Chapter 20

18.6K 402 11
                                    


Chapter 20
_______







True to his word. Makalipas lang ang ilang buwan ay nalaman niyang buntis na pala siya. Ngayon at halos apat na buwan na ang kaniyang tiyan. Medyo malaki na din ito at halata na. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Parang napakabilis nang mga oras para sa kanya. Dati lang ay isa siyang tigasin na lesbian na naging bodyguard nang babaerong si Blake pero ngayon ay siya na ang buntis nitong asawa.

Tuwang-tuwa naman ang kumag sa nangyari. Para na siyang bata kung ituring nito dahil sa sobrang pag iingat sa kanya. Minsan nga ay sinasabihan niya itong OA dahil sa kung ano-anong ginagawa nito. Kulang nalang ay sa bahay nalang ito magtrabaho para lang mabantayan ang kalagayan niya na siya namang ikinaiinis niya dito.

Buntis lang siya at hindi imbalido.


Pero isinasawalang bahala lang nito ang inis niya. Ang sabi nito ay maiinis lang daw siya dito dahil sa ito daw ang pinaglilihian niya. Ang kumag nawala na ata ang pagiging seryoso nang mukha nito. At napalitan nang nakakainis na ngiti na siya namang ikinaiirita niya.


Mas gusto niya itong makitang seryoso kesa sa nakangiti. Parang mas masarap itong titigan kapag galit kesa sa pag nakangiti. Pero ewan niya ba dahil kapag nakikita niya naman itong naiinis na sa pamamato niya nang kung ano-ano ay hindi niya naman mapigilan maluha at maiyak.

Buntis nga naman.


"Hey baby" nagulantang siya nang bigla nalang may humawak sa balikat niya. Napatingin siya dito at agad na napapikit nang bigla siyang sinalubong nang halik ni Blake.


Ilang minuto din ata siya nitong hinalikan bago sila naghiwalay. Napasimangot naman siya at napanguso dahil doon. Itinulis niya pa ang nguso na tila ba inuudyok ito para halikan ulit siya. Napangisi naman ito at pinagbigyan siya nang isang malalim na halik.


"Nagiging clingy ka na ah.." nakangising ani nito na siyang nakapag pasimangot sa kanya.


"Hmp.. Bitawan mo nga ako!" asik niya dito. Minsan aminado siya na nagiging pabebe na siya dito. Parang isip bata na siya kung umasta. At isinisisi niya iyon sa kanyang pagbubuntis. Kung hindi naman siya buntis ay hindi naman siya magiging clingy dito eh. Nakakainis lang talaga minsan.

"Baby I'm not even touching you. Ikaw ang nakahawak nang mahigpit saakin oh." nakangiting turan nito sa kanya at inginuso pa ang kamay niyang nakahawak sa braso nito.

Agad naman siyang namula nang mapagtanto na siya nga ang may hawak dito. Iniwas niya ang tingin dito at unti-unting nangilid ang luha sa mga mata niya.

" Hey baby.. What's the problem? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong nito sa kanya at hinawakan pa ang kanyang pisngi para suriin siya.

"Kasi naman eh.. Siguro umandar nanaman ang pagiging babaero mo. May babae ka siguro kaya ayaw mo nang magpahawak saakin." iniiwas niya ang tingin dito at ibinaling na lang iyon sa ketchup na nasa harapan niya na kanina niya pa tinititigan.


"What?" parang hindi makapaniwalang tanong nito. Base sa pagkakatingin nito sa kanya ay para ba siyang tinubuan nang isa pang ulo.

Siguro nga ay may babae talaga ito. Porket ba tumataba na siya ay ipagpapalit na siya nito. Kahit kailan talaga kapag babaero wala nang pag asang magbago. Sabi nito mahal siya nito. Araw-araw nito iyong sinasabi tapos-

Natigilan siya sa napagtanto, hindi nga pala siya nito sinabihan nang I love you ngayong araw. Ibig sabihin ay hindi na talaga siya nito mahal. Nagsawa na ito sa kanya. Mas lalo lamang dumaloy ang luha sa kaniyang mga mata. Napakasama nito, pagkatapos ng lahat ay ipagpapalit din pala siya nito.

When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now