Chapter 8

20.2K 565 44
                                    

Chapter 8
-----------

"Urgh!! "

Naalimpungatan si Jam mula sa pagkakatulog ng maramdaman ang matinding sakit ng ulo. Pakiramdam nya ay pumipintig ng malakas ang mga ugat sa kanyang sintido.

Iminulat nya ang kanyang mga mata para tingnan kung nasaan sya. Inilibot nya ang paningin pero hindi nya maaninag ang paligid. Wala syang maaninag na kahit ano. Doon nya lang napagtanto na nakapiring sya. May takip ang mga mata nya kaya wala syang makita.

Iginalaw nya ang kamay upang tanggalin ang takip sa mata nya pero hindi nya ito maigalaw.  Pakiramdam nya ay may pumipigil sa kanyang kamay. Feeling nya ay nakatali ang kamay nya--

Wait nakatali?! 

Dali-dali nyang hinila ang mga kamay pero agad ding lumukob sa kanya ang kaba ng napagtanto nyang nakatali nga ang kamay nya sa itaas nya at hindi nya ito maigalaw kahit na anong gawin nya. Sumasakit na ang kanyang pulso dahil sa kapipilit na tanggalin ang tali sa kanyang kamay.

Nagpapanic na ang kalooban nya dahil hindi nya alam ang gagawin. Pilit nyang inaalala kung ano ang nangyari kanina at kung paano sya napunta sa sitwasyong ito.

Mas lalong nagragasa ang takot sa kanyang sistema ng maalala ang nangyari kanina.

Galit na galit nyang sinugod si Blake kanina pagkatapos ay nagkasagutan sila then she decided to leave her job as his bodyguard then she started packing her things and when she finished it she open the door then suddenly someone hold her tapos bigla na lang nitong tinakpan ang kanyang ilong gamit ang panyo.

Pagkatapos niyon ay wala na syang maalala.

Anong nangyari? Sino ang gumawa nito at ano ang kailangan nito sa kanya. Meron bang nakapasok sa mansyon at ito ang dumukot sa kanya?

Teka nasaan ba si Blake? baka may nangyari na dito ng masama dahil sa kapabayaan nya.

Sa isiping iyon ay nagkaroon sya ng lakas ng loob para paulit-ulit na hilahin ang pagkakatali sa kanyang kamay. Kahit masakit ay pinipilit nya.

Hindi ito dapat mangyari. Kailangan nyang mailigtas si Blake baka kung ano na ang nangyari dito.

Natigil sya sa kapipiglas sa tali ng marinig ang mahinang pag bukas ng pinto.

Nanindig ang balahibo nya sa takot.

"Sino yan?" mariin nyang tanong sa kung sino man ang pumasok sa kwarto.

"Sumagot ka! Sino ka?!" hindi nya na napigilang sumigaw ng walang sumagot sa kanya.

Naramdaman nya ang paglapit nito sa kanya at ang paglapat ng daliri nito sa kanyang balat.

Nakaramdam sya ng kikiti ng maramdaman nya ang pagtaas baba ng daliri nito sa kanyang leeg ng dahandahan. Naramdaman nyang lumundo ang kama na kinakahigaan nya at kahit na hindi nya ito nakikita ay ramdam nya ang pag upo nito sa kanyang tabi.

Mas lalo syang kinilabutan ng maramdaman nya ang mainit nitong hininga sa kanyang tenga.

"Shhh.." bulong nito sa kanya. Ramdam nya ang mainit nitong hininga dahil sa sobrang lapit nito.

"Sino ka ba? A-anong kailangan mo saakin?" nanghihinang sambit nya. Pakiramdam nya ay nanlalambot sya dahil sa presensya nito. Ni hindi nya na mabigkas ng tama ang kanyang nais sabihin.

Naiiyak na sya sa sobrang kaba pero pinipigilan nya. Hindi sya dapat na magpakita ng kahinaan sa kung sino man ang walang hiyang gumawa nito sa kanya.

Mayamaya pa at maramdaman nya ang kamay nito sa likod ng kanyang ulo hanggang sa lumuwag na at tuluyang natanggal ang tela na nakatakip sa kanyang mga mata.

When The Playboy FallsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin