inayos ko.

Tumayo ako at tumungo sa pinto ni mr. Walker kanina ko pa napapansin na parang wala ito sa mood. Nung dumating nga wala man lang pa-good morning

Katulad dati, kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok

Nakita ko namang nakaupo ito sa trono niya at kunot na kunot ang noong nakatingin sa laptop. Mukhang binabasa ata nito ng maigi ang naka tala doon

Hindi din ata nito narinig ang katok at pagpasok ko dahil tutok na tutok ito sa binabasa

Naglakad ako sakanya at pasimpleng sinilip ang binabasa niya. Naningkit ang mata ko

'How... to court...woman?' mahina kong pagbasa mula sa gilid nito

Agad naman nitong sinara ang laptop at nanlalaki ang matang napatingin saakin

"What are you doing!?" parang kulog na sigaw nito

Napatalon naman ako sa gulat. Muntik ko pang nabitawan ang hawak kong papeles

"A-ahh... " hindi ko masabi ang sasabihin ko kaya naman itinaas ko nalang ang hawak kong papeles at ipinakita sakanya

Pero teka--- Bakit pa siya nag se-search sa google ng ganon? Ano bang trip nito? Hindi ba siya marunong nun? Bakla din ba siya?

"Ilapag mo nalang diyan" malamig nitong tugon habang nakaturo sa lamesa

Agad ko naman itong inilapag

"Ah s-sir, bakit po kayo nagsesearch ng 'how to court woman?'" tanong ko

Napapikit ito ng mariin "Out"

Napasimangot naman ako at nakatungong lumabas. May nililigawan pa ba siyang iba maliban saakin?

Minsan iniisip ko. Paano kung hindi talaga siya seryoso sa panliligaw?

Bagsak ang balikat akong umupo sa upuan at naka simangot na itinuon ang tingin sa computer

Sana sinabi niya nalang na hindi niya talaga ako gusto. Sana hindi nalang siya umamin. Sino nga naman ang magkakagusto saakin? Siguro naboboring na siya sa buhay niya kaya naman pinaglalaruan niya ako

Gusto kong maiyak--- bakit ba ako umaasa? Nakakainis siya! Bakit pa siya umamin?! Ginugulo niya lang ako!

"Ma'am may nagpapadeliver po ng flowers para sainyo" sabi nung lalaki habang may hawak na bulaklak

My Secret Romance [R+18] (on-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon