Chapter 7

924 79 4
                                    

Chapter 7

HABANG NAGLALAKAD PAUWI SA apartment. Hindi ko maiwasan na isipin yung nangyari kanina. Bakit parang kumikirot yung puso pag iisipin na may girlfriend na siya.

Kung ganon. Bakit niya ako hinalikan kagabi? Bakit niya ako hinatidan ng pagkain?--- ang labo niya naman.

Nang makarating ako 7:45 na ng gabi. Papasok na sana ako sa loob ng may magsalita sa kabilang appartment

"Heaven! Pagsabihan mo nga yung tatay mo na wag na ulit mangulit dito. Naistress ang beauty ko!" maarteng pahayag ni Lavine. Katabi ko sa apartment.

'Eh ikaw?! Pag nag chuchukchakan ba kayo ng kabit mo nagrereklamo ba ako sa ingay niyo!?'

Gusto ko sanang isumbat sakanya pero wag nalang.

"P-po si tatay? Pumunta dito?" anong ginawa niya dito?

Napairap ito sa hangin--- dukutin ko yang eyeballs mo eh!  "Oo nag-iskandalo pa nga. Hinahanap ka kasi kailangan niya daw ng pera. Muka pang lasing"

Sabi nito bago isinara ng malakas ang pito

Nanghihina naman akong nagbukas ng pintuan. Bakit ganon? Pera lang ba ang kailangan sa akin ni tatay? Hindi niya ba alam kung gaano kahirap kumayod para lang may maipanggastos. Tapos siya. Iwawaldas niya lang sa alak. Sa bisyo.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luhang pumatak mula sa mata ko.

Hinubad ko ng sapatos ko at nag palit ng pambahay na damit. Tulad ng naka sanayan.

Agad akong humiga sa kama. Naka ramdam din ako ng pagod.

Wala pa nga akong sahod humihingi na agad si tatay. Huminga ako ng malalim at pumikit. Sa sobra sigurong pagod kaya nakatulog ako agad

NASA OFFICE NA AKO NGAYON habang nakatingin sa pinto ni mr. Walker

Kanina lang pumasok diyan si bigboobs. Ano na kayang ginagawa nila ngayon? Nagchuchukchakan kaya?

Bakit ko ba iniisip yun? Ano bang pake ko? --- pero naiinis talaga ako.

"Miss. Ponselan come to my office now."

Nagulat pa ako sa tawag nito sa intercom.

"Yes sir"

Tumayo ako at inayos ang sarili. Kinapa ko din ang buhok ko kung magulo--- okay naman.

Tumungo ako sa pinto. Kinatok ko ito ng tatlong beses bago dahan-dahang pumasok

Nakita kong todo maka kapit sa braso ni mr. Walker si bigboobs habang naka upo sa mahabang sofa sa mini sala

Napairap naman ako sa hangin--- landeeee!!

"A-ano po yun sir" peste nautal pa ako

Tumingin muna ito sa akin at bahagyang lumayo kay bigboobs "Bring us some coffee"

"Take out or home made?"

"I want take out" sagot no bigboobs--- ikaw ba tinatanong ko?!

Ngumiti ako sakanya. Pero sa isip ko kinakatay ko na siya "Okay"

Sabi ko at lumabas na. Tumungo ako sa telepono para mag pa deliver dito ng kape

Wala pang ilang minuto ay nandito na ang nagdedeliver.

"Ma'am ito napo yung pinapadeliver niyo" sabi nito

Tumango lang ako bago kinuha. Lagyan ko kaya ito ng lason--- wag nalang. baka idemanda pa ako

Dumiretso ako sa pinto ng office. Hindi ko na ito kinatok pa basta nalang ako pumasok--- na agad ko ding pinag sisihan. Dapat pala kumatok muna ako

Nakita ko kasi silang naghahalikan sa sofa. Kulang nalang kumandong si bigboobs kay mr. Walker--- wild.

Parang gusto kong maiyak. Bakit ba ako nasasaktan? Bakit parang tinutusok ng napakaraming karayom ang puso ko?--- ako ata ang may gusto kay mr. Walker

Umiling nalang ako at tumikhim. Kaya nakuha ko ang attention nila itinaas ko ng bahagya ang hawak na kape at ipinakita sakanila "nandito napo yung kape"

Nakita kong medyo nanlaki ang mata ni mr. Walker at bahagya ding namutla. Oh bakit ganyan itsura niya? Natatae ba siya?

Napansin ko din ang pag irap ni bigboobs--- ano? Bitin ka no?! 

Bahagya din akong napa irap

Tumikhim si mr. Walker bago nag salita "Pakilapag nalang diyan"

Inilapag ko ito sa harap nilang lamesa bago umalis. Pero bago pa ako maka labas ng pinto narinig kong may sinabi sa akin si mr. Waker "Miss Ponselan the scene that you saw earlier. Its not what think. Its just nothing"

Narinig ko namang napasinghap si bigboobs "What!?"

Huminga ako ng malalim at lumabas hindi ko na sila pinansin pa. Bakit siya nagpapaliwanag? At saka anong nothing. Nothing. Kitang kita kaya ng mga mata ko na mariin silang naghahalikan--- babaero nga naman.

Umupo ako agad sa upuan at nagsimulang mag trabaho. Nag arrange lang ako ng schedule ngayon ni mr. Walker

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ng makarinig ako ng malakas na pagsara ng pinto.

Napaigtad ako sa gulat. Napatingin ako dito at nakita ko ang galit na mukha ni bigboobs at parang maiiyak na--- pulang pula na ang mukha nito

Napalunok ako ng napagawi sa direksyon ko ang galit niyang mga mata. Akala ko pupuntahan niya ako pero. Inirapan lang ako nito at padabog na umalis

Problema nun?

s e x y g r a s y a

My Secret Romance [R+18] (on-going) Where stories live. Discover now