Epilogue

27.4K 776 165
                                    


Epilogue
_______





Hindi niya inaasahan na sa ganitong pangyayari magwawakas ang lahat. Dahil lamang sa kasakiman ay may kailangan magbuwis nang buhay.

May mga bagay talaga sa buhay natin na hindi natin inaasahan. May nawawala na nagdudulot saatin nang labis na lungkot.

Namumugto ang mga mata niya habang nakatitig sa pangalan na nasa harapan niya. Nalulungkot siya sa sinapit nang isang taong naging malapit na rin sa kanya. Isang taong naging parte nang buhay niya.

"I didn't expect that this would happened." nagawi ang pansin niya sa babaeng tumabi sa kaniya. Nakatingin din ito sa gawi kung saan siya nakatingin kanina. Bumaling na rin ang tingin nito sa kanya. Ngumiti ito nang malungkot.

"How are you? After what happened in La Qizteir I didn't have any information about you."

"Daisy.." yun lang ang tanging lumabas sa kaniyang mga labi.

"Are you happy now?" pagkatapos ay tumingin ito sa kaniyang tiyan. "I guessed you are." ani nito.

"I'm sorry.." panimula niya. "I'm sorry if I didn't even explained my self to you. You've been one of the most important person in my life and I really loved you."

"Before, when my life has been in chaos you're the one who was there. You're the best friend and girlfriend to me. For three years I am very contented with my life for who I am and on our relationship. Hanggang sa dumating siya sa buhay ko. Nagulo lahat, mga plano ko at ang mga bagay na gusto kong makamit. Bigla ay parang hindi ko na alam ang gagawin. Nawala lahat nang nasa plano ko. Napalitan iyon nang mga planong kasama siya. I didn't realized na mahal ko na pala siya. Pilit ko siyang ipinagtatabuyan at mas lalo kong pinausbong ang galit ko sa kanya. Pero hindi ko pala kaya. Biruin mo, kahit na alam kong napaka babaero niya dati nagawa ko pa din siyang mahalin. Kahit na araw-araw ko siyang nakikita na iba-iba ang kasamang babae. Pero pinatunayan niya naman na mahal niya din ako." napangiti siya sa mga alaalang dumaloy sa isipan niya nang mga oras na iyon. Parang kailan lang.


" I know that, hindi niya naman magagawang manakit nang babae kung hindi ka niya mahal eh."


" I'm sorry about that.." sinserong sabi niya.

" It's okay. At least I know na mahal na mahal ka nang taong kasama mo ngayon. Makita lang kitang masaya okay na ako. Oo nakakaramdam ako nang panghihinayang. Nabigla din ako sa mga nalaman ko, pero ano naman ang magagawa ko di ba? You love him and he loves you. Who am I to interfere right?" hinawakan nito ang kaniyang kamay at tinitignan siya sa mga mata." Just always remember that I love you Jam. Masaya ako para sayo. Don't worry pasasaan ba't makakamove on din ako. Hindi man ngayon but I know I will. Just always be happy." nakangiting ani nito.


Natigil lang ito nang biglang may umakbay sa kaniya. Nabaling ang atensyon nila kay Blake na nakakunot nanaman ang noo habang nakatingin sa mga kamay nila.


Napatawa naman si Daisy at binitawan na rin ang kaniyang kamay.

"What's happening here?" tanong nito bago binaling ang tingin sa kaniya. Magsasalita sana siya nang maunahan siya ni Daisy.


"Nothing.. I'm just asking Jam if ever na magbago ang isip niya at marealize niya na mas gusto niya ako kesa saiyo I'll be always available." ngisi nito.

Mas lalo naman humigpit ang pag akbay sa kaniya ni Blake.

"That would never happen. Two weeks from now ikakasal na kami and no one can stop that."

When The Playboy FallsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon