Chapter 12

17.6K 458 13
                                    

Chapter 12
_______






Ito na, Ito na iyong oras kung saan maaari na syang makatakas sa kamay ni Blake. Pwede syang tumakbo paalis dahil wala nang buhay ang mga bantay nito.


Pero hindi nya alam kung bakit hindi nya magawa. Parang ang bigat sa loob nya at ramdam nya ang pagbilis nang tibok ng puso nya. Kinakabahan sya hanggang sa marinig nya ang iyakan sa loob at alam nyang galing iyon kay na Ate Ester at Louisa.

Hindi tumigil ang putukan. Agad syang napatingin sa bintana nang Master bedroom na kitang-kita mula sa kinauupuan nya. Mas lalo syang kinabahan.

Agad syang tumayo at dali-daling tinungo ang katawan nang mga nakabulagtang bodyguards upang kunin ang dalawang baril na nasa mga tagiliran nito.

Hindi na sya nag abala pang balikan ang kanyang saplot sa paa. Maingat at walang tunog na tinungo nya ang kusina. Nagtago agad sya sa may pinto nang makita nya ang apat na armadong tao na nakaharap kina Louisa habang nakatutok ang mga baril nito dito. Hindi nya malaman kung paanong nakapasok ang mga ito sa higpit nang seguridad.

Nakatalikod sa kanya ang mga armado at para bang walang alam na nasa paligid lamang sya. Kitang-kita nya ang pag iyak nina Louisa habang nagmamakaawa sa mga ito na wag patayin.

Inilibot nya ang tingin sa paligid at nakitang nakabulagta sa paligid ang ilan pa sa mga bodyguard ni Blake.

Mga walang silbi. Paanong nagawa itong patumbahin nang mga ito eh mas madami pa ata ang bilang nang guards kaysa sa mga armado na ito.

"Parang awa niyo na po. Pakawalan niyo na po kami." humihikbing pagmamakaawa ni Louisa na nginisihan lang nang mga ito.

"Ang kailangan namin ay ang amo niyo. Pero dahil nandito na rin naman kayo ay damay na rin kayo." Tumatawang sagot nang isa na mas lalong nagpapangit sa hitsura nito.

Isinuksok nya ang baril sa kanyang likod at parang wala lang na sumandal sa pader bago sumipol na syang dahilan para makuha nya ang atensyon nang mga ito.

Tumingin ang mga ito sa kanya at nakita nyang mas lalong lumawak ang ngisi ng mga ito.

"Kung siniswerte ka nga naman. May chicks palang tinatago ang Murillo na iyon dito mga Pre!" ani nang isa habang nakatitig sa kanya na para bang hinuhubaran na sya nang mga ito. Napangiwi sya nang sabihin nito ang salitang chicks. Tangina oo nga pala wala syang suot na cap kaya kitang-kita ang mahaba nyang buhok.

"Oo nga Pre! Hayaan na muna natin sina Nelson at Kops doon sa Murillo na iyon. Kaya na nila iyon, enjoyin muna natin ang magandang bisita sa ating harapan." mas nandiri sya nang makita ang halos dilaw na nitong mga ngipin. Hindi man lang ito nag abalang magsepilyo bago naisipan sumugod, tss nakakadiri.

Pero agad naman syang kinabahan nang malaman na may dalawa pa pala itong kasama na malamang ay nasa taas at hinahanap si Blake. Pinilit nyang pinakalma ang sarili bago ngumisi din sa mga ito. Walang mangyayari kung magpapadala sa kaba nya.

"Bakit hindi mo man lang naisipan na magsepilyo muna bago mo pinairal yang kalibugan mo sa katawan." pang iinsulto nya dito. Kita nya namang bigla itong nangunot nang nuo at kung hindi lang ito maitim ay baka namumula na ito sa galit.

"Putang ina ka!" akmang susugod ito sa kanya nang bigla itong pigilan nang isa sa mga kasama nito.

"Relax pre, ako nang bahala" tumingin ito sa kanya at lumapit hanggang sa nasa harap nya na ito. "gusto mo ba Miss makipaglaro?" ngisi nito sa kanya.

Gusto nya itong paikutan nang mata ngunit pinigil nya ang sarili at sa halip ay nginitian nya ito nang matamis.

"Pwede naman, mahilig ako sa laro eh" sagot nya. "kaya lang mas masaya sana kung tayo-tayo lang" dagdag pa niya.

When The Playboy FallsМесто, где живут истории. Откройте их для себя