Chapter 14

762 48 2
                                    

Chapter 14

TATAWA-TAWA PA AKO HABANG BINUBUDBUDAN KO NG magic sarap at asin ang juice ni Ian--- alam ko namang dimonyo ako minsan

Nag lagay ako ng dalawang spoon ng asin at isang buong sachet ng magic sarap.

Nang matapos sakto namang pumasok si Helen may hawak itong plastic ng tissue

"I-ito na po ma'am" ngumiti ako sakanya at kinuha ang hawak nitong tissue

"Salamat" pagpapasalamat ko

Pinunasan ko lang ang bibig kong hindi naman basa

"Ahm pwedeng ikaw na magserve kay sir Ian nitong juice" sabi ko sabay angat ng hawak na juice "Helen siguraduhin mo lang na kay Ian mo talaga maibibigay iyan huh" bilin ko

Tumango naman ito "S-sige po ma'am"

Ngumiti naman ako sakanya ng matamis at tumango

Inilagay nito ang juice sa tray at inayos "iseserve ko na po" sabi nito

Tumango lang ako

Nang makita kong nakalabas na siya. Agad ko naman itong sinundan. Para akong ninja kung makatago at makagalaw

Sinusundan ko lang si Hellen. Hanggang sa makarating siya sa Garden. Agad ko nanamang nasilayan ang magarbong okasyon. Nakita kong may clown na sa harap at madami na ring bata--- nagsimula na?

Nakita ko naman si Ian na nadoon pa din sa upuan namin kanina. Tila hinihintay ako. Napatiim bagang nanaman ako ng maalala ang ginawa niya! Lapastangan!

Prenteng naka upo lang si Ian sa upuan. Nakita ko namang iniabot na ni Hellen ang ginawa kong juice kay Ian

Nakita kong tumango si Ian kay Hellen. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti--- malapit na ang aking pagtatagumpay

Naglakad ako patungo kay Ian. Nginitian ko muna si Hellen ng makasalubong.

Napakunot ang noo ko ng hindi pa din nito iniinom ang juice--- tagal naman!

Lumapit na ako sakanya. Nang makita ako nito agad na sumilay ang maladimonyong ngisi nito--- demonyo talaga!

"Ang fresh diba" sabi nito ng nakangisi pa din

Pigil na pigil ko ang sarili ko. Gusto kong iuntog ang ulo niya sa dingding! Gusto kong ingudngod siya sa lupa! Nanggagalaiti talaga ako sa galit!

Inirap ko lang siya at umupo sa tabing upuan nito

"Ang takaw mo kasi" sabi nito

Hindi ko siya pinansin. Napatingin ako sakanya ng mapansing kinuha nito ang basong may laman na juice na ginawa ko--- sige inumin mo

Nakatingin lang ako sakanya. Napaiwas ako ng tingin ng mapansing inamoy muna nito

'Lord sana sa pagkakataon na ito, hayaan niyo naman akong makaganti'

Todo dasal ako na sana hindi nito maamoy ang magic sarap na nilagay ko

Napahinga ako ng maluwag ng hindi nito napansin--- malapit na akong magtagumpay! Iinumin na sana nito ng biglang...

"Dude, painom! Shit! nakakauhaw pala makipaglaro sa mga bata" sabi nung lalaking nakasuot ng clown

Nanlalaki ang mata kong napatingin sakanya--- Owshit!

My Secret Romance [R+18] (on-going) Where stories live. Discover now