Chapter 17

16.9K 465 41
                                    


Chapter 17
_______



Kinaumagahan ay maaga siyang nagising. Tulog pa si Blake sa tabi niya dahil siguro sa pagod nito sa trabaho at pati na rin sa puyat dahil halos hating gabi na rin ito natapos sa pakikipag usap at pakikipag inuman sa Daddy niya.

Sobra ang mga ito nawili kay Blake at walang alam ang mga ito na sapilitan lang naman ang pagpapa kasal niya dito.

Pero ngayon napipilitan pa din ba syang makasama ito? Tinitignan niya nang maigi ang maamong mukha ni Blake kapag natutulog. Parang biglang bumilis ang tibok nang puso niya. Ang sarap nitong titigan.

Napahawak siya sa dibdib niya. Hindi! Hindi siya tanga para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin nito.

Pero naguguluhan siya, lesbian siya at siguradong sigurado sya doon pero ano ito. Nababakla na ba sya kay Blake? Shit bakit sa dami nang babae sa mundo ay sa babaerong si Blake pa siya nahulog. Bukod sa lalake ito ay sapilitan pa ang pag angkin nito sa kanya.

Natatakot siya dahil hindi niya alam kung totoong mahal nga siya nito o baka naman obsession lang ang nararamdaman nito. Baka naman thrilled lang ito dahil hindi siya agad dito nagkagusto.

Shit kasi, bakit kay Blake pa.

Tuluyan na siyang bumangon at tinungo ang bathroom. Maliligo nalang siya kaysa ang isipin pa ang nararamdaman niya. Wala na rin naman siyang magagawa roon. Hindi niya man maamin sa sarili pero natatakot siya.

Halos isang oras din siya sa loob para maligo. Pagkalabas niya nang pinto ay nagulat pa siya nang makita si Blake na nakaupo sa kama at nakatingin nang matiim sa kanya. Seryoso ang mukha nito habang nakatitig sa kanya. Sa tingin niya ay kanina pa nito hinihintay na matapos ang kanyang paliligo.

"Ahm.." she cleared her throat, pakiramdam niya ay may bara sa lalamunan niya. Masyado siyang naiilang sa tingin nito. Hindi siya komportable dahil kahit pa bago lang siyang paligo ay para bang unti-unting umiinit ang paligid niya. "Maligo ka na, diba may pasok ka pa?"

Pinipilit niyang maging casual sa harapan nito kahit pa parang nanginginig ang kanyang kalamnan. Ilang beses pa syang napalunok at napamura sa kanyang isip. Ang awkward nang nararamdaman niya.

"Come here." husky ang boses nito. Para bang nang aakit. Iniiling niya ang ulo, hindi para tumanggi dito kundi para tanggalin ang eksenang bumubuo sa kanyang isipan. Shit! Ito na ba ang epekto ni Blake sa kanya? Parang naging manyak na yata ang dating niya.

Kumunot ang noo nito, marahil ay nakita nito ang kanyang pag iling. Akmang magsasalita pa ito nang bigla nalang may kumatok sa pintuan.

"Anak gising na ba kayo? Nakahanda na ang almusal bumaba na kayo riyan." napatingin siya sa pinto at napabuga nang hangin nang marinig ang boses nang mommy niya. Para siyang nakahinga nang maluwag at nagpapasalamat siya dahil sakto ang oras nang pang iistorbo nang kanyang Ina. Dahil kung nahuli pa ito nang dating ay baka nahalay niya na si Blake dahil kung ano-anong bagay ang pumapasok sa isip niya.

"Yes mommy gising na po, Bababa nalang po kami." sagot niya dito. Hindi na rin naman nagsalita pa ang mommy niya. Narinig niya na lang ang yabag nito paalis.

Binalingan niya nang tingin si Blake at nakita niyang nakatayo na ito sa gilid nang kama. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Agad naman siyang nag iwas nang tingin dito at pumunta sa kanyang kabinet para kumuha nang maisusuot. Pagkatapos ay walang paalam na bumalik siya sa bathroom para magbihis. Binilisan niya lang ang pagbihis at lumabas agad. Binalingan niya ito nang tingin at nakita niyang hindi man lang ito natinag sa pagkakatayo. Para itong poste na nakatayo at walang kagalaw-galaw. Kagaya kanina ay iniiwas niya lang ang tingin dito. Nanginginig ang kanyang kamay na binuksan ang pinto. Bago pa sya lumabas ay binilinan niya muna ito na kumuha na lang nang damit sa kabinet niya para may maisuot ito. Tutal halos lahat naman nang damit niya doon ay panlalake.

When The Playboy FallsWo Geschichten leben. Entdecke jetzt