Chapter 7

19.8K 599 37
                                    


Chapter 7
---------

Nang makapasok sa kusina ay nakita nyang prenteng nakaupo lang si Blake habang kumakain. Hindi nito alintana ang matatalim na tingin na ipinupukol nya dito.

"Hoy gago ka! Napakawalanghiya mo talaga. Ano na namang kalokohan itong mga pinaglalagay mo dito!" sigaw nya dito. Pati yata tonsil nya ay bibigay na sa kasisigaw nya.

Pero wala syang pakialam!

Kung nakamamatay lang ang tingin ay siguradong kanina pa ito nakabulagta pero dahil makapal ang mukha nito ay hindi na ito nakakaramdam.

Hindi sya makapaniwala sa mga nakasulat sa folder na hawak nya.

"So nabasa mo na pala." nakangising saad nito pagkatapos magpunas ng bibig.

Mas lalo syang nanggigil sa Inis dito.

"Oo at hinding hindi ko gagawin ang mga kabaliwang nakasulat dito. Ikaw na lang ang bahala sa mga nagtatangka sa buhay mo  dahil aalis na ako. Ayokong maging bodyguard ng isang baliw na kagaya mo!"

Naiinis na tiningnan nya ito. Pero parang wala lang itong pakialam at nakatingin lang sa kanya habang nakangisi.

Parang nawala bigla ang kagwapohan nito at para nalang itong gagong aso.

"What is your problem?" mula sa pagkakangisi ay tumingin ito sa kanya na animoy isang inosenteng bata na tinatanong kung anong nagawang kasalanan nito.

Parang wala itong ginawang kagagohan.

Inis na lumapit sya dito at nanggigigil na inihampas ang folder sa lamesa kung saan ito prenteng kumakain ng almusal.

Nabigla naman ito lalo na ng biglang matumba ang isang tasa na may lamang napakainit na kape. Napatayo ito at at dali-daling kinuha ang folder bago pa ito madaluyan ng kape.

Agad na sinuri nito ang mga papel para makita kung may nabasa ba. Kung titingnan ay parang mas concern pa ito sa folder kesa sa sarili nito na muntik ng matapunan ng mainit na kape.

"What the fuck did you just fucking do?" Blake glared at her na para bang napakalaki ng kasalanan nya kahit na kung tutuosin sya ang dapat na mabwisit dito.

"Ikaw pa ang may ganang magalit? Tingnan mo nga at puro kagagohan mo ang nakalagay sa folder na yan. Hah! Lalake ako hindi man sa pisikal pero lalake ang puso ko tapos gusto mo akong magbago para lang hindi mo ako tanggalin. Hindi ko kailanman pinangarap na magsuot ng dress, mag make-up, magsalitang parang babae at kumilos na naaayon sa kilos ng Ibang mga babae dyan. Kung hindi mo matanggap yun pwes wala na akong pakialam kung anong gawin mo basta aalis na ako dito." galit na sigaw nya dito.

Paano ba naman kasi. Para lang hindi sya nito tanggalin kailangan nyang kumilos babae, magsalita ng hindi binabago ang boses, at higit sa lahat mag ayos na parang babae. Isama mo pa doon na kailangan nyang makipag break sa girlfriend nya na hindi nya alam kung pano nito nalaman na may girlfriend sya.

Wala naman syang sinabi dito tungkol doon pero hindi nya alam kung paano nito nalaman. Porket sobrang yaman nito akala nito ay kayang kaya sya nitong hawakan sa leeg at pasunurin nalang basta.

Pwes manigas ito dahil hinding hindi nya gagawin ang kalokohan na ito.

Ngumisi ito ng nakakaloko at matalim na tiningnan sya.

"Are you sure? Baka magsisi ka kapag pinanindigan mo yang pagmamatigas mo."

Ang mga titig nito sa kanya ay parang nanghahamon. Para bang sinasabi ng mga mata nito na sumuko nalang sya at gawin ang gusto nito dahil wala lang syang mapapala kung patuloy syang magmamatigas dito.

When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now